“Macky!” Dali-dali kong hinabol ang lalaki. Bahagya pa itong lumingon mula sa malayo pero hindi sapat iyon para tuluyan kong maaninag ang mukha nito.
Nakakasilaw ang liwanag na hindi ko alam kung saan marahil nagmula.
“Hoy, ano ba! This is exhausting! Antayin mo naman ako, oh!” Hindi ako tumigil sa pagkatakbo, kahit pa nga ilang beses na akong natapilok at muntik masubsob sa daan.
Sobra ang nararamdaman kong pagsakit ng ulo pero hindi ko iyon ininda. Desidido akong habulin ang lalaki, desidido akong maabutan siya.
“Ano bang ginagawa mo?” Mabilis nitong gagad nang magkatapat kaming dalawa. Hindi ko makita ang mukha. . . malabo at napakamaliwanag pero rinig ko sa boses nito ang pagkainis.
“Eto. . . sa‘yo na ‘to!” Hindi ko maintindihan pero ibinigay ko rito ang isang larawan. Hindi ko alam at hindi ko makita ang laman nito pero pinipilit ko ang lalaking tanggapin iyon as if it was essential for us. . . bagay na hinding-hindi pwedeng mawala.
“Avery. . . Avery!”
Pawis na pawis at takot na takot akong bumalikwas mula sa kinahihigaan nang magising akong muli sa araw na iyon. Nasa harap ko na si Cormac na mukhang alalang-alala rin sa akin.
Hindi ko maintindihan ang napanaginipan. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit at hindi mawala-wala iyon sa isip ko.
“Avery, talk to me. Are you okay? Do you need something?”
Napanaginipan ko na naman ang hindi makilalang lalaki. Hindi ito ang unang beses pero hindi ko pa rin maaninag nang maayos ang mukha nito.
“I. . . I need my memories. . . Cormac, I need my memories!”
Sunod-sunod ang pag-agos ng luha ko. Ngayon na lang ulit nangyari ang bagay na ito at magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing natatakot ako.
There are something about the dream. . . na parang hindi ko kakayaning tanggapin. Tuwing ang lalaking iyon ang napapanaginipan ko ay nanginginig akong palagi sa takot.
I don’t know him— or maybe I do not remember him pero bakit ako natatakot nang ganito?
Mahigpit akong napayakap sa lalaking kaharap, nanginginig pa rin sa takot.
Mabilis namang napasinghap doon si Cormac. Alam kong hindi maganda ang pagtrato namin sa isa’t isa but this isn‘t the right time to think about my pride.
If only kuya is here. . .
“Mommy. . . Daddy. . . Kuya!” panaghoy ko pa.
Wala akong eksaktong iniisip pero nanatili ang takot.
“Avery, calm down. . . please?”
His voice was very calm now. Mahina iyon pero hindi nakalusot sa akin ang boses ng pag-aalala. “You’ve been through a lot. . . because of me,” dagdag pa nito.
Ginawa ko ang nakasanayan. Inubos ko ang mga luha sa pag-iyak. Inilabas ko ang lahat ng disappointment pati na ang frustration sa nangyari.
Nang kahit papaano ay kumalma na, mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap dahilan para tapatan ni Cormac ang mga tingin ko.
“I. . . I’m sorry, Mr. Carter–” Hindi ko na natuloy ang sinasabi nang biglang maramdaman ang maiinit na labi nito sa labi ko. Mabagal at maingat ang paggalaw noon na para bang mas pinapakalma pa ako, telling me that I don’t need to be alone this time.
Napakagat ako ng labi, saka tuwid na tiningnan ang nakapikit na ngayong mata ng lalaki.
Halos mabingi ako sa pagkalabog ng sariling puso. Sa sunod na mga segundo ay nagawa ko nang sabayan ang paggalaw na iyon. His kisses became aggressive, dahilan para gawin kong pang-alalay ang mga kamay para hindi tuluyang bumagsak sa kamang kinauupuan.
“Cormac. . .” I said in between our kisses. Gaano ko man kagustong kontrolin ang sarili ay wala akong magawa kundi ang sundan ang paggalaw ng mga labi niya.
For a moment, I felt how addicting it is.
“I miss you–” Itinigil niya ang paghalik saka hinaplos-haplos ang pisngi. “I miss you so much. . .”
Mabilis na napakunot ang noo ko, nahimasmasan na. Pakiramdam ko ay kinakain ako ng hiya dahil sa halik na iyon ngayon. “Cormac–”
Hindi na niya inantay na matapos ang sinasabi ko. Marahan siyang tumayo at isinilid ang mga kamay sa bulsa. “Kung tapos ka na magpahinga, we’ll have our lunch tapos magta-trabaho na tayo.” Nagawa pa ako nitong tingnan nang deretso bago tumalikod at maglakad palabas ng kwarto.
Agad na dumapo ang kamay ko sa bibig para pigilan ang paghagikgik. “What was that? Pulang-pula ang tainga ng loko!”
Inayos ko na rin ang sarili para sundin ang sinabi ng lalaki. Mabilis akong nagtext sa mga magulang, nangumusta at nag-update na rin sa kung ano ang plano ngayong araw.
Alam kong nag-aalala si Kuya Jac pero kailangan ko na muna sigurong tiisin. Matatapos din naman ang proyektong ito.
“Where are we going?” tanong ko sa lalaking katabi, ilang minuto pagkatapos makapasok sa sasakyan nito. Inuna na namin ang pagkain ng lunch nang hindi na muli pang pinapag-usapan ang nangyari sa kwarto ng opisina niya.
“Kung saan natin gagawin ang shooting,” sagot nito saka pinandar ang sasakyan.
Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Ma’am Cassandra. Ia-update ko kasi ito sa kung ano ang mga magagawa ngayong araw. Siya naman na ang bahalang umasikaso sa big boss at sa team.
“And where’s that?”
“Batangas.”
Halos mahulog ako sa kinauupuan sa gulat. “Batangas?!”
I would be really doomed. Ipapanalangin ko na lang sigurong hindi sa Pagkilatan iyon dahil malilintikan ako sa mga kamag-anak ko roon. I would never go there with a man lalo pa’t mahihilig silang makiusyoso. That will be the end of me kapag nakita ko si Tita Cris.
“Bakit tayo pupunta roon?”
“I’ll tell you later.”
Hinayaan ko na lang ang lalaki. Walang magagawa kung magpapanic ako ngayon. Isa pa, napakalaki kaya ng Batangas. Maraming pwedeng puntahan at pasyalan. We would never go there.
Nagtipa pa ako ng mensahe para kay Ma’am Cassie na sa Batangas kami magpupunta at nakakuha ako agad ng go signal.
Sa sobrang awkward at tahimik sa kotse ay nakatulog akong muli. Iminulat ko na lang ang mga mata nang paulit-ulit nang niyuyugyog ni Cormac ang balikat ko, telling me that we’ve reached the place.
Malaki ang ngisi ko nang makumpirmang totoo nga ang sinasabi nito. Kilalang-kilala ko ang simoy ng hangin sa Batangas. Most of them are dying to feel this. Nang makalabas ay may pa taas-taas pa ako ng kamay. Sobrang nakaka-relax na nakarating ulit ako sa lugar kung saan ako lumaki at nagkamalay. Well, it wasn’t that satisfying dahil wala akong maalala ni isang nangyari sa lugar na ito.
Ilang beses na rin kaming nagpuntang pamilya, sumusubok na baka kahit papaano ay matulungan ako sa pagbalik ng mga alaala ko pero walang nangyari. Labinglimang taon na pero heto pa ako, kulang na kulang pa rin.
Halos gumuho ang sistema ko nang makita ang isang pamilyar na lugar— the Monte Maria Shrine. Cormac’s got to be kidding me!
“Cormac! Cormac, nasaan tayo?” madrama kong hinarap ang lalaki. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil baka magkatotoong makita nga ako ng mga kamag-anak. “Cormac!”
Binalingan muna niya ang relo bago nagsalita, “Pagkilatan.”
Nanlalaki ang mga mata at nagmamadali kong ibinukas ang pinto ng sasakyan saka isiniksik ang sarili ko sa loob noon. What are we doing here?
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...