Napaismid na lang ako sa biglaang paglakas ng boses ni Ma’am Cassandra kinaumagahan nang magpunta ako sa BSE. Kanina pa pala ito sumisigaw pero nasa kawalan lang ang mga titig ko, hindi pa rin maisip kung paano posibleng haharapin si Cormac ngayong araw.
“I really don’t get Gelo. Kahapon, nag-usap pa lang kami. They are okay about the schedule. Tapos ngayon biglang magka-cancel? Aba! Mga walang isang salita talaga iyang mga taong ‘yan.” Hindi matigil ang bibig nito. She must be really annoyed na biglang hindi kami sisiputin ng team ngayon.
Dahil may kontrata na, tuloy-tuloy na ang proseso. Pagkatapos lang ng interview ay magkakaroon na ng meeting para sa gagawing shooting sa documentary.
Ang mga naunang nalaman ay nagawan ko na ng report at naipasa ko na sakanila. Magiging madali na lang para sa scripwriters na maayos ang lahat. Hindi na siguro aabot ng isang buwan bago kami magsimula sa pagso-shoot.
Ganito talaga ang kilos para sa AFA. Para kaming iyong hindi na natutulog sa sunod-sunod na mga buwan. Competitive ang buong BSE sa competition na ito so imagine the pressure that I can feel right now.
Idagdag mo pa iyong hindi magandang relasyon ko kay Cormac. Wala atang araw na hindi kami nagbangayan tuwing magkikita.
Restart. Dapat magsimula akong muli sa una. I should forget everything na nangyari at pinag-awayan namin ni Cormac noon— para sa AFA.
“May ibinaba raw na gawain ang big boss? As in, ngayon talaga? Sinabihan sila overnight? Hindi pwede ‘yun! Paano naman ‘tong AFA? This should be a priority!”
“Kailan daw sila pupwede?” pagtatanong ko na lang para naman makahinga ang kausap.
“By next week,” pasigaw na sambit ng Editor-in-Chief.
“Next week? What is this? Mahaba-haba pang panahon ang kailangan sa briefing! Ni hindi pa nga ata na-finalize ang mga gaganap.” Bumuntong-hininga ako‘t hinarap si Ma’am Cassandra. Wala naman na kaming magagawa sa ngayon.
Hindi kami makakapag-function kung kami lang. We need them.
“Don’t worry. Ako na lang muna ang gagawa ng paraan sa isang linggo. Ako na ang bahala kay Mr. Carter. Susubukan kong makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa lalaki. Tell them I’ll make a report at the end of this week. Gawan na lang kamo nila ng paraan ‘yan, Ma’am. Hindi pwedeng mag-antay pa tayo ng isang linggo,” dire-diretso kong sabi. Nakita kong napahilot na lang sa sintido ang babae saka kinuha ang telepono nito at nagtipa.
“You can go now. Tawagan mo ako agad kapag may problema, okay? Don’t stress yourself too much.”
Hindi na rin ako nagtagal sa opisina. Ilang minuto lang ay nasa kotse na ako at nagmamaneho nang matanggap ang tawag ni Kuya Jac. “Sup?”
“Where are you?” Inilayo ko sa tainga ang cellphone na hawak saka tsinek kung si kuya ba talaga ang kausap. Silly, alam naman nitong nasa trabaho ako ay magtatanong pa siya.
“I’m on my way to C.C—”
“Are you really going to do that, Avery?”
Here we go again. “Kuya naman. . .”
“All I want is the best for you, Av. Alam kong hindi magiging okay ‘tong project mo kasama ‘yang Cormac na ‘yan. Can’t you listen to me?”
Mabilis kong ipinark ang sasakyan nang makarating sa building ng C.C Cars. Naiintindihan ko ang sinasabi ng kapatid pero hindi na ako pwedeng umurong pa ngayon. Mabilis na nauubos ang oras namin kaya hinding-hindi ako mag-aaksaya ng panahon.
I need to do this— not just for myself but for BSE as well.
“Kuya, I’ll call you later. Sorry,” mabilis kong sabi saka ibinaba ang tawag. Hindi ko na siya inantay na makasagot. I know guilt will creep me out pero kailangan kong panindigan ang lahat. Kung ano man ang ikinatatakot ni kuya ay sisiguraduhin kong hindi iyon mangyayari.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...