Thirty-one: CC loves Avery

337 12 5
                                    

Ilang beses ko nang kinuwestyon ang buhay noon. Life is unfair. . . I would say that. Hindi ko kasi alam ang mga rason kung bakit kailangang mangyari iyong mga pagsubok, iyong mga paghihirap.

When I self-pity, akala ko ako na ang pinakaapi sa mundo. Iniisip ko palaging wala ng pag-asa—wala ng magiging pagbabago.

Yes, I suffered a lot too. Ilang beses kong gustong isuko ang buhay. Losing my own memories it not as easy as what people think. Tune-toneladang frustration ang hinaharap ko sa kada umagang gigising, umaasang baka sa susunod na pagmulat ng mga mata ay naaalala ko na ang lahst.

Pero nang malaman ko ang lahat ng pinagdaanan ni Cormac, kung paano lumaban ang lalaki makarating lang sa kung nasaan ito ngayon? Hindi ko magawang maisip ang mga naranasan—bigla kong ikinahiya ang pagrereklamo.

Dali-dali akong napatayo nang marahas na tumakbo papalayo si Cormac. Agad-agad ko itong tinawag pero hindi iyon pinansin ng lalaki. Bagkus, mas binilisan pa nito ang pagtakbo. “Cormac!”

Akmang susundan ko ang lalaki nang harangin ni Kuya Jac ang daraanan. “Avery, hayaan muna natin siyang magpalamig ng ulo. He’s hurt. Mas gusto niyang mag-isa ngayon.”

“Kuya, I won’t.” Nagpumiglas ako pero mas naging mahigpit ang hawak ng kapatid.

“Avery, ano ba? Wala tayong ibang magagawa ngayon kundi mas intindihin siya. Tutulungan natin siya–”

“Hindi ko na siya hahayaang mag-isa, Kuya!” Kahit si Ma’am Cassandra ay napasinghap sa biglaan kong pagsigaw. “Fifteen years ago, I promised that guy. Ang sabi ko, hinding-hindi ko siya lulubayan. Wala akong pakealam kung ipagtabuyan man niya ako pero hindi ako aalis. Hindi ko siya iiwang mag-isa.”

Mabilis ang naging reaksyon ni Kuya Jac sa narinig, para bang nawalan ng lakas ang mga kamay nito at kusang dumulas sa mga braso ko.

“Kuya. . . I broke that promise. Ngayon, nandito na ako, I am fine! I am breathing! He needs me, he needs us. I know that may be a man thing but Cormac’s different. Kinaya man niya noong nakaraang mga taon, I won’t let him suffer the same intensity of pain alone.”

Mabilis na napaupo si Kuya Jac. Bumaling ako kay Ma'am Cassandra, magalang na nagpaalam at saka umalis.

Sinubukan kong tawagan ang telepono nito pero naka-off na. Hindi ko man inasahang tama ang lugar na naisip ko, tama ako nang naging desisyong nasa sariling bahay niya lamang ang lalaki.

Kung ibang tao, paniguradong aalis ng bansa, maghahanap ng sarili sa kung ano paanong lugar.  But he’s at home. . . nilulunod ang sarili sa alak, dumudugo ang mga kamay sa pananakit sa sarili.

Hindi ko halos maatim tingnan ang mga iyon. I knew all along that Cormac is the strongest person. Nagawa nitong maka-survive sa ganoong buhay—being the prime suspect, napunta sa ampunan, nakilala ang iba’t-ibang uri ng tao, maagang naulila at namulat sa kalupitan ng buhay.

Sinamantala ko ang pagtulog ng lalaki para makapagligpit ng mga bubong at basag na bote ng alak.

Malayong-malayo ito sa napaka-organized at maayos na C.C na tinitingala ng lahat. Mas lalo lang kumikirot ang puso ko para sakanya. He’s surviving, living his life effectively kahit pa hindi na nito halos makilala ang sarili.

“Kapit ka lang dyan, ha? You’ll not suffer alone this time. Abe is here. . .”

Pinalipas ko ang mga sumunod na oras sa paglilinis at pagluluto ng pwedeng makain ng lalaki. Kahit pa ang bahay nito ay organized, nakaayos at nakasalansan ang lahat sa kani-kaniya nitong mga pwesto.

Bahagya akong napaisip, “Paano kaya kung hindi ako nagka-amnesia? Paano kung nagagawa kong maalala ang lahat? Paniguradong madaling mahuhuli ang may gawa noon sa mga magulang ni Cormac.”

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon