“Grabe! My tummy’s about to blow out!” Hawak ko ang tyan ko noong tinatahak namin ang daan palabas. Nasa gilid ko si Levi na walang ibang ginawa kundi ang tumawa sa buong lakad namin. Napaka-cheerful nito at mas lalo ko lang napatunayan na kabaliktaran talaga ito ni Cormac ngayong nakasama ko ang binata.
Yes, I have also learned na wala siyang girlfriend pero lahat ng kapatid niya ay babae. Na-explain na rin noon kung bakit alam niya kung paano makitungo sa babae; kung paano ito hawakan, kausapin at tratuhin.
Sobrang nag-enjoy ako kasama si Levi. Too bad naging wrong timing ata itong pagkikita namin but I’m sure if the moment’s different magiging mabuti kaming magkaibigan.
Mapang-asar din siya katulad ni Kuya Jac pero purong katatawanan lang ang binibitawan niya, hindi nakaka-offend o kung ano.
Ginawa naming maglibot sa mall ng ilang oras kaya nakakain kami at sandamakmak na rin ang bitbit ko paglabas. “You really didn't have to do this but thank you so much.”
Nasa parking lot na kami at pabalik sa sasakyan niya nang hinarap ako ni Levi saka ginulo nang marahan ang buhok ko. “I had fun. Thank you.”
Impit akong napakagat ng labi. This guy! Kung pupwede lang siya na lang ang interview-hin ko. “I still don’t get it kung bakit kayo naging magkaibigan ni Mr. Carter.”
Finally! Naka-segway na rin. Simula pa kasi kanina ay hindi ako makasingit da kwentuhan namin na hindi ko siya mao-offend. I just find it bad to talk about someone who is not with us.
Tumawa muna ito nang bahagya bago sumagot, “Why?”
“I don’t know if he’s a mannequin or taong bato?” inis na paliwanag ko dahilan para mas lalong lumabas ang halakhak ng lalaki.
“Av, gano’n lang talaga ‘yun si C.C. Lahat naman kaming kaibigan niya, naiintindihan siya. We accept him for who he is, kahit gaano pa man kasaklap ang naging past niya.”
Pakiramdam ko, napunta ang lahat ng dugo ko sa ulo ko at lumaking bigla ang tainga ko dahil sa narinig. Past? As in past na nakaraan? Bingo!
Nagkabuhol-buhol ang mga ideya at plano sa utak ko. And no, hindi ko pwedeng tanungin agad-agad kay Levi ngayon ang past ng lalaking iyon. Masyadong mahahalata ang paglapit ko at ang goal ko. Naging mabait ito sa akin at sigurado akong hindi ko siya idadamay sa mga pinaggagagawa ko.
“Kung gano’n, aba! Maswerte siya sainyo!”
Nang marating namin ang sasakyan, kaagad akong pinagbuksan ng pinto ni Levi. I chose to go inside kaya gano’n din ang ginawa niya.
Kinuha ko ang cellphone para pasikretong tumingin sa oras – alas kwatro.
“Alas kwatro na agad ng hapon?” tanong ko sa sarili. Ilang oras na lang at uwian na naman sa opisina ni Cormac pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa para kumbinsihin itong muli.
Ano na, Avery? Anong plano naman ngayon ang gagawin mo?
Hindi rin nagtagal ang sumunod na pagpasok ni Levi sa loob pero hindi pa nga ito nag-iisang minuto sa sasakyan ay nagsalita itong muli, “Av? Kailangan ko lang magbathroom. Malapit lang naman ‘yun kaya dadalian ko na lang. Will you be okay here?”
Walang pagdadalawang-isip akong tumango, “Of course. Walang problema, sige na. Just make sure you’ll be fast. Nangka-carnap din ako,” ngumi-ngisi kong saad kaya natawa itong muli.
I really love that he’s very jolly. Sa mga edad kasi namin, bihira na lang talaga ang ngumiti lalo na if you’re into business. Pansin ko lang naman. Masyado kasing seryoso ang iilan sa trabaho at nakakalimutan na nila ang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...