Thirty-two: Out of the picture

315 9 0
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan na nagtuloy-tuloy ang sayang mayroon kami ni Cormac. Iyon nga ang ipinagtataka ko. . . everything seems falling into its proper places. Naging madalas ang paghalakhak ni Cormac na para bang hindi na nito muli pang naiisip ang mga magulang.

I would definitely say that I am happy for him, napakasarap sa puso na nakikita ko siyang nakatawa, inuubos ang oras ng pahinga sa pakikipagkwentuhan sa mga magulang ko. There will be days that they’ll go out for dinner or lunch kahit pa hindi naman kami imbitado ni Kuya Jac.

Gustong-gusto ko ang bagay na iyon, dahil simula’t sapul, ginusto ko na talagang mahanap ni Cormac ang dating saya sa pamilya sa pamilya ko.

My mom and dad are the best parents of all time. Kampante akong tatanggapin at mamahalin nila si Cormac bilang anak na rin nila.

Masaya ako sa bagay na iyon pero ang hindi ko lang lubos maisip ngayon ay kung bakit wala na akong ibang naririnig sa mga magulang ni Cormac. Gustuhin ko man siyang tanungin tungkol doon ay nag-aalangan na rin ako lalo pa’t hindi ko alam ang mararamdaman niya. I am scared na maulit muli ang paglalasing at pagmumukmok ng lalaki katulad noong nalaman nitong namatay ang hinihinala naming suspek.

Pero tapos na bang talaga ang lahat?

Wala na ba kaming ibang makukuha pa? Naibaon na ba talaga ang hustisya para sa mga magulang ni Cormac?

“Kuya naman!” Singhal ko sa lalaking kausap sa cellphone. Ilang beses ko na siyang kinukulit tungkol sa mga napapansin kay Cormac pero hindi siya nagsasalita tungkol doon. Madalas ay iibahin niya ang usapan o kaya’y hindi ako papansinin. I wonder kung wala talaga itong alam o itinatago lang nila sa akin.

Kasama ako sa grupong ito. Malinaw na plinano naming magtulungan para sa paghahanap ng hustisya para sa mga magulang ni Cormac kaya bakit naman nila ako paglilihiman? “Kapag talaga may nalaman akong hindi ninyo sinasabi sa akin, you’ll see.” pagbabanta ko pa.

Ito na ata ang pangsampung beses na kinulit ko siya sa tawag at pangsampung beses na binabaan ko ang lalaki. This is really annoying and frustrating. Gustuhin ko mang i-focus ang sarili ko sa trabaho ay nananaig pa rin ang pagiging kuryoso ko sa kung ano marahil ang pinaplano ni Cormac at Kuya Jac.

Malaki ang naging ngisi ko nang umilaw muli ang cellphone at bumungad ang pangalan ni kuya sa screen. Dali-dali ko iyong sinagot, umaasang nagbago na ang isip nito. “What? Sabihin mo lahat exactly–”

“Do you trust Cormac, Av?” Hindi ko inasahang sasabihin niya iyon kaya bahagya akong napipilan.

I do trust him. May tiwala ako pero hindi ko mawasan ang mag-alala. Patay na ang hinihinala naming suspek kaya hindi ba mas mapanganib kung hindi pa rin sila titigil ngayon?

Natatakot ako. Hindi lang basta pasaway na empleyado o hindi naman kaya magnanakaw ang hinahanap namin dito.

“I do. I trust him. . .” mahina kong sabi. Kung ano man ang ibig sabihin ng tanong na iyon ni kuya, nakumpirma lang noon sa aking mayroon nga silang itinatago sa akin. Are they changing their plans? Masyado bang unrealiable ng information o ng sketch? Hindi ba sila naniniwalang patay na ang lalaki? “Pero, Kuya, it was confirmed! Kahit pa ilang taon na ang lumipas, ang nasa sketch ko nga ang ibinalita sa news na namatay! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga ang nakita ko. And if that’s the case, patay na nga ang suspek sa pagpatay ng mga magulang ni Cormac fifteen years ago!”

Weeks ago, nagawa rin naming makumpirma ang pagkakakilanlan ng lalaki. Gustuhin ko man at ilang beses ko ng sinabi sa mga ito na magsabi na sa mga pulis pero hindi rin nila ginawa. It was because of Cormac. Sa lahat ng napagdaanan ay hindi na bumalik ang tiwala siya sa mga pulis.

“Please do. Cormac is Cormac. Hindi nagbago ang lalakng iyon,” sunod na sabi ni Kuya Jac.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Nang maibaba ko ang tawag ay pangalan naman ni Cormac ang bumungad doon.

I really want to ask him. Nakakabaliw na napakarami kong gustong malaman pero wala akong nakukuhang sagot sa mga ito.

We have the same goal. Dapat nga ay mas nagtutulungan kami ngayon.

“Mac–”

“Nasa labas ako. Come out! We’ll go somewhere,” masiglang sabi lang nito. Ilang araw na rin kaming ganito. Magyayaya siyang lumabas at kumain sa kung saan saan na parang walang ibang iniisip.

At doon nga ako mas lalong nagtataka. Si Cormac iyong tipo ng tao na hindi basta-basta sumusuko sa kung saan—lalong-lalo na kung tungkol iyon sa mga magulang niya.

I am really missing something.

At kung hindi nila sasabihin ay ako mismo ang aalam ng bagay na iyon.

“Sige na, Av. Labas ka na. We’ll pack things soon. The editing and producing team is very contented as of now. Madali na rin tayong matatapos.” Mabilis ko pang niyakap si Ma’am Cassandra at saka nagpaalam.

Maganda ang nagiging takbo ng documentary kaya hindi ko pa rin mapigilan ang maging kampante. Parehas na team ang kasama ko ngayon sa last year, and we a share the same goal for BSE News. We will win.

Sinalubong ko ng ngisi ang lalaking nag-aabang sa lobby ng kompanya. He's with his usual polo and slacks and that really suits him better. Pormal ang damit na iyon pero pakiramdam ko lagi ay nang-aakit ang lalaki sa akin.

“How are you?” bungad ng lalaki. Imbes na sagutin ay mabilis ko lang itong niyakap, nangingiti.

“Mag-a-undertime na naman ako sa trabaho? You are really toxic–” naitigil ko ang pabirong pahayag nang harapin ako ni Cormac na nakakunot na naman ang noo.

“Kahit nga hindi ka na magtrabaho.”

Ako na ang naunang mapabungkaras ng tawa. He often says that pero alam ko namang nagbibiro ito lalo pa’t ayon sa lalaki, gustong-gusto niya raw umano akong nakikita sa TV dahil para raw akong artista.

Sabay kaming nagtawanan habang tinutungo ang parking lot. And Cormac being Cormac, hindi na ako nito titigilan sa pang-aasar.

“And what will I do? Saan ako kukuha ng pagkain, aber?” pagsakay ko pa rito habang inaayos ang seatbelt. Tinawanan ko ang lalaki dahil sa magulong ekspresyon nito sa mukha.

My stoney is a big boy now.

Hindi na bagay rito ang pangalang stoney dahil palagi nang nakangisi but he’ll always be my stoney.

Nakakatawa na lang isipin ang pinagdaanan naming dalawa. We started na galit na galit sa bawat isa pagkatapos ay talagang magkaibigan palang talaga.

I sometimes admire how our life works. Nangyayari madalas ang iyong hindi mo inaasahan.

“Marry me, of course!” singhal nito sa akin, mayamaya ay ngumiti.

“Really?” ngumingisi-ngisi kong sabi. Mabuti pa nga ay pagtripan ko ito. “I won’t!”

It was my turn to laugh my ass out habang mas humaba naman ang nguso ng isa bago magpatuloy sa pagda-drive.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto sa byahe ay saka ko pa lang naisipang magtanong. We usually have lunch or snacks sa iba’t ibang places. Iyon na rin siguro ang bagay na pinagkakasunduan namin—pagkain.

“Saan tayo?” walang gana kong tanong habang tuloy-tuloy lang sa pagbuntong-hininga sa sasakyan.

Papatayin din naman ata ako ng pagiging curious ko. What are they upto? Kung mayroon nga, bakit ganito umakto sa harapan ko si Cormac? What’s with the plan at hindi nila pwedeng sabihin kahit pa mismo sa girlfriend niya?

I want to ask him so bad.

“Batangas–”

“Are you kidding me?” Literal na halos mapatayo ako mula sa kinauupuan sa gulat. Kilala ko ang lalaki, alam ko nang hindi na nito naiisip na umuwi ngayong gabi.

“Cormac, what the hell are you thinking? May mga trabaho tayo,” saad ko pa. Gustuhin man na mas makasama ang lalaki, this isn’t the time for that.

“I’ve already talked to them and they all agreed to it–”

“They what?!”

Dali-dali kong kinuha ang cellphone at nagtipa. Once thing’s for sure, si kuya na naman ang may pakana ng lahat. Mas lalo lang ata akong mag-iisip kung palilipasin ko ang oras sa bakasyon kaysa sa trabaho.

“This is unbelievable. You talked to them yet hindi mo ako kinonsulta?” Ang nakataas kong kilay ay bahagyang kumalma nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng lalaki. “Mac, naman. You knew how important my work is—to me. ‘Wag mo akong basta-basta bibiglain. Mabait si Ma’am Cassandra pero–”

“I. . . ” Hindi ko na muling naituloy ang sinasabi nang ibukas na nito ang bibig. “Ineed to find someone, Av.”

Bingo.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon