“Dissociative amnesia. . .” Dumapo ang kaliwa kong kamay sa bibig nang marinig ang sinabing iyon ng doctor. I stayed in the hospital for three days. Pagkatapos, dahil sa pangungulit ko na rin kila mommy ay pumayag na rin ang mga ito na ituloy ang observation at treatment sa bahay.
Pagkatapos nang gabing iyon, hindi ko na muling nakita si Cormac. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag mula kay Ma’am Cassandra.
But that won’t be the end of me. Alam kong marami pa akong kailangang gawin kaya mas pinipili ko ang magpatuloy.
Pagkatapos ng tatlong araw, nakalabas akong muli sa unang pagkakataon. Madali kong pinuntahan ang kaibigan kong si Yohan para maipagtapat ang totoo. He’s the only doctor I can trust. Nasabihan ko na siya sa tawag kanina bago ako magpunta sa mismong condo nito.
“Sinasabi mo bang bumalik na ang alaala mo?”
Masungit kong ibinagsak ang mga kamay sa mesa nito, dahilan para mahimigmigan ang lalaki. “Just go directly to the point. Kung kailangan kong mag-undergo sa mga test, that’s fine. Gusto ko lang makasigurado, Yohan. Gusto kong makasigurado if I am still sane—”
“Of course, you are!” Tinapatan niya ang timbre ng boses ko. “Not!”
Matatalim ang titig sa lalaki, kinuha ko ang telepono at kunwaring tinipa ang numero ng girlfriend nito sa cellphone ko. Nang makita iyon, dali-dali itong nag-ayos ng upo. “Fine! We’ll do this.”
“If you are saying you can remember everything, matatawag talaga itong Dissociative Amnesia. That was really temporary. This type of Amnesia doesn’t result from neurological damage to the brain. Maaring cause nito iyong psychological aspects,” dere-deretsong sabi ng oktor matapos magseryoso. Hawak niya iyong records ko sa mga ospital for the past fifteen years.
“Sabi dito, you aren’t able to recall the information about the traumatic events in the past. Also, itong psychological defense mechanism. Alam na ng mga doctor mo na hindi basta-basta maibabalik ang alaala mo kung hindi mo matatanggap ang isang bagay, kung hindi mati-trigger ‘yung events sa utak mo. With this, pupwedeng alam at natatandaan mo ang nangyayari but then you need to hide from those memories instead of facing them. Gladly, wala namang naging issue sa brain mo concerning the accident. . . except sa bones mong naapektuhan noon.”
Natahimik lang ako, pilit na ipinoproseso ang mga nalaman. It actually doesn’t matter to me. Nangyari na ang nangyari. Masyado pang marami ang kailangan kong asikasuhin ngayon para isipin pa ang mga ganoong bagay.
“Anong plano mo, Avery?”
Dismayo kong ihinilamos ang mga palad sa mukha. “Contact me kung sakaling kailangan ko pa ng mga tests. May kailangan akong asikasuhin.”
Isang oras pa lang ang nakalipas nang marating ko ang BSE. Busy ang mga tao at hindi pa halos nila napansin ang pagpasok ko. Buti na lang ay kasalukuyang nagtse-tsek si Ma’am Cassandra sa labas kaya mabilis ako nitong tinawag.
Pinagkaguluhan ako ng nga tao. Nagmistula akong artista na tinatanong mga media, may mga yumakap at nangumusta. “I understand that you missed our gem too much pero mag-uusap muna kami.”
Mabilis na nagpulasan ang mga tao sa harapan ko, agad silang sumunod sa sinabi ni Ma’am Cassandra.
“Can I see the video? Iyong video recording na sinasabi niyong galing kay Cormac, Ma’am.” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Para kasi sa akin, hindi ko na kailangang patagalin pa ang usapan. I need to think quickly. Kailangang isipin ko kung ano kaya ang maaari kong gawin.
I need to move as fast as I could. Hindi ko gugustuhin na basta na lang maging tampok sa masa ang kwento ng naging paghihirap ng lalaki.
“Teka, sandali. Are you okay, Avery?”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...