Thirty-seven: Stronger

278 16 0
                                    

Ang AFA 2020, o ang Antonio Facundo Awards ay patimpalak para sa mga journalist na katulad ko, kadalasan din itong bukas sa mga manunulat at direktor. Hindi katulad nang nakasanayan, dito ay kumuha kami ng isang subject, isang taong sikat na sikat sa mga tao. . . inilathala namin sa mga manonood kung paano ang buhay ng taong iyon. Pinakealamanan namin ang buhay ng kung sinong napili para lang manalo.

But after all those struggles on getting the right person for the documentary, ikinintal ko sa isip na ako ang mananalo. Pinangako kong gagawin ko ang lahat para sa dokumentaryo lalo pa ngayong may gusto kong patunayan sa publiko.

That I am more than the murderer’s daughter they once called.

“Avery!” Hinarap ko ang babaeng tumatawag, it was Ma’am Cassandra running her way to me. Napailing na lang ako dahil kung makaakto ito ay parang hindi pa kami nagkita bago magsimula ang screening.

This boss of mine nearly cried dahil umano sa sobrang pagkamiss raw sa akin.

“Ang sakit-sakit sa puso ng documentary!” hindi matigil-tigil na reklamo nito. It was as if this was her first time to watch the clip, eh, siya ang unang nanood noon pagkatapos ma-edit. “Mr. Carter! When did he became so cool in my eyes?”

Nang makarating sa lugar kanina, salubong pa ang mga kilay ko dahil sa inis na napala mula sa kompanya.

Ilang minuto pa matapos kong makita si Kuya Jac at si Cormac, saka ko pa lang nagawang igalaw ang mga paa paalis.

Naging mainit naman ang pagtanggap sa akin ng buong BSE Team lalo na noong mga kasama ko sa documentary. Nagtagal pa ang kwentuhan bago tuluyang magsimula ang screening.

Dalawampu’t lima ang kabuuang bilang ng mga pumasa sa initial screening mula sa mga hurado at isa na roon ang sa amin.

Aaminin ko, I can’t be more proud of our masterpiece. Alam ko talagang pinagbuhusan nila iyon ng oras at effort.

Kung hindi lang ako dinadaldal nang dinadaldal ni Ma’am Cassandra na nasa tabi ko lang, paniguradong umiyak na rin ako habang pinanonood iyon.

Hindi ko nga lang alam kung sa konsepto ako ng dokumentaryo na-touch at muntikang maiyak o kung sa lalaking bahagi noon. Watching Cormac take over the whole screen makes my heart shattered.

Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung paano ko siya marahil haharapin. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin, kung kukumustahin ko ba ang lalaki, kung paaalisin, kung yayakapin o hihingi ng tawad.

Anim na taon man ang nakalipas, kalahating taon man ang ibinigay sa akin para makapag-isip-isip ay bigo pa rin akong makuha ang sagot.

In fact, love is all about timing, katulad noong palagi nilang sinasabi. Kaya siguro, sinukuan ko na lang din. We couldn't just find love. We should let that love find us.

“Anyways, did you saw him?” Nilingon kong muli ang boss dahil sa tanong nito. “Cormac Carter. Nakita mo ba siya? Nakita ko siyang pumasok kanina, ah.”

He’s here. Of course, he will be here. Hindi papalagpasin ng BSE na hindi ito maimbitahan sa mismo screening ng dokumentaryo tungkol sa buhay nito.

Dahil sa nalaman, parang kidlat na bumalik ang pagkataranta ko. I became so concerned about how I look kahit pa in the first place, alam kong hindi naman na ako nito babalingan ng tingin.

Wala sa sarili akong pumahik sa banyo ng lugar na iyon. Paulit-ulit ko mang kinukumbinsi ang sarili na walang magiging katuturan ang lahat at hindi ako dapat pang mag-alala, para pa rin akong timang na hindi mapakali dahil sa pag-iisip sa lalaki.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon