Forty-four: AFA 2020

349 14 7
                                    

Two months later. . .

Nakapikit ko pang kinuha ang dumadagundong na cellphone dahil sa alarm. Hindi ko mahagilap ang nararamdaman. Magkakahalong kaba, excitement at takot dahil ngayon ang Award’s night para sa AFA 2020.

Kung ang BSE ang tatanungin, malaki ang naging epekto ng partisipasyon ni Cormac sa dokumentaryo. Napakalaking pursyento ng madla ang nahatak kaya naman, pumalo ito sa milyong views.

Nakakakaba lang dahil sa marami-rami ang kalahok, at hindi ko nagawang mas pagtuunan ng pansin ang proseso dahil nga sa nangyari sa amin.

Para ngang nawala na lang iyon bigla sa utak ko. Nakapokus na ako sa kalugmukang naramdaman dahil sa nangyari kay daddy. Mabuti na lang at mas naging understanding pa ang team.

The documentary turned out just fine. Nakakapangilabot. Bawat bigkas at pagkukwento ni Cormac ay talagang paniguradong aalalahanin ng mga tao.

Napabalikwas na lang ako sa pagkakahiga nang mabasa ang note sa alarm na iyon. It’s today!

Hindi lang basta award’s night ng AFA kundi pati na ng birthday ni Cormac.

Naaalala ko pa noong sinabi niyang April 11 ang birthday niya kahit pa sa akin iyon. Natatakot itong malaman ko ang totoo.

Nagawa ko namang makapagplano nang kaonti para sa celebration, nakakakaba lang din dahil pagkatapos ng napakahabang taon, ngayon na lang ulit namin maise-celebrate ang birthday ng lalaki.

Gulong-gulo ang buhok ko nang tinungo ko ang banyo. Ilang oras na lang, tatawagan na ako ni Ma'am Cassandra para sa briefing ng mga mangyayari. Ilang oras na lang din, mommy and Jacques will be here. Ipinangako ng mga ito na magpupunta sa awards night dahil sigurado raw si mommy na makukuha ko ang parangal.

Pero, labis na akong nagdududa ngayon.

Nawala na ang confidence ko dahil sa sunod-sunod na nangyari.

Una kong tinawagan si mommy, kaya lang hindi na nito nasagot ang tawag dahil paniguradong nasa eroplano pa ito. Next, I tried contacting Jessica. Dahil sa Main Branch ng CC Cars gagawin ang celebration, may malaking partisipasyon din doon ang mga empleyado ni Cormac.

Ang totoo, sila talaga ang unang nakaisip ng plano bago ako tinawagan.

“Hello, Ma’am Avery,” bungad ng babae sa akin.

“Jessica, how’s everything? Handa na ba iyong mga binili natin?” I suddenly became guilty. Hindi na kasi ako nakatulong lalo pa’t tambak din ang naging trabaho sa opisina. “Pasensya na talaga kayo, ha? I won't make any mistakes later para naman makabawi ako sa lahat ng efforts ninyo.”

Mahina ang naging paghalakhak ng babae sa kabilang linya bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Nako, Ma’am, wala ho ‘yung kaso. We’ll see you later po. Good luck sa Award's Night!”

Dahil sa nasabi niya iyon, bumalik na naman ang nakabibinging pagkalabog ng dibdib ko. Nagawa ko nang tumalon-talon pero hindi pa rin nakatulong sa pagpapakalma sa sarili.

Sa huli, ginawa ko na lang ang bumaba para sana si Kuya Jac ang guluhin. I can’t wait to let him hear all my what ifs. Nakakakaba! Hindi naman ito iyong unang beses na sumali ako sa AFA pero literal na hihiwalay ata ang puso sa katawan ko.

“Kuya–”

Nagmamadali itong bumaling sa akin. He seems very excited kaya naman alam ko na agad kung saan marahil ito magpupunta.

“Go eat your breakfast. After, magpunta ka na sa BSE kasi kailangan ka na raw ni Cassandra roon. I’ll pick mom and Jacques sa airport. Saka na lang kita tatawagan kung anong plano,” dere-deretsong sabi ni kuya habang natataranta pang nagsusuot ng sapatos.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon