Guilty ang ibinabang hatol ng korte sa kaso ng ama ko. Bukod pa kasi sa confession niya tungkol sa ginawa, naroon pa ang relo at naglabasan na rin ang iilang ebidensya sa pagpatay nito kay Jandro.
Iyon ang pinakamahirap na desisyon sa lahat—ang ibukas ang mga mata sa bawat mga hearing na iyon. Labing dalawang taon sa kulungan ang gugugulin ni daddy at hindi rin kinaya ni mommy ang mga nalaman.
To help her feel at ease, minabuti naming ni Kuya Jac na dalhin siya sa ibang bansa. Hindi rin makatutulong sa amin ang simpatya ng publiko mula sa nangyari.
Si kuya ang naiwan sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naiwan ni dad sa kompanya. I knew that it will never be an easy fight for kuya dahil lubos na naapektuhan ng pangyayari ang estado ng kompanya pati na ang mga tao rito. Halos lahat ay umalis at parang bumalik kami sa umpisa.
Ayaw ko mang iwan si Kuya Jac doon, alam kong mas makabubuti na rin sa akin ang hindi na muna magpakita.
Isang buwan matapos ibaba ng korte ang resulta, pinili naming magpunta sa Canada para dito muna mamalagi. Si mommy at si Jacques ang kasama ko. We are all in pain pero mas pinili naming ang lumaban araw-araw.
At this point in time, kahit pa anim na buwan na ang nakalipas mula nang makulong si dad, pilit ko pa ring pinaniniwalaang mabuting tao ang ama. Maaaring masama ang ginawa nito sa mga magulang ni Cormac, but that wouldn’t justifiy kung ano man ang kabutihang ipinakita niya sa sarili nitong pamilya.
My dad is my role model. He’s my idol. Mahal na mahal niya ang pamilya niya at alam kong kaya nitong gawin ang lahat para protektahan kami, ako. . . si Kuya Jac at ang mommy.
Maaari ngang nag-utos ito ng pagpatay at siya mismo ang kumitil sa buhay ng Jandro na iyon, but he’ll always be my father at maulit man ang lahat o kahit bigyan man ako ng pagkakataong pumili ng ama. . . si daddy pa rin ang pipiliin ko.
Sa ngayon, kailangan niya munang pagbayaraan sa batas ang lahat ng kamaliang nagawa niya pero ni minsan ay hindi ko magagawang kamuhian ito. I’ll never let him feel alone. This time, ibaballik ko sakanya ang lahat ng pag-aalaga at pagprotekta nito sa amin.
Nagkaroon din kami ng problema ni Kuya Jac noon. For the first months, nagmistula akong batang hindi magawang maintindihan ang lahat. Bakit nila ilalayo sa akin si daddy? Bakit kailangang posasan nila ito at itratong parang hayop? Bakit kailangang paulit-ulit kaming makatanggap ng mga masasamang salita mula sa mga tao?
Pero kinalaunan, naintindihan ko rin ang lahat ng iyon. Siguro ay mayado lang akong nagulat. My dad is a perfect person for me. Ni minsan ay hindi ko magagawang maisip ang mga bagay na iyon. . . alam ko sa sarili kong hindi niya maiisip gawin ang pumatay.
But in the end, he did.
Ayaw ko mang tanggapin, nasanay na lang din ako.
For years, I tried to build my own name in the industry. I am Avery Taylor. Normal na lang sa mga bagong reporters ang manginig tuwing nakikita ako ng mga ito dahil sa takot. Napakaraming journalist at writers ang tinitingala ang pangalan ko dahil sa ilang ulit na pagtanggap ng mga tropeyo at sertipiko sa iba’t ibang pangaral. Kaya hindi ko halos matanggap na sa isang iglap, that Avery Taylor will go down to the fiery pit at mapapalitan ng “the murderer’s daughter”.
I was really devastated at first. They call me MD for murderer’s daughter. Ginusto kong tusukin ang mga mata nila everytime they looked down on me.
Pero hindi na mahalaga sa akin ang mga salita nila. Dahil kahit pa nakulong si dad, I know, Cormac’s parents will be happy with their deserved justice.
Ang pagkakakulong ni dad ay hindi naman mapupunta sa wala lalo pa’t para naman iyon sa hustisyang matagal nang hinahanap ni Cormac. This is for him.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...