Twenty-one: Truth must hurt

363 18 2
                                    

Jac Taylor’s point of view

“Good day! This is C.C Cars—”

“Connect this call to Cormac Carter now.” matalim na sabi ko sa babaeng sumagot ng tawag. Halatang napipilan ito pero hindi ko na iyon pinansin. Desidido ako sa ginagawa. If I can’t reach Avery, sakanya ko mismo idederetso ang mga sasabihin.

Isang oras na ang nakalipas simula nang umalis ako sa bahay ng mga magulang. Minuto na lang ang bibilangin ay mapupuntahan ko na ang kapatid.

I just wish na hindi pa ako huli. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-contact ang cellphone ni Avery. Kung kanina ay tuloy-tuloy lang ito sa pagri-ring, ngayon ay talagang nakasarado na ito.

“Wala po rito si—”

“Just connect this fucking call to his mobile. Kapatid ako ni Avery and she’s with him. Kailangan ko silang puntahan!”

Hindi ko na rin alam kung ano pa ang tumatakbo sa isip ko. Kinakain ako ng takot sa kung anong pwedeng mangyari.

I’ve seen my sister before. . . sa kung paano ito nahirapan at hiniling sa aming tuluyan na siyang pabayaan. When she told me that she wanted to die that time, parang pinatay na rin ako.

I can’t dare to see her at her worst days. Napakahina kasi ng puso ko para sa ganoon. Ever since, si Avery na ang pinakamalakas ang loob sa aming magkapatid. She’s the bravest and I am the timid one. Siya iyong palaging nangunguna, samantalang ako naman ang nasa gilid.

But I didn’t really mind that. Ang totoo, mas lalo lang akong naging proud sa kapatid. Hindi, kahit kailan, ako nainggit dito.

“Sir, hindi po kasi pwede–”

“Do that now or I’ll sue your boss.” Hindi na umiimik ang babae sa sinabi kong iyon. Baka nga tuluyan ko na itong natakot.

Ilang sandali lang narinig ko ang mahinang kaluskos mula sa kabilang linya, I figured that the call was connected noong malalim na boses ni Cormac ang bumungad sa akin.

“This is Cormac–”

“You asshole! Nasaan si Avery?” Hindi ko naitago sa boses ang panggagalaiti. Mahigpit na ang pagkakahawak ko sa manibela. “Alam mo ba kung anong ginagawa mo, ha? I know you know that it was risky for her to go there kaya bakit mo ginawa ‘yun?”

Ako naman ang nanahimik pagkatapos nang sinabi, inaantay na magsalitang muli si Cormac.

“H&H Hotel. I’ll wait for you at the lobby.”

This man really has balls. Malakas talaga ang loob nitong makipagkita.

Ibinaba ko na ang tawag at mas lalong ipinagdukdukan ang sarili sa mabilis na pagmamaneho. Hindi na ako makapag-antay na masapak ang lalaking yan.

“Sir!” malakas na sigaw nang isa sa mga hotelier nang bumagsak si Cormac sa sahig ng lobby ng hotel.

Taas-noo pa ako nitong sinalubog pero bumungad sakanya ang malakas kong suntok.

Nagpulasan ang mga tao, ang iba ang natakot, ang iba naman ay pilit pang nakikiusyoso.

Gamit ang kanang kamay, pwersahan kong hinila patayo si Cormac—ngayon ay dumudugo na ang ibaba ng labi.

“Where’s my sister?” puno nang galit kong sabi. Isa pa iyon sa ikinapipikon ko. Hindi ako halos magkandaugaga sa pag-aalala ko sa kapatid pero siya, he looks at peace at talagang mukhang masaya pa ito.

“K-Kuya Jac. . .” Hindi ko alam kung talagang mas nang-aasar pa siya kaya dumapong muli sa mukha nito ang mga kamao ko.

“Let’s talk. . . somewhere else please,” mahinang sabi nito, pilit pa ring kumakawala mula sa pagkakahawak ko.

“No. . .” Mabilis at marahas ko itong hinila papunta sa desk na naroon. “Aalis ako kasama si Avery.”

Matapang kong binalingan ang babaeng nakabantay roon. “Avery Taylor. She’s my sister. Nasaan ang kwarto niya?” sabi ko saka nagpakita ng ID na mula sa bulsa.

Mabilis namang kumilos ang babae. Ngayon ay mas dumami na ang taong nakapalibot sa amin ni Cormac.

“543, Sir.”

Nang makuha ang numero, dali-dali kong binitawan ang collar ng damit ni Cormac. Mabilis akong nagpunta sa elevator para sunduin ang kapatid. Wala pang nangyayari so I am relieved. Maswerte ako’t nakarating ako agad dito bago pa sumpungin si Avery ng pananakit ng ulo.

Hindi ko na naantay ang pagdating ng elevator kaya tinungo ko na ang hagdan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat talaga ay hindi na niya itinuloy ang proyektong ito kasama ang lalaki.

“Let’s talk first. Please, hear me out.”

Napabuntong-hininga na lang ako nang marinig pa ang boses ng lalaki sa likuran ko, hindi pa pala tumitigil sa paghabol.

Hindi ko ito pinansin at nagdere-deretso lang sa pag-akyat.

“I mean no harm. Ang sabi ng doktor, makakatulong daw ang ipasyal siya rito para kahit paonti-onti ma-regain ang memories niya.”

Hinarap ko na ito, dahilan para matigil siya sa pagsasalita. “Alam mo rin ba kung gaano ko ipinagdarasal na hindi na bumalik ang alaala ni Avery?”

Mabilis ko siyang tinalikuran at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Halos ipinagpasalamat ko na ang biglaan nitong pananahimik.

I know. . . I know Cormac's a good guy. Kilala ko ito simula pa pagkabata pero iba na ang sitwasyon ngayon. Iba na ang naging takbo ng mga buhay namin dahil sa nangyari fifteen years ago.

“Avery’s fine without you. . . bakit ka pa bumalik?” Sumilay ang lungkot ng boses ko sa sinabing iyon. Hindi ko gustong makasakit dahil sa binibitawan kong salita but I rather do that than let Avery experience all the pain again.

“Fifteen years, Mac. Bakit ngayon ka pa nagpakita? Bakit ngayon ka pa ulit pumasok sa buhay ni Avery?”

Bumagsak ang tingin ni Cormac sa ibaba. Kahit ako, biglang nag-alangan pa sa tanong na iyon.

“Kuya Jac. . . Kuya, I miss her. I miss her so much. Akala ko. . . Akala ko pagkatapos ng ilang taon, wala na pero hindi. Kuya, I’m sorry.” Nang marinig ko ang sunod-sunod na paghagulgol ng lalaki ay bahagya akong napaatras.

I can’t be moved with his words lalong-lalo na sa pag-iyak nito. Ang mararamdaman ni Avery ang priority ko rito at alam kong iyon din ang gusto ng mga magulang namin. “Mac, tama na. We should let Avery do whatever she wants. Ibigay mo na sakanya ‘yun. Let her be free na walang ibang sakit na iniisip. You two have been through a lot of things. Sapat na ‘yun para layuan niyo na ang isa’t isa.”

He’s still the same Macmac we’ve known—iyong iyakin at malambing na bata. Napakarami na rin nitong pinagdaanan at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nag-aalala para rito. Para ko na ring kapatid si Cormac pero ano ba ang dapat kong gawin?

“Kuya, tulungan natin siyang ibalik ang alaala niya. This may be the most selfish way but I want her to remember me. . .”

Binalak kong tapusin ang pag-uusap na iyon sa pag-iling pero hindi ko rin nakontrol ang bibig sa pagsasalita, “‘Wag mo nang pahirapang muli ang sarili mo, Mac. Hindi na babalik sa dati ang lahat. Leave Avery alone. Hayaan mong ang kaibigan niyang si Macky na lang ang maalala niya. . .” Sandali ko pang tinapik ang balikat nito. “At hindi na ikaw ‘yun, Cormac.”

Sinubukan ko pang hulihin ang tingin ng lalaki pero nanatili na lang itong nakatingin sa ibaba. Akmang magsasalita pa sana ako para kumbinsihin ang lalaking tuluyan nang hayaan ang kapatid nang marinig ko ang nanlulumong mga boses ng babaeng hindi ko kailanman ginustong masaktan.

“Kuya. . .”

She heard everything. I know she heard all of it.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon