"Disaster"
. . .
"Anong nangyari?"
I stopped crying when I saw how disturbing and chaotic our place was. We immediately went straight here when we hear the news this morning. I was unable to sleep in the middle of one and a half hours of the time of our trip.
Hindi ko alam na may bagyo pala. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng balita kaya gano'n, at tsaka ang init-init ng panahon kahapon. Nagulat na lang ako ng may tumawag sa akin kanina at ibinalita na natabunan ng lupa ang bahay namin.
Benj was quietly walking behind me, he seemed also unable to believe what just happened in our town.
Nakaharang sa kalsada ang ibang sanga ng mga puno, mga yero na galing sa bubong ng mga kabahayan, ganoon kalakas ang hangin kaya nadala pati ang mga ito. Ang mga punong nanatiling nakatayo ay tila nakalbo na. Ang mga halaman na iningatan sa pataba ay makikitang nagkalat sa paligid at mukhang hindi na maari pang pakinabangan.
Bundok ang lugar namin, maraming puno at halaman na mapagkukunan ng hanap-buhay. Hindi ko alam na ito rin pala ang kukuha sa mga mismong buhay. Mataas ang lugar at madalas ang landslide kapag tag-ulan at ganitong may dumaan na bagyo. Hindi binabaha ang lugar namin pero talagang delikado kapag lupa na ang bumigay.
"Asan po sina Mama?" tanong ko sa Kapitan ng baranggay namin ng makasalubong 'to.
Ang balita ko ay ang bahay namin ang napuntirya ng pag-guho. Mataas kasi ang lupa sa harap ng bahay namin, pero sigurado naman ako na nakalikas kaagad sina Mama. Alam ko, dahil ganoon' palagi ang ginagawa nila kapag may paparating na bagyo.
Sigurado ako'ng ligtas sila ngayon. Okay lang na masira ang bahay namin, ang mahalaga ay ligtas sila.
Hindi sumagot si kapitan kaya nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa aming bahay. Yun nga lang dahil sa lupang nakaharang ay hindi ko mapasok ang daan papunta sa amin. Napansin ko pa ang pagtingin sa akin ng mga tanod na kasama ni Kapitan pero walang sumuway sa akin.
May dalawang encavator ako'ng nakita na nasa dulo nitong aming eskinita kung asan ang mismong bahay namin. Tinatanggal ang mga lupa at batong gumuho 'don.
"Ineng, mas mabuti kung doon ka na muna sa evacuation center maglagi," natulala ako ng sabihin iyo'n ni Kapitan.
"Delikado, maghintay na lang tayo sa evacuation center. Siguradong andon sila," si Benj. Hinawakan niya pa ang braso ko para pigilan sa pagpupumilit na pumasok sa aming eskinita. Saglit ako'ng tumingin sa kaniya bago hawiin ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil sa mga ikinikilos nina Kapitan. Bakit parang may mali?
"Sige. . ." bumuntong hininga ako bago sumunod sa kaniya.
Naiwan ang dala niyang kotse sa kalsada dahil sa posteng nakaguho kaya naglakad lang kami kanina para makalapit dito sa aming eskinita.
"Dumiretso ka na sa inyo," I said when we got close to his car.
I'm also sure a lot of plants have been destroyed in their plants. Lalo't dapat sa isang buwan ay anihan na. Siguradong malulugi sila dahil sa lawak at dami ng tanim nila ay sigurado ako'ng nasira rin lahat ng iyon dahil sa bagyo.
Hindi ko alam kung siya ba ang mag-aasikaso ng lahat ng 'yon. May katiwala naman sila dahil ang alam ko ay nasa abroad ang buo niyang pamilya. Hindi ko nga alam kung bakit nagtyatyaga siya dito sa Pilipinas, e.
"Samahan na kita," hindi nito pinansin ang sinabi ko at nauna ng sumakay sa kaniyang kotse. Napailing nalang ako bago sumakay sa front seat.
Nang magsimulang umandar ang kaniyang kotse ay halos manlumo ako dahil sa mga nakikita. Halos nasira ang mga kabahayanan sa lugar namin, ang iba ay walang bubong, ngunit ang iba ay halos nasira na ang buong bahay. Ang daming nakatumbang puno at nagkalat rin ang mga bato sa mismong kalsada, dala siguro ang malakas na tubig na umapaw mula sa kanal. Wala ako'ng magawa kung hindi ang iiwas nalang ang paningin sa labas at manatiling nakayuko hanggang sa makarating kami sa evacuation center.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...