Chapter 37

39 0 0
                                    

Read at Your Own Risk

"Blood"

. . .

"Argh. . ." humihikbi ako habang naglalakad.

Mas lalong sumakit ang tiyan ko ng tumayo kaming dalawa. Mukhang hindi iyo'n napansin ng matanda kaya nagpatuloy siya sa paglalakad habang halos dala na niya ang buong bigat ko. Nanghihina ako ng sobra, halos sumuko na ang katawan ko sa sobrang pagod.

Halos wala akong malay sa paligid habang naglalakad, sumusunod lang ako sa sabihin ng matanda. Hindi ko napagmasdan ang paligid ng makalabas kami. Nararamdaman ko lang ang buhangin sa paa ko. Madilim ang daan dahil sa mga puno, malakas ang hangin rinig na rinig iyon dahil sa mga puno ng niyog.

Mabuti na lang at manhid ang likod at pisngi ko dahil sa sakit kaya hindi ko masyadong maramdaman ang sugat do'n. Parang binibiak ang tiyan ko sa sobrang sakit.

Kahit na mabagal ako ay mabilis pa rin kaming nakalayo kung saan kami nanggaling. Nagmamadali ang matanda sa paghila sa akin kahit na halos ayaw ng gumalaw ng katawan ko.

"Bilis Iha, hindi tayo pwedeng magtagal."

Pinunasan ko ang luha ko at pinilit ang sarili na sumabay sa bilis ng matanda. Kahit na konting-konti na lang ay parang bibigay na ang tuhod ko.

Gusto ko ng sumuko. Gusto ng sumuko ng katawan ko. Parang gusto ko na lang hayaan ang tadhana na kontrolin ang buhay ko. Ayaw ko ng magpatuloy. Parang hindi na kaya ng katawan ko.

"Kailangan mong makalayo rito."

Sa tagal naming magkasama ng matanda ay ngayon ang unang beses na nakakitaan ko ng emosyon ang mga mata niya. Madalas kasi ay hindi niya ako pinapansin kapag may sinasabi ako. Hindi kami nag-uusap na dalawa pero madalas kong mapansin ang pagtitig niya sa akin.

Malamig siyang makitungo kaya hindi ko inaasahan na ginagawa niya ito ngayon. Wala ako sa sarili ng makarating kami sa tabing dagat. May isang maliit na bangka roon at mukhang matagal ng hindi nagagamit.

"Mabilis ka, iha!" Inalalayan niya akong sumakay sa bangka. Hirap na hirap ako bago tuluyang makasakay sa gitna noon. Maliit ang loob at halos para lamang sa isang tao. Pero kung pipilitin naman ay mukhang kasya pa rin kaming dalawa.

"Saan po tayo pupunta?" humihikbi pa rin ako ng sabihin iyo'n. Kahit 'ata anong gawin ko ay hindi ko mapipigil ang pag-iyak sa oras na ito.

"Hindi ako sasama,"

"Huh?" saglit akong lumingon sa likod ko.Masyadong madilim ang tubig kahit na maliwanag at bilog naman ang buwan. Pero nakakatakot ang katahimikan sa gitna ng dagat.

"Huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko, kailangan kong masiguro na hindi tayo nasundan."

"Pero-"

"Kailangan mong makaalis dito!" nagulat ako ng tumaas na ang boses nito. "Hindi ka ba naawa sa magiging anak mo?" natahimik ako at agad na napahawak sa tiyan ko, masakit pa rin iyon at tila kumikirot sa loob.

Ilang linggo na lang siguro at manganganak na ako. Madalas na kasing sumakit ang tiyan ko. Pero hindi tulad ngayon na halos manghina ako dahil sa sakit. Siguro dahil sa ginawa ng Donya kanina ay naging maselan ang tiyan ko.

"Oras na maabutan ka ng Donya baka hindi lang latay sa likod ang mapala mo."

"P-pero paano po kayo?" nanginig ang boses ko.

Parang hindi 'ata kaya ng konsensya ko na basta na lang siya iwan. Mas lalo akong naiyak ng maalala ang nangyari kay Jane ng tinulungan niya akong tumakas sa hospital. Dahil sa akin ay napahamak siya, ayaw kong maulit iyo'n ngayon.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon