This will be the last chapter of this story before the epilogue. Thank you for reading!
"Eternal"
. . .
"Kinakabahan ako. . ." hindi ko napigilan ang pagbuntong hininga. Pabalik balik akong naglakad sa sala habang nanonood naman sa akin si Benj. "P-Paano kung pagalitan ako ni Tita?"
Tumawa si Benj kaya napatigil ako sa paglalakad at masamang tumingin sa kaniya. Tumayo siya para maglakad palapit. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumitig sa akin.
Natatakot ako na baka galit si Tita. Ano kayang gagawin ko kapag nakita ko na siya? Paano kung bigla akong mawala sa sarili mamaya? Paano kung matakot ako at biglang magwala?
"Don't worry. I know, she won't," mas hinila niya ako palapit para yakapin. Paulit ulit akong huminga ng malalim bago isubsob ang mukha sa dibdib niya. "She miss you so much. . .I'm sure she's not angry. Relax, Love. . ."
Tumango ako. Pinigilan ko ang sarili na magisip na naman ng kung ano ano. Ngayong araw ang padating ni Tita dito sa isla. Kabado talaga ako at hindi mapakali. Ilang taon ko na silang hindi nakikita, bigla akong nawala at alam kong nasaktan din sila sa mga nangyari kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Halos dalawang linggo na simula ng magusap kaming dalawa ni Benj. Naging maayos kami simula ng araw na iyo'n. Nalinawan na kaming dalawa. Sinabi niya sa akin na dapat ko na ring makita si Tita. Noong una ayaw ko pang pumayag na ipaalam ni Benj kay Tita kung nasaan ako pero ng mapaisip ako ay pumayag na rin. Bakit nga ba ayaw ko pang magpakita sa kanila? Nagiging makasarili lang ako. Maayos naman na ang lahat 'di ba? Sabi ni Benj ligtas na raw ako. Maayos na daw ang lahat kaya dapat hindi na ako mag-alala sa mga pwedeng mangyari.
"Hey, shhh. Stop crying." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mabilis niyang pinunasan ang luha ko. "Gusto mo bang i-cancel na muna natin?" Umiling kaagad ako sa kaniya.
"N-Natatakot ako. . ." naiiyak kong sabi.
Bumuntong hininga siya at niyakap ulit ako ng mahigpit. Pinunasan niya ulit ang luha ko.
"I'm here. . .Don't stress your self. Kung hindi mo talaga kaya pwede nating i-cancel," malambing na sabi niya bago patakan ng halik ang noo ko.
Hindi ako iniwan ni Benj, niyakap niya lang ako ng matagal. Mabuti na lang at komportableng komportable ako sa kaniya kaya kumalma na rin ako. Nakaupo ako sa hita niya habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya. Nakapalibot naman sa bewang ko ang mga braso niya.
Nakaupo kami sa sala, sobrang tahimik sa buong bahay dahil nasa resort si Manang para hintayin ang pagdating ni Tita. Pupunta rin kami mamaya roon, hindi lang talaga kami makaalis dahil sa akin.
Halos isang oras din bago ako magkaroon ng lakas ng loob na tuluyang umalis ng bahay. Bago kami tuluyang lumayo sa bahay ay nahagip ng mga mata ko ang dalawang lalaki, sinenyasan sila ni Benj kaya panatag ako. Mukhang sila ang naiwang magbabantay sa bahay.
Mukhang wala naman ng panganib pero gusto pa rin ni Benj na may bantay kami kahit na papaano. Naiintindihan ko naman siya. . . siguro masyado siyang natrauma sa nangyari. Sino ba naman kasi ang hindi mababalisa at matatakot kung ang sarili mo ngang kadugo ay nagawa kang traydurin?
Malungkot din ako para sa kaniya. Alam ko na nabigla at nasaktan siya sa nalaman. Alam kong mahal niya ang Kuya niya.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Benj sa kamay ko kaya naputol ang pag iisip at pagtitig ko sa bahay.
"Don't be nervous," sabi niya at ngumiti sa akin.
Ngumiti ako at tumango. Hindi kami gaanong nagtagal sa gubat, nakalabas kaaagad kami at nakarating sa daan papunta sa resort. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba. Mabuti na lang hawak ako ni Benj kaya ng makarating kami sa bukana ng resort ay nagsalubong na kaagad ang mga mata namin ni Tita.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...