"Signs"
. . .
Bakit hindi ako makagalaw?
"She tried to commit suicide right?" mahina at hindi pamilyar na boses. I couldn't open my eyes because I was too weak. I felt like I had slept for a long time. Where am I?
"Yes. . . but that was a year ago when her family die in a landslide," nang marinig ko ang boses ni Benj ay mas lalo kong gustong mag-mulat ng mga mata. Umuwi na siya? Kung ganoon kailangan ko ng gumising.
"A year ago? I don't think so Mr. Canete. Based on my observation, the other scars on his skin had been there for a long time. Sigurado ka ba na hindi ito ang pangalawang beses na sumubok siyang magpakamatay?"
Sinong kausap niya? Bakit hindi ako makapag-salita?
"I don't know. . .But what do I need to do? Is there any medication for her?" nanghihina at tila pagod na boses ni Benj.
"Medications and psychotherapy are the main treatment options. Her mental health needs attention, she needs to be fixed. Kung gusto n'yo I'll help you to find a psychiatrist. Mental health illness is a serious matter, Mr. Canete. She really needs a help habang maaga pa."
I don't understand what they're talking about. All I knew was that I wanted to wake up and see Benj. I wanted to hug him. I really miss him so much.
Natahimik sila sandali , pagkatapos non' ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang umalis na ang kausap niya dahil maya-maya lang ay naramdaman ko na ang paghaplos ni Benj sa kamay ko.
"Wake up Love. . .Andito na ako, gumising ka na please?" he whispered to me. I don't know, his words give peace to my body. His voice and presence give me reasons for pulling me back to sleep again.
Anong nangyayari? Bakit parang may kakaiba sa katawan ko. Pakiramdam ko ay naglalakbay lang ang diwa ko.
"Let's see if you can still call me Kuya. . ." Nagsimula siyang halikang ang leeg ko. Patuloy naman ako sa pagpupumiglas dahil sa takot. Anong ginagawa niya?
Bakit wala si Benj? Ang akala ko ba makikita ko siya rito?
"Tu-tulong!" kahit na nanghihina ay sinubukan ko pa ring lumaban sa kaniya. Nang subukan niya akong halikan sa labi ay kaagad akong umiwas kaya sa pisngi ko pumatak ang kanyang mga halik. Halos mangilabot at mandiri ako ng dilaan niya pataas ang leeg ko.
Patuloy ako sa pag-iyak, pakiramdam ko ay wala na akong magagawa. Nakaka-awa, nakakadiri at nakakasuka ang sitwasyon ko. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito?
Gusto ko lang naman makita si Benj pero ganito ang napala ko. Asan na siya? Bakit wala siya dito? Dahil sa kagustuhan at kasabikan kong makita siya ay napunta ako sa ganitong sitwasyon.
Ano ba ang mali? Mali ba na nakilala ko siya? Mali ba na kahit mag-kaiba kaming dalawa ay pinilit ko pa rin na makipag-kaibigan at humanga sa kaniya?
"Benj. . ." namamaos ang boses ko. Patuloy naman ang lalaki sa kanyang ginagawa sa katawan ko. Nang tuluyan niyang napunit ang puting bestida suot ko ay pumikit na lang ako. Pinaghandaan ko ang araw na ito para sa pagkikita namin ni Benj pero ganito ang napala ko.
Ang bata ko pa diba? Bakit nangyayari lahat ng 'to? Ganito ba talaga? Kasalanan ko ba? Sana una pa lang hindi ako sumama sa kaniya diba? Kasalanan ko nga siguro. . .
Bakit kasi ang tanga mo Mayzee! Masyado kang mataas kung mangarap. Sa una pa lang alam mo ng mas'yado siyang mataas sayo, pero pinagpatuloy mo pa rin ang paglapit sa kaniya.
Anong mangyayari pagkatapos nito? Papatayin ba niya ako pagkatapos? Ganoon kasi ang karaniwang ginagawa diba? Handa na ba akong mamatay? Kapag namatay ba ako magiging okay ang lahat? Paano ang pamilya ko? Paano ko pa makikita si Benj? Magkikita pa kami diba?
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...