"Celebrate"
. . .
Paubos na ang kandila pero panay pa rin ang pagtakip ko 'don dahil sa biglaang pag-ihip ng hangin. Inayos ko rin ang dala naming bulaklak habang nakatitig sa mga pangalan nila. Its been three years. . . sorry Ma. Sana kahit papano may magawa man' lang ako para sa inyo.
"Let's go?"
Tumingala ako kay Benj, nakalahad ang kamay niya sa akin para tulungan ako sa pagtayo. Saglit pa ako'ng tumitig sa lapida ng pamilya ko bago tuluyang inabot ang kamay niya.
Paalam sa inyo. . .
Maaga kaming bumiyahe kanina para pumunta sa bayan namin. Imbes na sa bahay ni Tita dumiretso ay dito kami sa sementeryo unang pumunta. Na-mi-miss ko na ng sobra ang pamilya ko pero mas masarap ang mabuhay.
Nang makita ko si Benj kagabi ay kaagad na nawala ang lungkot ko, parang may dala siyang magic na sa isang yakap lang niya ay nawala ang lungkot at pangungulila na iniinda ko. Nakalimutan ko ang ilang linggo na hindi niya pagpaparamdam sa akin noong nasa Manila siya.
"Are you okay?" nang makapasok kami sa kaniyang kotse ay iyon kaagad ang tanong niya. Tipid lang ako'ng ngumiti bago niya sinimulang paandarin ang kotse. Inaantok pa rin ako dahil sobrang malalim na ang gabi ng matulog kaming dalawa kagabi.
Na-miss ko kasi siya ng sobra kaya hindi ko tinigilan ang pangungulit at pang-aasar sa kaniya. Magdamag kaming nagkwentuhan hanggang sa pilitin na niya ako'ng matulog.
"Ang lamig!" mahinang irit ko ng winisikan niya ako ng tubig na galing sa ilog.
Saglit kaming dumaan sa bahay ni Tita, pagkatapos ay dito rin kaming dalawa dumiretso. Sa loob din ng kubo nakalagay ang mga gamit namin at mukhang dito kami matutulog dahil nakita ko'ng madami ang pagkain na inihanda ni Benj. Ewan ko ba sa kaniya! Ang sabi ko ay ayoko'ng mag-celebrate ng birthday pero dahil mapilit siya ay nandito kaming dalawa sa ilog.
"You look so hot. . ." patuloy siya sa pagbuhos sa akin kaya mas lalo ako'ng nainis. Sobrang hot ko ba kaya dapat palamigin? Nakakainis naman! Partida hindi pa swimsuit ang suot ko pero mukhang bilib na bilib na siya.
"Ewan ko sayo, tumigil ka nga!" Binuhusan ko rin siya ng tubig pero mukhang baliwala naman sa kaniya dahil mas lalo lang siyang tumawa.
"Totoo naman,"
Nang dahil sa sobrang inis ko ay mabilis ako'ng naglakad palapit sa kaniya. Dinambahan ko siya dahilan para pareho kaming matumba sa tubig habang ako ay nasa ibabaw niya. Mabuti at hindi malalim ang parte ng ilog kung nasaan kami. Nag-patuloy ang pagtawa niya at ipinalibot pa ang dalawang braso sa bewang ko mas lalo ko namang nilakasan ang paghampas sa kaniya dahil sa inis.
"Ouch! Masakit. . ." nagpatuloy parin ako at mas lalo pang lumapit sa kaniya para kagatin ang tenga niya. "Hey! Don't bit me!" ako naman ang natawa ng makita namula ang tenga niyang kinagat ko.
"Bakit masakit ba?" natigilan siya dahil sa tanong ko. "Hmmm...?" Mas lumapit ulit ako sa kaniya para kagatin ulit siya, pero dahil sobrang namumula 'yon ay pasimple ko na lang na inilapat ang mga labi don'.
Napansin ko ang pagsinghap niya kaya mas lalo ako'ng napangisi. Halik ko lang pala tatalo sa kaniya, e. Sana pala kanina ko pa 'to ginawa! Ibinaba ko ang mga labi ko papunta sa kaniyang leeg dahilan para mas humigpit ang mga braso niya sa bewang ko.
Ano Benj? Halos matawa ako ng makita ko ang pag-galaw ng adams apple niya. Wala sa sarili tuloy na nahalikan ko 'yon habang nakatingin sa kaniya ang mga mata ko.
"Shit!" halos mapatawa ako ng marinig ang pagmumura niya ng dilaan ko ang leeg niya pataas, gulat na gulat ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Mabilis ako'ng tumayo ng hindi ko na mapigilan ang pagtawa. "You're such a tease. . ." narinig ko'ng bulong niya, tila hirap na hirap.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...