Chapter 49

72 1 1
                                    

"Decision"

. . .

Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako habang pinaglalaruan ang tubig sa dagat. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin at ang lamig ng tubig sa palad ko pero tila wala akong pakialam. 

Kung dito siguro ako pinanganak sobrang sayang tignan ng tanawin na 'to. Masarap sigurong gumising sa umaga na ito ang makikita. Masarap sigurong maglaro at tumambay sa dalampasigan ng walang iniisip. 

Sa ilang taon ko dito palaging may laman ang isip ko. Tahimik pero hindi napayapa. . .Pakiramdam ko walang lugar para sa akin. Pakiramdam ko matagal na dapat akong nawala sa mundo. Pakiramdam ko dapat mag-isa lang ako.

Nagkaroon ako ng madaming kaibigan pero sa huli kahit isa sa kanila ay walang sumubok na maniwala sa akin. Walang nanatili hangang sa huli. Lahat sila iniwan ako. 

Hindi ko tuloy maiwasan noong isipin na sino ba ang mali? Lahat ba ng pinagsamahan namin ay biro lang at pagpapanggap lang? Bakit mabilis nila akong iniwan? Hindi ba ako karapat dapat na paniwalaan? 

Lahat ng ngiti, mga araw at oras na pinagsamahan naming lahat, wala lang ba iyo'n sa kanila? Sila Kimmy, Jhoe, Ella, Marel at Lena lahat sila hindi ako tinulungan. Lahat sila mas naniwala sa iba. 

Nang mga oras na wala akong malapitan at mapuntahan kung hindi ang ilog tumatakbo sa isip ko kung ano ba ang mali ko? Bakit parang wala akong halaga sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Mabilis nila akong lokohin. Mabilis nila akong ipagpalit. Nakakapagod magtiwala. Nakakapagod magalit. 

Nang mangalay ako sa paglalaro sa tubig ay bumalig na lang ako sa mga buhangin. Naglakad ako hanggang sa makarating sa dulo ng dalampasigan kung saan naroon ang malaking bato. Madilim pa rin sa paligid ang konting liwanag na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbing liwanag. 

Hindi ko na tinangka pang umakyat sa itaas ng bato. Delikado kasi lalo't ngayon na hindi na naman ako nag-iisa. May bata na kailangan kong alalahanin at ingatan. Hindi ko pa rin alam ang mga gagawin ko. Siguro kailangan kong makausap si Benj kung may pagkakataon? Willing ba siyang panagutan ang batang 'to? Pero bago ang lahat sasabihin ko ba sa kaniya? 

Dapat ba niyang malaman? Paano kung plano na talaga niyang umalis sa isla? Paano kung katulad ng naiisip ko dati ay ayaw na nga niya pagkatapos ng lahat ng mga nalaman niya? Paano kung nandidiri siya sa akin kaya hindi niya ako binibisita? 

Kaya ko bang panindigan ng mag-isa ang batang 'to? Magiging ligtas ba kaming pareho? Ang sabi kasi ni Manang noon delikado na raw akong magbuntis dahil sa nangyari noon. Nagkaroon ng deperensya ang matres ko dahil ilang araw na nanatili sa loob ang patay na bata. Kung hindi pa ako sinecerean ay baka matagal na rin akong patay. Wala akong masyadong maalala sa mga nangyari noon, bumalik na lang ako sa sarili na wala na ang anak ko at ilang buwan na ang nakalipas. 

Sobra sobra ang pinagdaanan ko sa kamay ni Drake, ilang beses kong ginusto na mamatay na lang pero dahil sa bata ay kumapit pa rin ako. Halos mabaliw na ako sa pagiisip kasi aaminin ko na gustong gusto ko na talagang mamatay ng mga oras na iyo'n pero alam kong hindi pwede. 

Sa tuwing sasapit ang gabi hinihiling ko na sana hindi bumakas ang pinto ng kwarto kung saan ako kinulong ni Drake.  O hindi kaya naman magmamakaawa na lang ako sa kaniya na turukan ako ng droga. . . para lang makatakas ako sa reyalidad at para lang hindi ko maramdaman at maalala ang mga ginagawa niya. 

Naging makasarili ako ng oras na iyo'n, hindi sumagi sa isip ko na maapektuhan pala ng droga ang batang nasa sinapupunan ko. Kaya pala sa tuwing hinihiling ko ang droga mas lalong natutuwa si Drake. Malinaw pa sa isip ko lahat ng nangyari.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon