Chapter 31

33 0 0
                                    

"Villain"

. . .

"Magkano po?" tanong ko sa matanda ng makuha ang mga bulaklak.

"Singkwenta lang Ineng." Kaagad akong kumuha ng mas sobrang pera at inabot ito sa matanda. Kaagad naman itong ngumiti sa akin at akmang kukuha pa ng sukli.

"Wag na po. Salamat."

"Salamat Ineng!" tuwang-tuwa ito. Mabilis naman akong nag-paalam bago maglakad papasok ng sementeryo.

Tahimik sa loob dahil halos wala namang tao bukod sa taga-bantay at taga-linis. Dire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating na sa pwesto ng pamilya ko.

"Kamusta po?" nakangiti ako habang inaalis ang mga damo na napunta sa lapida nila. "Pasensya na hindi ako makabisita palagi. . ."

Isa-isa kong sinindihan ang mga dalang kandila bago inilapag ang bulaklak sa tabi no'n. Nang makuntento ay naupo ako ng tuluyan sa tabi.

Medyo malakas ang hangin at makuliglig ang langit. Nakatulong ang bubong na nasa tabi kaya hindi masyadong nahahanginan ang mga kandila.

"May trabaho na po ako Ma. . . Pa," bumungtong hininga ako. "Sayang wala kayo rito, mabibili ko na sana kahit papaano yung mga gusto nyo dati."

Lumakas ang hangin kaya bahagya kong tinakpan ang mga kandila. Saglit ay tumila rin naman ito. Hinawi ko sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok na nilipad. Niyakap ko ang mga tuhod at nagpatuloy sa pag-kwekwento.

"Okay naman ako rito. . . pero mas okay sana kung kasama ko kayo," pinigilan ko ang pag-iyak. "Okay sana kung hindi ninyo ako iniwan. Sorry. . ."

Hinayaan ko ng pumatak ang mga luha. Wala namang tao kaya siguro ay okay na mag-drama ako rito. Ang hirap pakawalan ng lahat.

Hanggang ngayon, ang bigat bigat pa rin ng pakiramdam ko sa tuwing bibisita sa kanila. Matagal kong sinubukan na kumbinsihin ang sarili na okay lang. Hindi ko kasalanan. . .Pero baliktarin ko man ang mundo, alam kong kasalanan ko talaga kung bakit nangyari iyo'n sa kanila.

Mas okay sana kung kagaya ng dati ay ganoon pa rin ang nasa isip ko. Ang ipaghiganti sila. May trabaho at pera na ako, sa palagay ko ay kaya ko naman na. Pero sa tuwing naalala ko si Benj ay naduduwag ako.

Okay kami. Okay naman na ako. Maganda naman ang relasyon namin ni Benj. Kung uungkatin ko pa ang nakaraan ay diba't parang sayang naman? Hindi ko ata kaya kung mahiwalay na naman kay Benj.

"Sorry kung mananahimik na lang ako. . . Sana mapatawad nyo ako." Huminga ako ng malalim sa gitna ng paghikbi. Ang bigat bigat ng puso ko.

Siguro dahil sa loob loob ko ay gusto rin talaga ng hustisya. Sa pagsira niya ng kainosentehan ko at sa pagpatay niya sa pamilya ko. . .

Sa murang edad ay kailangan kong tiisin ang lahat dahil sa takot. Kailangan kong manahimik at umiyak na lang tuwing gabi. Mag-isa kong tiniis ang lahat noon. Walang alam ang pamilya ko. . . dahil sa takot ko ay nanahimik ako.

Matagal kong pinag-isipan ang lahat ng ito. Alam kong dapat na makuha ang hustisya para sa pamilya at sarili ko. Pero anong gagawin ko kung ang kapalit naman ng hustisya ay ang kasiyahan ko?

Siguro naman ay lilipas at makakalimutan ko rin ang lahat? Siguro naman ay tuluyan na siyang tumigil? Ilang taon na rin naman simula ng huli ko siyang makita.

"Sorry po pero mahal na mahal ko si Benj. . . hindi ko kaya makita na mamili siya sa aming dalawa." Pinunasan ko ang mga luha. "Sana maging masaya na lang kayo para sa akin. . ."

Sana dumating ang araw na makalimot naman ako. Sana isang araw ay gumising ako na wala na lahat ng masasamang ala ala. Sana ay tuluyan ng maging maayos ang lahat.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon