"Destiny"
. . .
"Itagay mo lang yan!"
"Balak nyo ba ako'ng lasingin?" natatawang saad ni Valerie ng abutan siya ng alak ng Lena. Panay kasi ang pag-e-emote nito tungkol sa kakulitan ng anak niya. Natatawa lang naman kami kasi kaugali naman niya yung inaanak namin kaya nahihirapan siya ngayon.
Nakapalibot kaming anim sa maliit na center table sa sala ni Lena. Nakapatong ang mga alak sa sahig at ang lamesa naman ay puno ng mga pulutan. Tanghaling tapat pero nagyaya kaagad na mag-inom ang barkada ng malamang umuwi ako sa bahay ni Tita. Hindi kasi pwede mamayang gabi dahil walang mag-aalaga sa anak ni Valerie.
"Hindi, gusto ko lang na makainom ka!" si Lena na nakaupo sa kaliwa ko.
Ngumuso si Valerie sa tabi ko bago abutin ang bote at diretsong tumungga doon. Napailing na lang kaming dalawa ni Jhoe. Pareho namang natatawa sina Kimmy at Marel habang nanonood kay Valerie.
"Sayang ang kill joy ni Ella, minsan na nga lang tayo makumpleto tapos wala pa siya ngayon!" si Kimmy.
"Baka ayaw kayong makita," pagbibiro ni Valerie.
"Baka ikaw ang ayaw makita," sagot ko pabalik sa kaniya. Inirapan niya ako kaya sumabog ang tawa naming lima.
Ang alam ko ay may practice ng sayaw si Ella kaya hindi nakapunta. Dumadalaga na ang isang yo'n dahil madalas ko ng nakikita na mukha siyang babae sa social media. Noon kasi ay sobrang boyish niya. Tapos ngayon mukhang lalaki na rin pala ang hanap ng isang yo'n.
"Sige tumawa pa kayo, bumagsak sana mga thesis nyo."
Kaagad na tumigil sa pagtawa ang tatlo nina Lena, Marel at Jhoe dahil sa sinabi ni Valerie. Mabuti na lang at wala pa kaming thesis, palibhasa graduating na sila kaya sobrang busy na talaga sa school.
"Takot pala kayo e'," pang-aasar ko sa tatlo.
"Mabuti wala pa kaming ganiyan," si Kimmy.
Sabay-sabay kaming tumagay sa hawak na bote bago muling tumawa at nagpatuloy sa pag-uusap. Nakakatawa si Valerie dahil halata kaagad ang tama ng alak sa kaniya, kahit na konti palang naman ang naiinom namin.
"Gusto ko ng maka-graduate. . ."
Pag-eemote ni Marel na sinundan din naman nung tatlo. Apat silang ga-graduate ngayong semester na 'to. At napagkasunduan naming pito na a-attend kaming lahat sa graduation.
Mabuti na lang talaga at hindi sabay ang schedule ng graduation ng LSPU at SLSU. Kung hindi ay kukulangin kami sa oras dahil ba-byahe pa papunta ng Lucban, Quezon.
"Papakasal na kami pag-kagraduate. . ." si Valerie.
Nakangiti ito at kahit medyo lasing na ay halatang masayang masaya sa ibinalita. Napangiti rin kaming lahat, masayang-masayang para sa kaniya at para sa kanila ni Ken.
"Congrats! Akalain mo yo'n natiis ka ni Ken?" pagbibiro ni Lena.
"Oo nga, e' ang takaw-takaw mo!" si Kimmy.
"Wow. . . nahiya ako sa inyong dalawa ha. . ."
"Papakasal din sana ako pag-graduate ko ng college," si Kimmy. "Ang kaso wala nga pala akong jowa."
Napatitig ako kay Kimmy. Hanggang ngayon hindi naming alam kung sino ang tatay ng anak niya. Siguro darating ang panahon na malalaman din naman namin.
"Ang yabang nyo naman. . . kami nga wala pang boyfriend e," si Jhoe, dahilan para matawa na naman kaming lahat.
Walang boyfriend. . . wala nga rin pala ako'ng boyfriend.
"E, kasi ayaw nyo naman ng commitment. . . makapag-emote kayo d'yan!" prankang sabi ni Kimmy.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...