Chapter 6

64 2 0
                                    

"Call"

. . .

"Ikaw na bata ka! Paano kung hindi dumating si Benj?" panenermon ni Tita.

"A-Aray po!" daing ko dahil napadiin ang bulak na gamit niya sa paglalagay ng alcohol sa mga sugat at gasgas ko sa binti.

Hindi naman kasi halata kahapon ni Benj noong nasa kubo kami ang ilang gasgas na nakuha ko mula sa mga bato sa ilog. Malaki kasi ang suot ko.

Nang makarating kami kaninang umaga sa bahay ay hindi naman nagalit si Tita. Ngayon lang ng makitang madami pala ako'ng gasgas at sugat. Wala tuloy ako'ng magawa kung hindi ang sabihin ang totoo na muntikan ako'ng malunod kahapon.

Umalis din si Benj ng maihatid na ako kanina, nagbilin lang na uminom ako ng gamot. Nang sabihin niyang babalik din daw siya mamayang hapon ay hindi ko maiwasan ang hindi matuwa. Sinabi niya pa kay Tita na may lagnat ako kagabi kaya napilit tuloy ako nitong uminom ng gamot.

"Ang kinis kinis ng balat mo tapos hindi mo naman iniingatan!" si Tita pagkatapos lagyan ng gamot ang mga sugat ko.

Okay lang naman na hindi na 'yon gamutin dahil hindi naman masiyadong malalalim. Ang kaso ay ayaw ni Tita na magkaroon ako ng peklat kaya pinilit niya paring gamutin.

"Sorry na po."

"Sorry?!" tila galit parin na sabi nito. "Maglagay ka nitong oitment mamayang gabi," sabay abot niya nung gamot. Sinimulan na rin niyang ayusin ang mga ginamit at ibinalik iyon sa emergency kit. Nang matapos ay bumalik na rin siya sa kaniyang kwarto.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa pinto ng kwarto niya. Hindi ko maiwasang maalala si Mama ng dahil sa kaniya. Ganitong-ganito rin kasi 'yon kapag nagkasugat ako. Galit na galit at tatadtadin ng oitment ang sugat ko. Ayaw daw niya kasing maka-peklat ako masama raw tignan kapag may peklat sa katawan ang isang babae.

Napatingin ako sa pulsuhan at saglit na inalis ang relong nakalagay 'don. Natawa ako sa sarili dahil ang tagal ko'ng itinago 'yon. Pinaglandas ko sa balat ang aking mga daliri at tinitigan ng maigi ang aking pulsuhan.

"Oh, inumin mo 'to mamaya ha."

Nagulat ako ng biglang lumabas si Tita sa kaniyang kwarto. Mabilis ko namang naitaob ang kamay, pero kahit na ganun' ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Baka kasi makita niya.

"Oh? Bakit naman namumutla ka?" tanong ni Tita, lumapit pa sa akin. "May masakit ba sa'yo?"

Kaagad ako'ng umiling bago damputin ang relong nakapatong sa center table. Nang sundan ni Tita ang mga kamay ko'ng may hawak ng relo ay mas lalo ako'ng kinabahan.

"Sa kwarto lang po ako." Mabilis ako'ng tumayo at iniwan siyang nagtataka sa kinikilos ko.

Kaagad ko'ng sinarhan ang pinto ng kwarto at sumandal 'don. Sinuot ko na rin kaagad ang relo bago dumiretso sa kama at nahiga. Nagtulakbong ako ng kumot at niyakap ang isa ko'ng unan. Nahilo ako ng dahil sa kaba kaya pinilit ko nalang na matulog.

Nang tanghali ay ginising lang ako ni Tita para kumain at pilitin na uminom ng gamot. Masakit ng kaunti ang ulo ko kaya hinayaan niya ulit ako'ng matulog.

"Busy ako dito sa Laguna."

Nagising lang ako dahil sa boses na 'yon. Nang imulat ko saglit ang mata ay nakita ko'ng nakatalikod si Benj, nakaharap sa bintana habang may kausap sa kaniyang cellphone.

["Bakit naman d'yan ka naglalagi? Ang dami nyong business dito sa Manila, kailangan ka rito."]

Medyo malakas ang speaker ng cellphone niya, mukhang naka-loud speaker kaya rinig ko ang usapan nila. Nagkunwari ako'ng tulog at hindi pa gising lalo't mukhang tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Ayoko'ng makialam. Marami nga naman silang business sa Manila at ibang bansa pero dito lang siya nagpapaka-busy sa probinsiya.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon