"Mood"
. . .
"Benj. . ." halos pabulong na lang ang boses ko ng banggitin ang pangalan niya.
Mas lang sumeryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin, lalo na ng bumaba pa ito sa kamay ni Jhames na nakayakap sa bewang ko. Tsaka lang ako natauhan. Kaagad ko'ng ibinaba ang mga kamay na nakalapat sa dibdib ni Jhames, ibinaba rin naman nito ang mga kamay niyang nasa bewang ko bago umayos ng tayo at lumayo ng kaunti sa akin.
"Ang akala ko tinakasan mo na ako, e!" naputol lang ang katahimikan sa pagitan naming apat ng lumapit sa akin si Lena bago ako akbayan.
"Hindi naman. . ." mahina ang boses ko, hindi mawala ang tingin kay Benj kahit na si Lena naman dapat ang pagtuunan ko ng pansin. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng cr sa tapat ng pinto, sa ngayon ay hindi na sa akin nakatuon ang kaniyang mga mata kung hindi kay Jhames na tahimik ding nakatayo sa gilid namin ni Lena.
"Wala ka kasi sa kabila! Ang akala ko tuloy ay tinakasan mo na ako! Hinahanap ka ni. . ." hindi matuloy ni Lena ang sasabihin, siguro dahil hindi niya masiyadong kilala si Benj o baka dahil lasing na nga siyang talaga.
"Benj. . ." nang lumapit ako sa kaniya ay tsaka lamang naputol ang pagtitig niya kay Jhames.
"Excuse me," si Jhames.
"Wait! Pasabay na ako sa'yo!" malanding humabol si Lena kay Jhames, natatawa naman siyang inalalayan nito dahil lasing na nga ito kung maglakad. Madulas pa naman ang tiles! Saglit pang tumingin sa akin si Jhames si Lena naman ay kumaway pa bago niya tuluyang hinila paalis si Jhames.
Naiwan kaming pareho ni Benj, nasa loob pa rin ako ng cr habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa tapat ng pinto. Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Bakit umuwi kana?"
"What's that?"
Sabay naming tanong. Bakas sa boses niya ang inis samantalang ang sa akin naman ay pagtataka. Alam ko'ng hindi pa naman dapat ngayon ang uwi niya dahil madami pa siyang trabaho. Kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito sa birthday party ni Lena at nahuli niya pa ako'ng may kasamang lalaki sa loob ng cr.
Wala naman ako'ng ginagawang masama pero ng makita ko siya kanina ay biglang bumigat ang loob ko. Pakiramdam ko ay mayroon ako'ng ginawang mali kahit na parang wala naman talaga.
"What are you doing here?" sabay palibot ng tingin niya sa loob ng cr. Lumapit pa siya sa akin kaya mas lalong dumoble ang kaba ng aking dibdib. Galit ba siya?
"Natapunan kasi ako ng alak, kaya ako nandito. . ." kinakabahang pagpapaliwanag ko.
"In mens comport room?" kumpara kanina ay mahinahon na ang boses niya ngayon. "Hmm?"
"Nagakamali ako ng pinasok. . ." hawak ko pa rin ang table napkin kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagpupunas sa dibdib ko. Bumababa roon ang tingin niya bago muling bumalik sa mga mata ko.
"Tss. Let's go."
Inagaw niya ang table napkin na hawak ko kaya bahagyang lumapat ang kamay niya sa bandang dibdib ko. Hinila niya ako palabas ng comport room habang halos mag-init ang mukha ko dahil sa nangyari, mabuti at mukhang hindi naman niya napansin. Siguro dahil maliit ang dibdib ko kaya gano'n, napanguso ako sa naisip. Hindi ba niya naramdaman?
Naalala ko tuloy yung Samantha! Malaki ang dibdib no'n halata kasi sa picture, siguro ay 'yong mga babaeng ganoon ang tipo niya. Napasulyap ako sa dibdib ko, dapat pala nagsuot ako ng push up bra! Wala pa naman ako'ng suot na bra ngayon kaya hindi gano'n kalakihan ang itsura ng dibdib ko. Sige next time nalang!
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...