"Marks"
. . .
"Aba'y kay ganda nga talaga rito, ano?!"
Manghang ipinalibot ni Manang ang paningin sa loob ng sala. Hindi ko rin tuloy napigilan ang sarili na gayahin siya. Kahit 'ata mahigit dalawang buwan na ako rito ay hindi ko pa rin maiiwasan ang mamangha.
Sa mga furnitures pa lang. Hindi ko alam kung magkano ang mga iyo'n pero sa palagay ko ay kulang ang isang taong kinikita ko sa mga paintings para lang sa isang base. Mukhang mamahalin pati na rin ang mga kurtina.
"Mukhang mas safe din kaysa dati! Aba! Parang ang sarap magbakasyon dito ah?"
Nang matapos si Manang sa sala ay dumiretso naman siya sa kusina. Bitbit ko ang ilang dala niya ng sinalubong ko siya sa may pinto. Ipinatong niya sa kitchen counter ang isang supot na dala niya bago padaanin ang kamay doon.
"Aba? Kahit kusina ay maganda? Ang mga gamit halatang bago at mamahalin din!"
Napailing na lang ako at palihim na napangiti bago ilapag ang mga bitbit. Nagsimula rin akong buksan ang mga dala niya para tignan kung may dapat bang ilagay sa refrigerator.
Hinayaan ko si Manang na mangialam sa mga gamit. Sinilip niya ang malaking oven na halos hindi pa nagagamit. Pati ang coffee maker na madalas gamiting ni Benj ay inusisa niya rin. Inabala ko na lang ang sarili sa pag aayos.
"Kamusta naman dito?"
T'saka lang bumalik sa kaniya ang atensyon ko ng marinig siyang magtanong. Saglit akong napatigil sa ginagawa.
"Mukhang mas okay ka rito, ah? Mukha ring umayos ang katawan mo! Mas masarap bang magluto si Sir Benj kaysa sa akin?" Lumingon na ako kay Manang.
Umayos ang katawan? Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang sarili. Mukhang nagkalaman nga ako ng kaunti. Siguro dahil tatlong beses na akong kumain sa isang araw? Dati kasi madalas kapag abala ako sa pagpipinta ay nakakaligtaan ko talaga ang kumain.
Kapag maaga ako sa studio ay sa gabi na ako kumakain. Lalo na kapag busy sina Manang at Joy, nakakalimutan ko ang oras kaya sa gabi na talaga kapag tapos na akong magpinta bago uminom.
"Mas masarap po ang luto n'yo," sabi ko at tumawa.
"Sabagay, naalagaan ka siguro ni Sir Benj ng maayos dito. Kayo lang naman dalawa dito kaya siguro mas komportable ka rin."
Tumango ako kay Manang. Mas komportable nga ako dito. Kahit na noong mag isa ako rito sa gubat ay palagi ko pa ring binabantayan ang sarili. Pero ngayon, halos hindi na at parang wala akong takot lalo na kapag alam kong nasa tabi ko naman si Benj.
"Kamusta naman po sa resort?" sinubukan kong ibahin ang usapan.
Ito ang unang beses na bumisita si Manang sa gubat. Nitong nakaraan kasi masyadong marami ang inaasikaso dahil naghahanda sa pagdating ng mga turista. Kaya rin tuloy naghapit ako sa pagpipinta para maghanda sa mga darating.
"Maayos naman. Si Joy ang inabala ko para naman masanay na ang batang iyo'n!" saglit na tumigil si Manang para tumulala. "Hindi naman niya ako habang buhay na kasama. Kaya mas mabuti na maturuan ko na rin siya dahil paniguradong siya rin naman ang papalit sa pwesto ko."
"Kahit na wala akong maipamanang ari-arian o lupain sa kaniya ay paniguradong hindi naman siya mawawalan ng trabaho. Napagtapos ko rin naman siya sa kolehiyo kaya kahit na maisip niyang umalis dito sa isla ay mabubuhay pa rin siya."
Napangiti na lang ako ng marinig ang sinabi ni Manang. Hindi ko alam pero parang may kumurot sa dibdib ko. Kung nabuhay kaya ang baby ko? Kung naalagaan ko kaya siya? Anong ipamamana ko sa kaniya?
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...