"Last Play"
. . .
"Bitiwan mo na ako!" sigaw ko at sinubukang humiwalay sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw naiinis ako kapag naiisip ko na awa lang ang nararamdaman niya sa akin. At ngayong narinig ko mismo sa kaniya na mahal niya pa ako ay parang ayaw ko rin namang tanggapin.
"Mayzee. . ."
Tinulak ko siya. Gustong gusto kong maniwala pero hindi pwede! Tama lang na awa ang nararamdaman niya. At kung mahal nga niya ako mas lalong hindi pwede!
"Hindi na ako ang dating kilala mo, Benj. Wala na ako. Hindi ko mayaman katulad mo. Pinangarap ko noon na maging tayo, nagkatotoo naman pero saglit lang. Aaminin ko na hanggang ngayon pinapangarap ko pa rin. . . kahit na alam kong hindi naman magtatagal. . ." nanghihina ako habang sinasabi iyo'n. "Kung kabit mo lang ako mas mabuti na bumalik ka na kay Samantha. Mas karapat dapat siya sayo, Benj. Mas malinis 'yon. . ." sinubukan kong lumayo pero mas lalo lang humigpit ang mga kamay niya sa bewang ko.
"You always like that. . ." bulong niya, halatang halata ang sakit.
"Pabayaan mo na ako rito. . .Bumalik ka kay Samantha! Hindi rito ang mundo mo!" pinigilan ko ang paghikbi. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagluha pero pinilit ko pa rin ang magpatuloy. "Hindi ka bagay dito! Ayaw kong masira na naman ang trabaho mo ng dahil sa akin, kaya bumalik ka na sa Maynila!"
"Bakit kailangang ikaw ang magdesisyon? It's not your decision to make, Mayzee! It's mine!" napapikit ako ng lumakas ang boses niya. Narinig ko pa ang pagngitngit ng kaniyang ngipin, tila gigil na gigil magsalita.
Bakit kapag siya ang desisyon ay okay lang? Bakit kapag siya ang may gustong gawin ay okay lang? Desisyon niya rin noon na umalis. . . kahit na pinigilan ko siya ay wala akong nagawa. Ngayon, ayaw niyang umalis dito sa isla at wala na naman akong magawa. . .
Kailan ba na ako naman ang masusunod? Kailan ba na ako naman ang papipiliin? Oo nga pala. . .Nalimutan kong wala nga palang makakapigil sa kaniya.
"Bitawan mo na ako!" malakas na sigaw ko at nagpumiglas ulit. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa pagiyak. "Kapag nasira ang trabaho mo. . . ako na naman ang masisisi, umalis ka na Benj."
Tila nanigas siya sa huling binitawan ko. Konting piglas ko lang at sa wakas ay nakawala rin ako sa kaniya. Nakita kong namumutla siya ng hinarap ko siya. Pinunasan ko ang luha.
"Umalis ka na bago pa mangyari na masira na naman kita, Benj. Umalis ka na rito. Hindi kita kailangan! Tigilan mo na ang pagiimbestiga sa akin dahil wala kang makukuha!"
"I didn't leave because of my work. I didn't leave you because of that. . ." matigas na sabi niya.
"Kung ganoon ay dahil saan?" hirap na hirap akong magsalita. "Kung hindi dahil sa trabaho ay dahil saan? Dahil sa mga pictures? Dahil talaga sa mga 'yon kaya ka umalis?" muntikan na akong pumiyok.
Hindi siya nakapagsalita. Titig na titig lang siya sa akin at parang tinitimbang ang mga sunod na sasabihin. Hanggang ngayon naman kasi talaga ay hindi ko matanggap na umalis siya ng dahil lang do'n.
"Dahil sa mga nakakadiring pictures na 'yon kaya ka umalis, Benj. Nagdesisyon kang umalis kasi nasaktan ka sa mga nakita mo. O baka nandiri ka. . ."
Totoo. Hindi 'man lang niya naisip ang ibang dahilan kung bakit may ganoong pictures. Hindi niya ako hinayaan magpaliwanag. Mas pinili niya ang sariling desisyon na lumayo at iwan ako. Kapag naiisip ko na dahil lang do'n kaya siya umalis ay hindi ko pa rin matanggap.
Nagkulang ba kami sa pag-uusap? Nagkulang ba kami sa pagtitiwala? O baka talagang hindi naman kami dapat sa isa't isa pero pareho naming pinipilit?
"Habang maaga pa umalis ka na. Baka hindi lang ganoong sakit ang maramdaman mo, Benj."
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...