"Busy"
. . .
"What? But I'am busy!" mahina man ay narinig ko parin ang pakikipagtalo ni Benj sa kung sinong kausap niya sa cellphone.
Napapikit pa rin ako dahil alam ko'ng maliwanag na sa buong kwarto. Sigurado ako'ng tanghali na umaga na rin naman kasi kaming natulog. Nahihilo rin ako dahil sa alak na ininom kagabi, hindi man nalasing ng sobra ay may hang-over din pala.
"I told you, may emergency ako kahapon," bakas pa rin sa boses niya ang inis sa kausap. "Hindi ba pwedeng email n'yo na lang?" bumuntong hininga siya at saglit na hindi ulit nagsalita.
May trabaho bang naiwan sa Manila? O sadyang hindi lang niya tinapos dahil sa biglaang pag-uwi kagabi?
"Fine. . . I'll be there in three pm."
Tinapos na niya ang tawag, naramdaman ko'ng lumubog ang kama. Maya-maya lang ay pumalibot na sa bewang ko ang isang kamay niya bago ako hilahin palapit sa kaniya. Pagkatapos ay kaagad na bumalot sa akin ang init ng kaniyang katawan.
Dahil sa yakap niya at konting hilo ay nakatulog ulit ako. Nagising lang ako ng maramdaman ko'ng wala na ang mainit niyang katawan na nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng oras na, pero sigurado ako'ng tanghaling tapat na dahil medyo mainit na ang singaw ng hangin. Nakabukas na rin ang isang electricfan dito sa aking kwarto, nakatapat sa akin.
"Good morning. . ." mahinang halakhak niya, iyon ang bumati sa akin ng buksan ko ang mga mata ko. Hindi ko magawang bumati pabalik dahil tinatamad pa ako, siguro dahil kagigising ko lang ulit.
Pero ng mapansin ko'ng nakabihis siya habang nakaupo sa tabi ng kama ay kaagad ako'ng napabalikwas sa pagkakahiga. Aalis ba siya?
"Saan ka pupunta?" nabibiglang tanong ko, hindi inalintala na hindi pa man lang ako nakakapag-sipilyo at hilamos man lang ng mukha.
"I need to go back to Manila."Hindi ko alam kung ano ang dapat ko'ng maging reaksyon sa sinabi niya. Nalulungkot ako pero alam ko'ng hindi ko siya dapat na pigilan, mas mahalaga ang trabaho niya kasiya sa manatili sa tabi ko.
"Trabaho ba?" kahit na alam ko na ang dahilan ay tinanong ko pa rin. Nakatitig siya sa akin, parang kahit na hindi ko sabihin ay alam niya ang tumatakbo ngayon sa isip ko.
"I'll be back in the next day, I'll just need to finish my work in Manila. . ." paliwanag niya pa kahit na hindi naman kailangan dahil naiintindihan ko naman. . . Sadyang mayroon lang sa akin na parang ayaw siyang payagan.
Tumawa ako ng maisip na wala nga pala ako'ng karapatan na pagbawalan siya. Wala naman kaming relasyon, kahit na meron pang namamagitan sa amin ay hindi ko dapat siyang pigilan pagdating sa trabaho. Ano nalang ang sasabihin ng mga tauhan niya kapag nalaman nilang ako ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang mahalagang trabaho sa Manila?
Nakakahiya at parang hindi magandang pakinggang na isang katulad ko lang ang magiging dahilan ng aberya niya sa trabaho. Sana bago ako mag-inarte ay maisip ko muna ang mga taong umaasa sa kaniya, ang mga trabahador nila na may sariling pamilya at kailangang kumita ng pera.
"What are you thinking?" nagulat ako ng bigla niyang halikan ang noo ko, kaagad ako'ng napatingin sa kaniya. "Hmm?" tumitig siya sa akin kaya kaagad ako'ng nag-iwas ng tingin.
"Magliligo lang ako."
Tumayo ako kaagad para makaiwas sa kaniya. Hinayaan niya ako'ng bumangon sa kama, mabilis naman ako'ng kumuha ng damit bago pumasok sa cr.
Habang naliligo ay hindi maiwasang pumasok sa isip ko kung gaano kataas si Benj kumpara sa akin. Simpleng-simple ang buhay ko, kumpara kay Benj na napakaraming tao ang nakakakilala. Maraming business ang pamilya niya dito sa bayan namin, sa Manila, sa ibang bansa at maaaring sa ibang lugar pa dito sa Pilipinas. Ang dami niyang pwedeng ipagmalaki, samantalang ako ay walang-wala.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomansWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...