Read at Your Own Risk
"Reject"
. . .
Nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Kinakapos ako sa paghinga dahil sa matagal na pag-iyak. Yakap ko ang mga tuhod habang nakatingin sa hubad niyang katawan na nakadapa sa kama.
Hindi ko magawang kumilos kahit na malaya na naman akong makaka-alis. Bigla na lang siyang nawalan ng malay at hindi ko alam ang dahilan. Natatakot ako. . . Ang sakit sakit ng katawan ko dahil sa ginawa niya.
Lumingon ako saglit sa sahig. Paano na ako makakauwi kung punit at sira ang puting bistida ko? Siguradong magtataka at magagalit si Mama.
Anong gagawin ko? Hindi ako makapag-isip ng tama. Ang sabi niya 'andito si Benj, pero niloko lang pala niya ako! Wala rito si Benj. . .Bakit niya ginawa 'yon?
Namamanhid ang buong katawan ko. Anong gagawin ko? Gusto ko ng umuwi. . . ayaw ko ng makita si Benj. Ayaw ko na rito.
"Drake?" kaagad akong napalingon sa pinto ng marinig ang pagtawag sa labas. Natataranta na sumiksik ako sa dulo ng kama at niyakap ang katawan ko. Mas lalong lumakas ang hikbi ko dahil sa takot. Tinakpan ko ng palad ang labi ko ng hindi ko na napigilan ang malakas na paghikbi.
Anong gagawin ko?
"Drake? Buksan mo nga 'tong kwarto mo!" mas malapit na ngayon ang boses. Narinig ko ang pagkalabog ng pinto kaya mas lalo akong natakot. Lumingon ako sa paligid pero walang mapagtataguan. Maya-maya lang ay bumukas na nga ang pinto.
"Drake, bakit nakalock ang- "
Nag-angat ako ng tingin sa babae. Naiiyak na niyakap ko ang sarili at nagmamadaling lumapit dito.
"Tulungan nyo po ako. . . si K-Kuya Drake po. . ." nanginginig ang boses ko dahil sa pag-iyak at takot.
Bumaba ang mga mata ni Donya Matilda sa akin bago bumalik kay Kuya Drake na walang malay sa kama. Parang hindi niya ako napansin dahil natulala siya sa nakita.
"Ma'am ito po ang susi." Pumasok ang isang katulong. "Ay jusko!" malakas ng sigaw nito ng makita ako.
"Tulong po. . . si Kuya D-Drake po. . ." umiiyak pa rin ako ng lumapit sa katulong. Tulala ang Donya kaya huli na para pigilan niya ako.
"Jusko! Anong nangyari?" taranta na tanong ng katulong bago damputin ang isang kumot at itakip sa katawan ko.
"Si K-Kuya Drake po. . ." hindi ko matuloy ang sasabihin. "P-Pinilit niya po ako. . . hinawakan niya ako. . ." mas lalo akong humagulgol. Nararamdaman ko pa rin ang balat niya sa balat ko. Pakiramdam ko ay hawak niya pa rin ako.
"Jusko! Dadalhin kita sa presinto," natataranta na sabi ng katulong. Humawak ako sa kaniya para kumuha ng lakas. Ang sakit sakit ng katawan ko. Hindi ako makapag-isip ng tama.
"No."
"Ma'am dalhin natin sa presito itong bat-"
"I said no!"
Malakas ang sigaw ni Donya Matilda dahilan para matigil ang pag-hikbi ko. Masama itong tumingin sa akin kaya wala sa sariling nagtago ako sa likod ng katulong. Gusto ko ng umuwi. Natatakot ako sa kanila.
"Pero Ma'am-" magpoprotesta pa sana ang katulong pero mabilis siyang sinaway nito.
"Hindi pwede." Mariin ang boses nito bago tumitig sa katulong. "Linisan mo ang batang 'yan at paliguan," pag-uutos nito.
"Kailangan pong madala sa presinto itong bata," pag-uulit pa ng katulong.
"Kung ayaw mong mawalan ng trabaho ay sumunod ka sa utos ko!"
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomansaWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...