Chapter 43

50 1 0
                                    

"Awa"

. . .

"Ate, breakfast daw tayo sabi ni Nanay," si Joy ng sumilip siya sa loob ng studio.

Malapit ko ng matapos ang isang painting. Maaga ako dito kanina dahil hindi naman ako natulog.

"Nakatapos ka na agad?" Tuluyan siyang pumasok ng tumango ako at nagbalik ng tingin sa painting. Nagdadag ako ng kulay, medyo binilisan ko na din dahil matatapos na naman.

Nakakahiyang paghintayin si Manang. Okay lang naman na hindi pa ako kumain. Hindi ko pa naman nararamdaman ang gutom pero alam kong hindi papayag si Manang na hindi ako sumabay sa kanila. Pagagalitan na naman niya ako.

"Mauna ka na do'n," sabi ko habang abala pa rin sa pagtapos ng pinipinta.

"Mamaya na, hintayin kita," sagot nito habang naglilibot libot sa mga painting. Nagseryo ulit ako sa ginagawa. Hindi ko pinansin si Joy kahit na medyo naiilang ako kapag nakatitig siya. Hindi ko alam kung iyo'ng painting ba ang tinititigan niya o ako.

"Ang ganda talaga!"

Nag-unat ako saglit ng likod bago sinimulang itabi ang mga ginamit. Binabad ko sa tubig ang mga paint brush na nagamit bago tumayo sa pwesto.

"Tara na," pag-aaya ko kay Joy pero hindi niya ako pinansin. Saglit kong sinuklay ng daliri ang buhok ko bago iyo'n tinalian. Pinunasan ko rin ng mabuti ang mga talsik ng pintura sa kamay ko.

"Parang totoo!" sabi pa niya bago ilapit ang mukha sa painting. Bawal pa hawakan iyo'n dahil hindi pa sobrang tuyo ang pintura.

"Tara na, baka magalit si Manang." Sumulyap ako saglit sa orasang nakasabit sa loob ng studio. Malapit ng mag-alas otso. Hindi pa ganoon kainit ang araw at wala pa ring masyadong tao sa dalampasigan.

"Bilib talaga ako sa mga kamay mo, Ate!"

Umiling ako sa sinabi ni Joy bago sumabay sa paglalakad niya. Nasa dulo ang studio at sa may beranda kami ng hotel kakain. Wala naman masyadong tao pero kinakabahan na kaagad ako.

Simula ng sa hotel ako tumira ay palaging sabay sabay kaming kumain nina Manang. Hindi naman ako makapag-reklamo. Hindi ako mahilig kumain ng breakfast pero palagi kong inaabangan ang oras na iyo'n.

Hindi ko alam kung mabuti ba iyon o hindi!

Inilagay ko ang buhok sa likod ng matanaw ko na si Manang. Nanatili sa kaniya ang mga mata ko pero ramdam ko ang pagtitig sa akin ng kasama niya sa lamesa.

Kinakabahan na ako. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko pero sinubukan kong huwag magpahalata. Hindi naman ito ang unang beses na makakasabay ko siyang kumain pero ganoon pa rin ang kaba sa dibdib ko.

"Good morning. . ." malalim ang boses niya. Hindi ako sumusulyap sa kaniya pero ramdam ko pa rin ang pagtitig niya kahit na nakalapit na kaming dalawa ni Joy.

"Good morning, Sir!" si Joy bago maupo sa tabi ni Manang.

Apat lang ang upuan. Isa para kay Manang at sa tabi niya ang kay Joy. Sa harap no'n ay nakaupo si Benj at ang isa pang upuan na malamang ay para sa akin.

"Good morning. . ." mahina ang boses ko ng bumati.

Hindi ako sumulyap sa kaniya pero nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Manang ng mahagip siya ng mga mata ko. Gusto kong umirap pero baka magalit si Manang sa akin!

"Natapos ka na agad?" pagtatanong ni Manang at nagsimula ng magsandok ng kaniyang pag-kain.

"Isa pa lang po," sagot ko at nagbaba ng tingin sa mga pagkain.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon