Chapter 7

45 2 0
                                    

"Threat''

. . .

"Mayzee, aalis na kami ni Mark!" narinig ko'ng sabi ni Tita.

Kalalabas ko lang galing sa banyo maaga ako'ng nagising dahil may pupuntahan na naman sila. Medyo inaantok pa ako kaya naman bumalik ulit ako sa kama para muling mahiga. Niyakap ko ang isang unan at muling ibinalot ang sarili sa makapal na kumot dahil nilalamig ako. Ang lamig talaga kapag umaga dito sa probinsya.

"I-lock mo ang pinto ha? Huwag kang magpapa-pasok ng hindi mo kilala. Sige na alis na kami." Pag-papaalam ni Tita.

Dahil sa antok at sobrang lamig ay mabilis ulit ako'ng nakatulog. Nagising lang ako noong alas-otso na. Tinatamad na bumangon ako dahil ayoko namang matulog na lang maghapon.

Saglit ako'ng nagtimpla at uminom ng gatas sa kusina. Naligo ako ng matapos bago dumiretso sa hardin ni Tita.

"Ang lalaki nyo na!" mahinang bulong ko sa mga halaman.

Ayoko namang manood ng t.v kaya naisipan ko na lang na magdilig ng mga halaman. Mukha man ako'ng baliw pero ang sabi nila para daw mabuhay ang halaman ay dapat itong kausapin. Hindi ko alam kung effective ba 'yon ngayon ko lang naman kinausap itong mga halaman dahil medyo good mood ako. Wala rin naman ako'ng ibang makakausap ngayong araw, walang ako'ng kasama sa bahay dahil umalis sina Tita, si Benj naman ay baka sa isang linggo o araw pa umuwi.

Medyo malaki at marami ang mga halaman ni Tita kaya inabot din ako ng halos isang oras sa pagdidilig ng mga iyon, nakapag-walis na rin ako ng ilang dahon na nahulog sa puno.

Namimiss ko tuloy iyong tapat ng bahay namin na puno rin ng mga halaman ni Mama. Naalala ko pa noon na palagi kaming nag-aaway ni Marga kung sino ba ang dapat ng magwalis o magdilig ng halaman ni Mama sa umaga. Simpleng bagay lang naman pero pinag-aawayan pa namin. Nakakamiss. . . Hindi ko akalain na nakakalibang naman pala ang mga halaman. Sana pala ay inalagaan ko ng mabuti ang mga halaman ni Mama noon. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naiisip. Nakakabaliw kapag mag-isa!

Abala pa rin kasi sina Tita at Mark sa mga inaasikasong papel nila para sa pagpunta sa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Tita na wala ako'ng balak na sumama sa kanila. Hindi rin naman kasi niya itinatanong sa akin kaya hindi ko sila masabihan na huwag ng asikasuhin ang mga papel ko dahil wala naman ako'ng balak sumama sa kanila.

Alam ko'ng maganda ang mamuhay sa ibang bansa. Suwerte ko nga kung doon na rin ako mag-aaral, ang kaso ay parang hindi ko kayang iwanan ang mga alaala dito.

Dito kung saan ako lumaki at nagkaisip, parang hindi ko kayang basta-basta na lang umalis sa lugar na ito. Alam ko'ng kapag nasa ibang bansa na ay hindi ako basta makakauwi rito sa Pilipinas.

Nang matapos sa pagdidilig ng halaman ni Tita ay wala na naman ako'ng ibang pagka-abalahan kung hindi ang mag-pinta. Madalas kasi ay sa gabi ako nagbabasa ng libro kaya tuwing umaga at wala ako'ng magawa ay pagpipinta talaga ang pinag-kakaabalahan ko. Gusto ko talagang pumunta ng ilog, ang kaso ay baka magalit sa akin sina Tita. Nakakatakot din naman dahil baka malunod ulit ako, walang sasagip sa akin kapag nagkataon.

"Bakit hindi pantay?"

Napasimangot ako habang kausap ang sarili ng makitang hindi pantay ang guhit na nagawa ko sa painting. Hindi naman ako sanay gumamit ng lapis kapag nagpapaint dahil mas gusto ko'ng walang pattern o outline na ginagawa. Mas okay sa akin na basta na lang magsimula, mas lalo kasi ako'ng naguguluhan kapag gumagamit ng kung ano-ano sa pagpipinta.

Nagkalat ang mga painting materials sa sahig ng aking kwarto mabuti at mag-isa lang ako. Walang ibang makakakita kung gaano ako mahirapan sa pinipinta ngayong araw. Ang tahimik din ng paligid, walang sasakyan na dumadaan kaya gano'n.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon