Chapter 19

42 1 0
                                    


"Professor"

. . .

"Shit. . ." mahinang pagmumura ko ng magising ako sa hindi pamilyar na kwarto.

Napabalikwas ako bago tumingin sa paligid. Nagmamadali ko'ng tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot, nakahinga ako ng maayos ng makitang may suot pa naman ako'ng damit.

"Shit. . ." pagmumura ko na naman ng unti-unting maalala ang mga ginawa ko kagabi.

Yung pag-liliwaliw naming dalawa ni John sa loob ng Mall hanggang sa dumilim. Yung pagpunta namin sa bar at yung pag-iinom ko hanggang sa mahilo ako. Yung pagsayaw ko sa gitna ng dance floor. Yung paghalik ko kay John at yung pagtawag ni Benj!

"Yung cellphone ko?" mabilis ako'ng tumayo sa kama para hanapin ang cellphone ko. Nang hindi iyon makita ay napilitan na ako'ng lumabas ng kwarto.

Tama nga ang hinala ko kagabi na sa apartment niya ako dinala. Ganoon pa rin ang itsura, simple pero magandang tignan at halatang lalaki ang nakatira dahil sa kulay itim ang kulay ng mga walls.

"Oh? Gising ka na pala," si John na natanaw ko sa kusina. Naglakad ako palapit sa kaniya at napansing abala siya sa pag-luluto.

"Nakita mo ba yung cellphone ko?"

"Nasa loob ng kwarto ko, chinarge ko kasi nakita ko'ng lowbat."

"Kuhain ko na ha," sabi ko. Nahihiya ako sa kaniya dahil sa nagawa ko kagabi.

"Sige lang,"

Abala siya sa pagluluto kaya dumiretso na ako sa isa pang kwarto. Dalawa lang naman ang kwarto sa apartment niya kaya siguradong yung katabi ng kwartong tinulugan ko ang kwarto niya.

Nang makapasok ay mabilis ko'ng nilibot ang mata para hanapin ang cellphone ko. Kinakabahan ako kaya nagmadali ako sa paghahanap. Pero inabot na ata ako ng tatlong minuto ay hindi ko pa rin makita kung saan sinaksak ni John ang cellphone ko.

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Sabado ngayon diba? Wala kaming pasok nalimutan mo na?"

"John hindi ko makit-" Napatigil ako ng makitang may kasama na siya sa loob ng kusina.

Napatingin din sa akin ang kausap niya kaya mas lalo ako'ng nahiya dahil sa medyo magulo ang itsura ko. Mukha itong gulat na gulat habang nakatingin sa akin. Nang tumagal ay napalitan ng inis at lungkot ang ekspresyon nito bago mag-iwas ng tingin sa akin.

"Nakita mo ba?" tanong ni John na mukhang hindi napansin ang pagbabago ng ekspresyon ng kasama niya.

Nag-lipat ako ng tingin sa kaniya bago sumagot. "Hindi e, pwedeng ikaw na lang ang kumuha?"

"Sige, saglit lang." Pinatay niya muna ang stove bago maglakad papunta sa kaniyang kwarto.

Naiwan kaming pareho ni Erika sa loob ng kusina. Nakayuko lang ito at halos hindi makatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero dahil sa nakita ko'ng pagkabigla at pagbabago ng ekspresyon niya kanina ay alam ko'ng nagseselos siya.

"Mali ang iniisip mo."

"Babalikan mo na ba siya?"

Sabay kaming nagsalita. Natigilan naman ako sa dahil tanong niya. Mukhang tama nga ako dahil sa tanong pa lang niya ay halata na ang selos. Diretso siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Hindi-" naputol ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang magsalita.

Bakit pa siya nagtanong kung hindi naman niya ako hahayaan na magpaliwanag?

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon