"Started"
. . .
"What are you doing here!?"
Nabitawan ko ang paint brush na hawak at mabilis na napaharap sa kung saan ko narinig ang galit na boses na 'yon. Napasapo pa ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagtibok no'n. Kinabahan ako ng bukod sa alon at lagaslas ng tubig ay may marinig ako'ng boses mula sa aking likuran.
"Benj. . ." nakahinga ako ng kaunti ng makita kung sino ang taong dumating. Ang akala ko kasi ay kung sino na.
"Why you didn't tell me? Gusto mo palang pumunta rito bakit hindi ka nagpaalam?" Hindi ako nakapagsalita. Bumuntong hininga siya bago inihilamos ang kamay sa kaniyang mukha.
Mariin siyang pumikit at tumingala pa. Tila sobrang na-stress dahil sa pagpunta ko rito ng hindi nagpapaalam. Pinagmasdan ko lang siya at hinintay kung ano pa ang gagawin niya o kung may gusto pa siyang sabihin. Galit ba siya?
Nabore kasi ako sa bahay kaya naisipan ko'ng subukan yung mga binigay ni Tita na painting materials. Ayoko naman na pader lang sa kwarto ang maging subject sa painting ko kaya naisipan ko'ng dito sa ilog pumunta.
Kagaya ng dati ay dito ako madalas pumupunta kapag walang magawa. Bukod kasi sa tahimik at malayo sa mga sasakyan ang lugar na ito ay malinis at mas presko ang hangin dito. Maliwanag at malinaw rin ang tubig kaya magandang pagmasdan kahit na hindi naman ako maliligo.
Napakagat ako sa labi ng muli siyang tumitig sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata. Nakatupi ang longsleeve niyang suot hanggang sa kaniyang siko, magulo ng bahagya ang kaniyang buhok at may ilang butil pa ng pawis sa kaniyang noo.
Mukhang tumakbo pa siya papunta dito sa tabi ng ilog. Pinilit ko'ng huwag umatras ng magsimula siyang maglakad palapit sa akin kahit na kinakabahan ako.
Halos manigas ako ng mahigpit niya' ako'ng niyakap ng tuluyan na siyang makalapit. Sumubsob ang kaniyang mukha sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Pati ang pagtibok ng puso niya ay ramdam ko na rin, malakas iyon at sobrang bilis. Hindi ko alam kung dala lang ba 'yon ng pagod o may iba pang dahilan.
Wala sa sariling napangiti ako. Balak ko pa sana siyang yakapin pabalik pero nang ilalapat ko na sana ang palad sa kaniyang likod ay bigla ko namang naisip na hu'wag nalang. Magulo! Nahihiya ako'ng yumakap sa kaniya.
Nakakapagtaka. . . dahil sa ibang lalaki naman ay hindi ako ganito, sa kaniya lang.
Hinayaan ko siyang nakayakap sa akin hanggang sa mag-angat na siya ng tingin. Nanatili naman ang mga braso niya na nakapalibot sa aking katawan kaya halos wala paring distansiya sa aming dalawa. Tumingala ako para makita siya.
"I'am so nervous. . . pinakaba mo ako ng sobra." Yumuko ulit siya para ipatong ang kaniyang noo sa balikat ko. Mukhang napagod talaga siya sa pagtakbo papunta dito. "I'm so worried. Ang akala ko. . ."
Hindi niya matuloy ang gustong sabihin. Pero kahit hindi niya masabi ay alam ko kung ano ba 'yon. Ang akala niya ba ay sasaktan ko ulit ang aking sarili?
Pumunta lang naman ako dito dahil sobrang bored na ako sa bahay. Ang tagal ko'ng hindi nakalabas ng bahay at nakalanghap ng hangin dito sa ilog. Namiss ko ang tunog ng tubig at ang lamig dito. Medyo nanibago nga ako dahil nagbago ang itsura ng daan papunta rito. Siguro dahil sa nagdaang bagyo ay binago rin ang daan.
Nagkaro'n din ng isang kubo sa may tabi ng ilog, hindi ko naman sinilip ang loob pero sigurado ako'ng pag-aari nila 'yon. Napatawa ako dahil sigurado namang walang maglalakas loob na magtayo ng bahay dito sa lupa nila. Kilala sila dito sa bayan namin dahil sa dami ng lupang pag-aari at mga trabahador.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...