"Rescue"
. . .
"Are you okay?"
Sinubukan ko'ng kumawala sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko para tumayo at maupo sa kama. Mabilis naman siyang bumitaw at bumuntung-hininga ng makawala ako sa kaniya.
Ramdam ko'ng kahit siya ay hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin sa akin. Alam ko'ng kahit siya ay nawawalan na ng pag-asa na bumalik ang dating sigla ko katulad ng dati.
Ang hirap naman kasi. . . parang hindi ko na kaya.
Malaya siyang nakakalabas pasok dito sa kwarto ko dahil kay Tita. Hindi ko alam dahil sa tuwing siya ang nakikita ko ay kumakalma ako. Nababawasan ang takot ko kapag nakikita ko siya sa hindi malamang dahilan.
Kaagad ako'ng nahiga sa kama at tumalikod sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nanatili pa rin siya sa tabi ko. Its been three months simula ng mangyari ang lahat ng kamalasan sa buhay ko. Nawalan ako ng ganang mag-aral pa at ipagpatuloy lahat ng pangarap namin nina Mama, ang pangarap ko'ng makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Lahat 'yon ay nawalan ng saysay para sa akin.
Para saan pa?
Para saan pa ang lahat kung wala na ang buong pamilya ko. Hindi ko alam kung paano at saan ba ako'ng magsisimulang muli. Lalo't ngayon na wala naman na ako'ng dahilan na bumangon pa. I know, I should have died first. . . noon pa at hindi ang buong pamilya ko. Hindi na sana sila nadamay pa.
Live for me. . . that's what he said that night. Sa harap ng lapida ng buong pamilya ko ay iyon ang ibinulong niya. He gives me hope, but I don't have the strength to start again. I can't still accept everything. Hindi ko matanggap na iniwan na talaga ako ng pamilya ko.
Hanggang ngayon, kahit na pa-unti-uting bumabangon ang bayan namin sa trahedyang nangyari ay parang naiwan ako sa mismong araw na iyon. Kung saan wala ako'ng nagawa sa harap ng bangkay ng pamilya ko kung hindi ang umiyak at magmakaawa na sana ay isinama nalang nila ako.
Mabuhay para sa kaniya? Ang hirap. . . ang hirap umasa na hindi niya ako iiwan. Walang kasiguraduhan na mananatili siya sa tabi ko sa lahat ng oras. Walang kasiguraduhan na hindi niya ako iiwan kagaya ng dati.
Narinig ko'ng nagsimula siyang damputin ang nagkalat na bote sa sahig ng kwarto ko. Nakakainis lang dahil kahit na ilang bote ang maubos ko ay walang epekto. Ngayon ko gustong hilingin na sana ay hindi ganito kalakas ang tolerance ko pagdating sa alak. Dati ay gustong-gusto ko kapag ganitong umiinom at walang epekto, ngayon ay halos isumpa ko. Sayang ang alak kung wala rin namang epekto sa akin.
"Kumain ka na?" pagtatanong niya pa ng matapos na sa pag-liligpit ng mga kalat ko kanina sa sahig. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatalikod sa kaniya.
Alam ko'ng alam naman niya na hindi pa pero bakit nagtatanong pa siya? Bakit nagtyatyaga pa siyang manatili dito sa akin? Hindi ba't may trabaho siya?
Sabagay, mayaman nga pala siya. Kahit na hindi siya magtrabaho buong buhay niya ay siguradong hindi siya magugutom. Ang sarap-sarap maging mayaman. Kung ipinanganak sana ako'ng mayaman ay walang ganitong ganap sa buhay ko.
Ang hirap maging mahirap.
Bakit ba ipinanganak ang mga tao na hindi pantay sa mundo? Bakit kailangang may mahirap at mayaman? When the time comes. . . I'll prove to them that I can fight against them. I just need time for myself.
"I know it was so hard for you. . ."
Naramdaman ko'ng naupo siya sa kama, nanatili naman akong nakahiga at tahimik na nakikiramdam sa mga susunod na gagawin niya. Sa bawat araw na andito siya kahit na hindi ko siya kinakausap ay kampante ang loob ko at masaya rin kahit na kaunti. Kampante ako dahil alam ko'ng kapag nandyan siya ay ligtas ako sa kaniya. . . at masaya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...