Chapter 22

37 0 0
                                    

"Lie"

. . .

Ano'ng nangyari?

Ang sakit ng pisngi ko, pero bakit parang mas masakit ata ang puso ko? Ano bang ginawa ko para makatanggap ng sampal?

Ang naalala ko ay sila ang may kasalanan sa akin kaya ako dapat ang manampal diba? Pero bakit ako ang sinampal? Bakit ako ang sinaktan?

Baliktad na talaga ang mundo. Kapag wala kang kakampi ay talo ka. Nangingiti na muli ako'ng lumapit sa tapat ng sink kung saan naiwan nila ang ilang gamit ni Sairah. Matagal ko'ng tinitigan ang singsing na nakapatong don'.

Nakakainggit ng sobra. . . Hindi ko alam na darating ang panahon na kaiinggitan ko si Sairah. Bakit ganito? Noon naman ay kuntento ako kahit na wala sa akin ang lahat, kuntento ako kahit na kakaunti ang mga kaibigan ko. Kuntento ako kahit hindi ako nagmamahal.

They made me like this. . .Because of them, I can't recognize myself anymore.

Nagpalipas ako ng oras sa tapat ng salamin hanggang sa nawala na ang pamumula ng pisngi ko. Nang makitang maayos na ang itsura ay mabilis ko'ng dinampot ang singsing at wala sa sariling lumabas ng cr.

"Sorry, Mis-"

Muntikan ako'ng matumba dahil sa pagkakabangga ng kung sino sa akin pero dahil wala ako sa saliri ay halos hindi ko na pinansin ang mga taong nasa paligid. Hanggang sa makarating sa labas ng University ay tulala pa rin ako.

Imbes na sumakay ng jeep katulad ng ibang araw ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko ng sumasakit ang mga paa at binti ko.

Hindi ko alam kung dala lang ba ng pagod pero nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Nagsimula ako'ng maiyak ng hindi ko na mapigilan. Naupo ako sa tabi ng kalsada at sumubsob sa mga palad ko.

"Baliw ata. . ."

"Baka bumagsak sa subject. . . hirap kaya mag-college. . ."

"Kawawang kabataan. . ."

Naririnig ko ang mga sinasabi ng dumadaan pero halos wala ako'ng pakialam. Mas lalo ko pang nilakasan ang paghagulgol ko.

Ano bang pakialam nila? Hindi ko naman sila kilala kaya okay lang siguro na umiyak ako dito sa tabi ng kalsada. Nang tumigil ang mga luha ko ay saglit pa ako'ng natulala sa mga dumadaan na kalsada. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bago ako'ng gising.

Ang sakit ng buong katawan ko pati na rin ang puso ko. Literal na nararamdaman ko ang pagkirot 'non. Gano'n ba kapag sobra ng sakit? Ang hirap huminga.

Hininitay ko'ng dumilim ang langit bago ako maglakad ulit. Dumaan ako sa seven eleven ng makaramdam ako ng uhaw at gutom. Pero ng dumako ang mga mata ko sa mga alak ay iyon kaagad ang kinuha ko.

"Miss bawal po sa estud'yante ang alak," sabi ng cashier.

Sinong may sabi ng bawal sa estud'yante ang alak? Ang alam ko ay sa bata lang naman bawal.

"Bakit?" mukhang nagulat ang cashier sa tanong ko.

"Naka-uniform ka pa Miss bawal kami magbenta sa mga estud'yante."

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Suot ko pa rin ang school uniform namin at nakasabit pa sa leeg ko ang school I.D. Sunod ko'ng tinignan ang loob ng store, mukhang wala namang tao kung hindi kaming dalawa nitong cashier.

"Matanda po ako."

Twenty two na ako, e. Nasa tamang edad na para uminom ng alak.

"Hindi po talaga pwede Miss lalo't nakasuot ka pa ng uniform."

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon