Chapter 17

53 1 0
                                    

"Fiancee"

. . .

"Good morning. . ." pumikit ulit ako ng maramdaman ko ang magaan niyang paghalik sa leeg ko. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa pag-inom namin kagabi. "Hey. . " pangungulit niya pa bago hawakan ang bewang ko.

Nakadapa ako sa kama kaya likod ko ang kaharap niya. Hindi ko alam kung ano'ng oras kaming natapos kagabi, mukhang nakatulog na ako ng tuluyan dahil sa dami ng nainom. Nanlalambot ang katawan ko at parang ayaw ko'ng bumangon sa kama buong maghapon.

"Hmm. . ." naiinis na reklamo ko ng kilitiin niya ang tenga ko.

"Hmm? We have to go," napamulat ako dahil sa sinabi niya.

Ang akala ko ba ay wala kaming pupuntahan ngayon? Hindi ba't nasa bakasyon naman siya at mamayang hapon pa ang balik namin sa apartment dahil may pasok na rin ako bukas.

"Bakit?" nagtatakang tanong bago maupo sa kama, mabilis naman siyang yumakap sa bewang ko habang nakasubsob sa bandang leeg ko. Medyo nakikiliti tuloy ako dahil sa kaniya.

"May emergency, may kailangan lang ako'ng asikasuhin."

Trabaho na naman. . .

"Sige, saglit lang at maliligo ako."

Tinangka ko'ng tumayo sa kama pero hindi niya ako pinayagan. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin at parang ayaw ako'ng pakawalan. Bumuntong hininga ako bago sumandal sa kaniya dahil inaantok pa talaga ako.

"Let me hug you for just five minutes please. . ." bulong niya pa. Tumawa lang ako at hinayaan siyang nakayakap sa akin. Yumakap rin ako sa kaniya pabalik.

Alam ko'ng kapag bumalik siya sa Manila ay matagal na naman bago siya bumalik. Matagal na naman na hindi ko siya mayayakap kaya susulitin ko na ngayon.

Matagal pa kaming magkayakap hanggang sa humiwalay na siya akin. Hindi naman nasunod yong' five minutes niya. Mabilis naman ako'ng dumiretso sa banyo ng akmang hahalikan niya ako naalala ko'ng hindi pa nga pala ako nakakapag-toothbrush.

"Here's your milk."

Umuusok pa ang gatas ng inilapag niya yon sa tapat ko. Tapos na ako'ng maligo pero basa pa rin ang buhok ko. Hawak ko ang twalya kaya ibinaba ko muna yon' bago humigop sa baso.

Nabawasan ng kaunti ang hilo ko at medyo wala na rin ang panglalambot ng katawan ko ng matapos ako'ng maligo. May nakahain na pagkain sa harap namin pero mas inuna ko'ng inumin itong gatas. Nakatingin ako sa kaniya habang abala naman siya sa pag-inom ng kape.

Nakasuot siya ng puting sando kaya kitang-kita ko na naman ang maganda niyang katawan, hindi ko tuloy maiwasang mapangisi dahil malaya ko'ng nahahawakan ang mga yon kapag magkatabi kaming natutulog sa kama.

Ang swerte ko!

"What?" tanong niya ng makita ang pagtitig ko.

"Ano'ng lasa ng kape?" kuniyari ay pagtatanong ko na lang.

Simula ata ng magkaisip ako ay hindi ko pa nasubukang uminom ng kape. Madalas kasi noon ay si Mama ang naghahanda ng umagahan namin kaya palaging gatas ang iniinom ko dahil iyon ang tinitimpla niya para sa aming dalawa ni Marga.

"Do you want to taste it?" magkaharap kaming nakaupo at nasa gitna namin ang lamesa kaya ng tumayo siya at yumuko sa akin ay nagtaka ako. "Hmm. . .?" nakangisi na siya ngayong ilang pulgada na lang halos ang layo ng mukha namin. Pakiramdam ko konting-konti na lang ay mahahalikan ko na siya.

Nakatuon sa lamesa ang dalawa niyang kamay, inangat niya ang isa para hawakan ang pisngi ko. Naglandas ang daliri niya sa ibabang labi ko kasabay no'n ay ang pagbaba niya ng tingin don. Napalunok ako ng wala sa sarili ng lumapat na ang labi niya sa labi ko.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon