Chapter 18

43 1 0
                                    

"Tired"

. . .

"May guradian ba kayo?" mataray na pagtatanong ng pulis. Hindi sumagot si John kaya ako na lang ang nagsalita.

"Wala po, ulila na po." Napansin ko ang paglingon ni John pero hindi ko na pinansin, mas gusto ko'ng makaalis sa lugar na ito. Ang akala ko ay mas ligtas ang magiging pakiramdam ko dahil sa mga pulis, pero mas lalo atang nakaka-stress.

"Okay lang nasa edad na naman kayo. Kilala mo ba siya?" pagtatanong ng pulis kay John.

"Opo."

"Bakit nandon ka sa lugar na 'yon? Magkasama ba kayo?"

"Napadaan lang po ako," si John. Umiling-iling pa ang pulis bago bumaling sa akin.

"Miss kasalanan mo naman, bakit ka kasi naglalakad ng mag-isa sa kalye ng ganitong mga oras? Pagkatapos ay ganiyan pa ang suot mo." Umiling-iling ulit ang pulis habang nakatingin sa akin.

I know it is my fault. . .Kasalanan ko.

"Sir, bakit parang siya pa ang sinisisi n'yo?" galit na tanong ni John na nakaupo sa tabi ko.

"Hindi ka naman gagalawin ng mga yon' kung maayos ang suot mo," dagdag pa ng isang pulis na kaharap din namin. Bumuntong hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin.

Palihim na lang ako'ng napatawa sa isip. Ako ang biktima pero ako pa ang masama.

Kaya nakakatakot, e. Siguro nga tama lang ang ginawa ko noon.

"Pero sir-"

Mabilis ko'ng hinawakan ang braso ni John ng akmang makikipagtalo pa ito sa mga pulis. Saglit itong tumingin sa akin bago umayos ng pagkakaupo. Halatang nagpipigil din siya ng galit at gusto pa ako'ng ipagtanggol. Alam ko'ng mas lalo lang kaming tatagal sa lugar na ito kung makikipag-talo pa siya.

"Pasensiya na po. . .pwede na po ba kaming umalis?" magalang na tanong ko.

"May mga dapat pa kaming itanong sa'yo Miss,"

Kahit na pagod dahil sa nangyari ay kalmado ako'ng sumagot sa mga itinanong ng pulis. Nanatili naman si John sa tabi ko, paminsan-minsan ay sumasabat siya lalo na kapag masasakit ang mga sinasabi ng pulis sa akin.

Para bang paulit-uit nitong sinasabi sa akin na ako ang may kasalanan kaya ginawa iyon ng mga kabataan sa akin. Kaya sa huli para matapos na lang ang lahat ay ako na nagpakumbaba. Nakakatawang isipin na ako dapat ang kampihan nila dahil ako ang biktima pero sa huli ay ako pa ang nasisi dahil sa pagsusuot ng sexy daw na damit.

"Pasensiya na po."

"Ayusin din kasi ang pananamit Miss, huwag pang-akit ang suotin para hindi ka mabastos. Problema sa inyong mga babae suot kayo ng suot ng mga sexy na damit pag nabastos naman e, galit na galit kayo."

Tumango lang ako hanggang sa makaalis na kaming dalawa ni John sa loob ng presinto. Halos tumakabo na ako palayo sa presinto ng makalabas kami.

"Sure ka okay ka lang?" pagod ako'ng ngumiti sa kaniya.

Mahigit isang oras din ang tinagal naming dalawa sa loob ng presinto. Hindi kasi nahuli ang mga kabataan kaya kailangan ko pang magbigay ng impormasyon. Kailangan ko'ng alalahanin ang mga mukha ng mga hayop na 'yon.

Sinubukan ko'ng ngumiti sa kaniya kahit na ramdam ko na ng sobra ang pagod. Masakit din ang katawan ko dahil sa pamumuwersa sa akin kanina, may ilang galos din ako'ng natamo sa binti at braso, siguradong bukas ay may mga pasa na rin ako. Mabuti at kulay itim ang suot ko'ng dress kaya hindi halata ang mga dumi doon.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon