Chapter 15

43 0 0
                                    

"Birthday"

. . .

["Tara billiards?"] hindi ko alam kung ano ba ang dapat na ireply sa message na galing kay Jerome.

Noong isang linggo lang simula ng lumabas kaming dalawa at tinuruan niya ulit ako'ng maglaro ng billiards ay naging sunod-sunod ang paglabas namin dahil nalilibang din naman ako ng sobra kapag kasama siya at ang mga barkada niya.

Nagkaro'n ako ng libangan tuwing hapon. Mas gusto ko rin namang maglibang kasiya ang magmukmok na mag-isa sa loob ng apartment. Umuuwi na nga lang ako ng apartment para matulog. Ang boring kasi kapag mag-isa. . . nakakainip.

["Sige."] sagot ko.

Alam ko'ng wala rin naman ako'ng gagawin mamayang hapon pagkatapos ng klase. Ayoko'ng umuwi sa apartment dahil mag-isa lang naman ako. Tinatamad din ako'ng mag-painting nitong mga nakaraang araw.

Siguro dahil walang inspiration?

Nang buksan ko ang messenger ay nagsunod-sunod ang pagtunog no'n, napabuntong hininga na lang ako bago isa-isahin ang mga message na galing sa barkada.

["Happy birthday Mayzee!"] si Jhoe, may kasunod pa ang message niya na medyo nakakaiyak at madrama.

["Happy birthday sis!"] halos magkatulad lang ang message na galing kina Marel, Kimmy at Ella. May kasama pang mga picture namin na sobrang pangit kung tignan, mukhang nag-effort pa talaga silang tatlo sa paghahalungkat ng mga old pictures ko sa kanilang facebook. Mahilig kasi kaming mag-groupie dati.

["Hbd!"] kahit papaano ay natawa ako sa message ni Valerie. Nakakahiya naman sa keyboard niya na mukhang mamahalin at bawal mag-type ng madami.

["Happy birthday sis! More boys and alaks to come! Be loyal ka na! Huhuhu #22"] nakakatawang pagbati ni Lena. May mga picture rin siyang nilagay pero maayos naman lahat ng 'yon. Yun' nga lang halos lahat ay may kasama at katabi kaming alak. Napaghahalataan tuloy.

Tahimik ko'ng isinilid muli ang cellphone sa aking bag, muli ako'ng bumuntong hininga bago tumingin sa altar. Alas otso palang ng umaga at wala kaming klase sa oras na ito ngayong araw pero maaga parin ako'ng nag-gayak at nagbihis para dumaan sa simbahan.

Ewan ko ba, nababaliw na ata ako dahil ilang linggo na rin ako'ng mag-isa sa malawak na apartment ni Benj. Wala naman ako'ng kasalanan sa kaniya diba? Bakit hindi siya nagpaparamdam?

Hindi ko tuloy magawang mag-reply para magpasalamat sa mga kaibigan na bumati sa akin. Hindi ko kayang ipagpasalamat ang taon na ibinigay sa akin. Imbes na maging masaya ay mas lamang ang lungkot at takot na nararamdaman ko. Hindi ko magawang maging masaya sa araw na halos isumpa ko.

Ang hirap talagang makalimot. . .Ilang beses ko namang sinubukan ah?

"Ang tagal naman. . ." tahimik ko'ng inilublob sa malamig na agos ng tubig ang kamay ko. Wala sa sariling napangiti pa ako ng makita ang sariling repleksyon sa tubig. Ang ganda ganda ko ngayong araw!

Mas lumiwanag ang kulay ko dahil sa puting bestida na suot. Hanggang tuhod lang ang haba no'n at walang manggas sa itaas dahilan para hindi ako maging lubos na komportable. Nakabuhaghag ang mahaba ko'ng buhok sa aking balikat ayoko kasing itaas dahil siguradong magiging lantad ng masiyado ang aking balat.

Bago sa akin ang pag-susuot ng ganitong damit, medyo naiilang pa ako kanina habang naglalakad papunta dito sa ilog pero dahil sa sobrang excited ko ay hindi ko yon' pinag-tuunan pa ng pansin.

Masiyado ka kasing excited Mayzee!

"Magkita ulit tayo dito."

Iyon ang sinabi ni Benj habang abala ako sa pag-aayos ng pinipinta sa maliit na canvas sa tabi ng ilog. Halos iyon' ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko bago sumapit ang mismong araw ng kaarawan ko. Halos hindi ako makatulog dahil sa sobrang excited. Pero himalang maaga ako'ng nagising kinabukasan, nagmamadaling pumasok sa school dahil excited din sa pag-uwi.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon