"Break"
. . .
"Let's have a date."
"Talaga? Kailan?" excited na tanong ko nang matapos sa pag-aayos ng kwelyo niya.
Yumakap sa bewang ko ang kaniyang dalawang braso habang nakatuon naman sa dibdib niya ang mga kamay ko.
"Pagkabalik ko galing sa seminar," bulong niya. Pagkatapos ay inilagay niya ang dalawang kamay ko sa kaniyang leeg.
"E' di umalis ka na pala!"
Bahagya ko siyang itinulak pero para siyang bato, hindi 'man lang nagalaw sa pagkakatayo. Sumimangot siya habang nakatingin sa akin.
"I want to be with you more."
"Umalis ka na, para mabilis kang makabalik," pagbibiro ko. "Excited na ako sa date natin e'."
Ngumisi siya bago sumubsob sa leeg ko. Tumawa naman ako at mas lalo pang yumakap sa kaniya.
"I have to tell something. . ."
"Ano naman?" nagtatakang tanong ko.
"Sa date ko na sasabihin." Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. "Be ready. . ."
"Ang daya naman!"
Tumawa ulit siya at hindi na ako pinansin. Matagal siyang nakayakap sa akin hanggang sa itulak ko na siya palayo.
"Mala-late ka na!" nasa Laguna kasi kami kaya medyo matagal bago siya makarating sa Manila. Umuwi kami nung isang-araw para bumisita at mag-relax sa ilog. Doon kami natulog ng dalawang araw. Umuwi lang dito para mag-gayak sa seminar niya.
"I will miss you. . ."
Ako din. Mamimiss ko rin naman siya pero kailangan siya sa trabaho. Hindi naman pwede na sumama ako sa kaniya.
"Umalis ka na. Para pag-balik mo magda-date na tayo!"
Bumuntong hininga siya bago tumango. Kinuha ko ang bag niya at inabot iyo'n sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kaniya ng magsimula na siyang kumilos. Parang ayaw kong alisin ang mga mata sa kaniya.
"Mag-iingat ka ha!" mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Okay boss. . ." tumatawa pa niyang sabi. Tumitig siya sa akin ng matagal kaya naman natawa ako.
"Ba-bye na kasi! Baka matunaw na ako e," pagbibiro ko.
Ngumisi siya. "Bye, take care. I'll call you later," pagbibilin pa nito bago tuluyang paandarin ang kotse niya paalis.
Matagal akong nasa labas ng bahay ni Tita. Natulala ako sa kotse niya hanggang sa hindi ko na ito matanaw. Mabigat ang paginga ko. . . hindi ko alam kung bakit.
Bumuntong hininga ako bago magpasyang pumasok sa loob ng bahay. Naligo ako at nagbihis para umalis. Matagal pa akong nag-isip bago magpasya na i-lock ang bahay at sumakay sa trycicle paalis.
Nasa byahe pa lang pero grabe na ang kaba ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong gawin pero pakiramdam ko ay kailangan. Ayaw ko ng matakot sa kaniya.
"I'm surprised that you can actually date me now."
May pang-aasar sa kaniyang boses kaya kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa ring umirap. Nakangisi siya sa akin habang titig na titig. Mabuti na lang at madaming tao sa paligid. Pinili ko talaga ang lugar na ito dahil madaming tao. Ayaw kong makasama siya na kaming dalawa lang.
"Huwag na tayong maglokohan D-Drake. Alam mo ang dahilan kung bakit ako 'andito."
Tumawa siya lalo. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa pagtawa at boses niya. Pakiramdam ko ay hindi naman siya seryoso habang nakikinig sa akin. Pakiramdam ko ay inaasar niya lang ako at iniinis.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...