Chapter 29

33 0 0
                                    

Read at your own risk!

"In love"

. . . 

"Congratulations!" 

Natawa na lang ako ng halos hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya iyong sinabi simula ng magkita kami sa tapat ng gate ng University hanggang sa 'andito na kaming dalawa sa isang mamahaling restaurant. 

"Kanina ka pa ah?" 

Proud na proud 'ata siya sa akin. Lumalaki tuloy ang ulo ko dahil kanina pa tumitingin ang ibang tao sa amin dahil sa paulit-ulit na pagbati niya. Mukha ngang mas masaya pa siya kaysa sa akin. 

Nakaka-pround din tuloy kasi ang supportive niyang masyado. Nawala na rin ang lungkot ko dahil kanina niya pa ako pinasasaya. Okay rin kahit na wala akong kaibigan at pamilya ngayon dahil nand'yan naman siya. 

He's always . . . He's the only one but I feel like I'm too complete.

Siguro ay siya na ngang talaga.  Hindi ko rin naman naiisip ang sarili ko na may iba pang makakasama na lalaki bukod sa kaniya. At hindi ko rin kaya na isipin na siya naman ang may ibang kasama na babae. 

Ayoko no'n!

Siguro ganoon talaga kapag mahal na mahal mo na ang isang tao, hindi mo kayang isipin na may baka bukas, sa isang araw o sa isang taon ay may iba na syang kasama at hindi ikaw. Mahirap. Lalo kapag nakasanayan mo na at kapag naka-depende ka na sa kaniya. 

"Punta tayo bukas kina Mama ha?" 

"Sure." 

I smiled at him and continued to eat. When we finished we went straight to the apartment too. We have to dress up to attend a party. Benj could go there so I'll take him with me!

Sayang at wala ang barkada katulad noong nag-graduate sina Valerie, masaya sana kung kahit sa party man lang ay 'andon sila. 

Pero naiintindihan ko naman, siguro kung ako ang nasa kalagayan nila ay baka mas uunahin ko nga ang trabaho. Ganoon naman talaga, dapat lang na mas unahin nila ang pangarap. Naiintindihan ko.

Hindi dapat ako magtampo at magalit na hindi man lang nila nagawang bumisita ngayong araw ng graduation ko. Dapat lang na isipin kong iba na ngayon ang mga buhay namin. Iba na ngayon. . . dahil hindi na kami mga estudyante, may kanya-kanya na silang responsibilidad sa pamilya nila. At dapat nilang pag-igihan ang trabaho dahil pangarap nila 'yon.

"Okay ka na?" Kakalabas lang ni Benj sa banyo ng salubungin ko siya at hilahin palapit sa tabi ng kama. Pinaupo ko siya doon para tulungan siya sa pagtutuyo ng kaniyang buhok.

Nakatayo ako sa harap niya habang siya naman ay nakapikit habang pinupunasan ko ng towel ang buhok niya.

"Are you done?" saglit na nagmulat siya para pasadahan ng tingin ang suot ko. 

Isang black backless dress ang suot ko at hanggang hita ang haba no'n dahil hindi naman ako sanay na magsuot ng dress na mas hahaba pa doon. Ayaw ko rin naman magsuot ng pantalon dahil sa palagay ko ay hindi babagay ang ganoon sa venue. 

"Okay na ako. Bagay ba?" paninigurado ko, umikot pa sa harap niya para mas lalo niyang makita ang suot ko. Tumaas ng bahagya ang kilay nya.

"I'll wear a black too. . ." iyo'n lang ang sinabi niya, hindi man lang nagkomento sa suot ko.

Tumango ako sa kaniya at nangingiting pinagpatuloy ang pagtutuyo sa buhok niya. Nakasuot na siya ng pantalon na pang-ibaba pero sa itaas ay nakalantad pa. Wala pa siyang suot na tee-shirt.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon