Chapter 41

45 2 0
                                    

"Look"

. . .

Mabilis akong bumangon sa kama. Pinalibot ko ang mata sa paligid. Wala na ang ulan katulad ng gabi. Wala na ako sa gubat. Malambot at malawak ang kamang hinihigian ko. May benda na rin ang ulo ko at nararamdaman ko pa ang konting kirot doon.

Iba na rin ang suot ko. Isang pantulog na pandyama at tee-shirt lang na puti. Ayos na rin para sa akin. Ngayong mag-isa ako sa loob ng kwarto ay t'saka ako nakapag isip isip.

Malinaw sa akin ang nangyari kagabi. Pero hindi kagaya kagabi maayos na ang isip ko ngayon. Nagsisi kaagad ako kung bakit ba sumama ako sa kaniya! Bakit kusang akong sumama gayong p'wede pa naman akong tumakas!

Asan ang pusa ko? Bumangon ako sa kama, nagbabakasakaling makikita ko ang pusa sa sahig at ilalim ng kama pero wala! Wala ang pusa ko!

Nawalan ako ng malay kagabi! Nang tinanggap ko ang kamay niya hindi ko na alam kung paano kami nagkarating dito. Hindi ko rin alam kung dinala niya ba ang pusa o iniwan lang sa dalampasigan!

Naluha kaagad ako sa naisip. Iniwan niya ang pusa ko? Ganoon ba siya kagalit sa akin? Kitang kita naman sa pagtitig niya kagabi na galit nga siya sa akin.

Kung hindi siguro ako lasing ay baka nagtatakbo na ako kagabi ng makita ko siya. Ngayong malinaw na ako at walang tama ng alak ay t'saka ko lang naiisip na dapat nga iyo'n ang ginawa ko!

Dapat hindi ako sumama. Dapat tumakbo ako. Dapat lumayo kaagad ako ng makita ko siya. Dapat nagtago ako!

Kinalma ko ang sarili. Sumilip ako sa labas ng bintana, t'saka ko lang napansin na nasa resort ako! Isa itong kwarto sa inuupahan ng mga turista!

Tanaw na tanaw ang dalampasigan. Walang nagkalat na tao dahil kakatapos lang ng bagyo. Malakas parin ang alon dahil malawak ang nasasakop noon sa dalampasigan. Hindi na pumapatak ang ulan pero malakas pa rin ang hangin.

Nasa resort ako kaya sigurado akong nandito si Manang! Sigurado rin ako na nandito si Benj! Imposible naman na umalis kaagad siya dahil malakas pa ang alon sa dagat. Ayaw ko siyang makita!

Wala na ang tama ng alak sa akin. Kung makikita ko siya ngayon. . . hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka matakot lang ako sa kaniya! Baka magwala lang ako. Baka kung anong magawa ko.

Nataranta na kaagad ako sa naisip. Wala akong ibang pwedeng puntahan dito sa isla. Sigurado namang makikita niya rin ako kahit saan ako pumunta. Pero kung makikita ko naman siya ngayon anong gagawin ko?

H-Hindi ko kayang humarap sa kaniya. . .

Natataranta man at kabado. Binuksan ko ang pinto ng kwarto. Pasalamat na lang ako at hindi naman naka-lock ang pinto. Sinalubong kaagad ako ng hangin. Walang tao sa labas kaya nagmamadali rin akong naglakad. Malawak ang hallway at parang beranda na daan para tuluyang makalabas. Doon ako dumaan dahil wala namang ibang daan palabas sa parteng ito ng resort.

Nakayuko habang naglalakad. Nagiisip kung saan ba ako pupunta? Hindi na pwede sa gubat dahil sirang sira na ang bahay doon. Si Manang naman kung nandito siya sa resort hindi ako pwedeng pumunta sa bahay niya.

Malakas pa ang alon sa dagat. Kung magpapahatid ako sa ibang isla. . . delikado. Pero kung hindi ako aalis, magkikita kami ni Benj!

Hindi rin ako sigurado kung may papayag ba'ng ihatid ako sa kabilang isla. Gayong masama pa ang panahon. At hindi rin ako sigurado kung anong gagawin ko sa kabilang isla! Hindi pa ako nakapunta roon! Wala akong kilala.

Siguradong mahihirapan ako. . . pero ayaw kong makita si Benj!

Abala ako sa pag-iisip ng plano. Dire-diretso ang lakad ko kahit na hindi nakatingin. Hindi ko napansin na may kasalubong ako.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon