"House"
. . .
"Easy. . ." hindi ko alam kung lasing na ba ako o ano. Sabik na sabik ako sa iniinom.
Inirapan ko si Benj at muling uminom sa bote na hawak ko. Malalim na ang gabi. Medyo malamig na rin pero dahil sa alak ay hindi ko masyadong iniinda iyo'n.
May hawak rin siyang bote pero halos hindi pa nangangalahati ang laman no'n. Pareho kaming nakaharap sa dalampasigan dito sa beranda sa labas ng kwarto naming dalawa.
Kampante naman ako na walang ibang dadaan na tao dito dahil halos kwarto lang namin ni Benj ang nasa bandang ito.
Natatanaw ang mga turista sa dalampasigan. Naririnig ang kaonting music dahil may nagaganap na party doon. Nagsasayawan sila habang nakapalibot sa bonfire. Kanina masyadong malakas ang music at ang ingay pero habang lumalalim ang gabi ay nabawasan na rin iyo'n.
Nang mag-ayang uminom si Benj kanina ay hindi ako tumanggi. Nasasaktan pa rin ako kapag napapansin ko na ibang iba na talaga kami sa dati. Alam ko hindi naman maibabalik iyo'ng dating kami. Siguro iyo'ng set-up pwedeng ibalik pero iyo'ng nararamdaman niya hindi na 'ata.
Ayaw ko rin naman na bumalik nga kami sa dating kami. Hindi ako karapat dapat sa kaniya. Noon nga na medyo okay ako hindi na talaga pwede, ngayon pa kaya.
Hindi ko gustong bumalik kami pero naiinis ako kasi sobrang unfair ng mundo! Kahit na galit ako sa kaniya ay hindi niya nararamdaman iyo'n dahil ayaw kong sabihin. Kahit na gusto ko siyang sampalin ay hindi ko magawa.
Mahal ko pa rin siya. Pero siya. . . hindi ko alam. Parang naawa lang talaga siya sa akin.
Alam ko naman na matatapos din ito. Baka bukas o sa isang araw o kaya sa isang buwan. Oras na malaman niya lahat siguradong aalis na naman siya.
Matanda na kaming pareho. Late thirties na siya. . . ako naman thirty plus na rin. Maglolokohan pa ba kaming dalawa? Mahal ko siya, kung hindi niya ako mahal wala na dapat sakin iyo'n pero. . .
Itong mga ginagawa niya. . . para saan 'to? Awa na lang ba talaga? Guilty lang siya?
Tangina! Bakit pa ako nag-e-expect? Ang kapal naman ng mukha ko na mahalin pa siya! Ang kapal ko naman para maramdaman lahat ng 'to!
Ayaw kong isipin na mahal niya ako pero. . . ayaw ko ring isipin na naaawa lang siya sa akin!
Naguguluhan talaga ako. Noong una ayos lang sa akin na galit siya at maghihiganti. Pero ng nalaman kong wala naman pala siyang alam gumulo na ang isip ko!
Parang gusto kong mahal niya pa ako. Kahit na alam kong iiwan din naman niya ako. Parang gusto kong sulitin ang mga oras na na'ndito pa siya. Hindi niya pa alam. Parang gusto kong kahit na konting oras lang. . . ibibigay ko na sa kaniya ang lahat.
Kahit na masaktan ulit ako sa huli, okay lang. Kahit na maubos ako at wala na talagang matira ay okay lang.
Wala na akong ibang lalaki na mamahalin. Wala naman ng mawawala sa akin. Masasaktan lang ako kapag umalis ulit siya. Mag-iisa lang ulit ako kapag nalaman na niya pero naranasan ko naman na lahat ng iyo'n. Lahat 'ata ng sakit naranasan ko na.
Babalik lang ulit ako sa dati. Siguro. Kapag hindi nalaman ni Drake na na'ndito ako, babalik ako sa dati. Magpipinta. Magiinom. Mag-isa. Mananaginip. Iiyak.
Pero kung nalaman ni Drake kung nasaan ako. Bahala na. Baka magpakamatay na lang talaga ako kaysa ang maranasan na naman ang mapasa kaniya.
Atleast, naranasan ko ulit na makasama si Benj. Wala akong pagsisisi kasi kahit na sa huling pagkakataon sumaya ako. Mararanasan kong mahalin ulit si Benj.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...