Chapter 12

41 1 0
                                    

"Realized"

. . .

"Tawagan mo kami palagi ha? Alagaan mo ang sarili mo dito, kapag may problema tawagan mo lang ako o kaya si Mark. Kumain ka sa tamang oras, wag na wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan ha?"

Natawa na lang ako sa sunod-sunod na paalala ni Tita. Kanina pa siya paulit-ulit, nasa bahay palang kami pero sobrang dami na niyang paalala sa akin. Hinayaan ko na lang dahil baka magbago pa ang isip niya, mamaya bigla siyang magalit sa akin tapos pilitin ako'ng isama.

Ngayon kasi ang flight nilang dalawa ni Mark papunta sa abroad, hindi ko alam pero masaya ako na makakasama na nila si Tito. Matagal na rin kasi simula ng umuwi si Tito dito sa Pilipinas, sigurado ako'ng miss na miss na 'yon ni Tita.

"Huwag kang iinom ng sobra kapag wala kang kasama ha? Huwag kang maglalakad ng mag-isa sa madilim, uso ang mga abusado ngayo--"

"Opo Tita, alam ko na po ang gagawin," pinutol ko na ang kaniyang sasabihin.

Narinig ko naman ang sabay na pagtawa nina Mark na nasa likod lang ni Tita habang hawak ang mga bagahe nila at sa likod ko naman ay si Benj na naghatid sa amin dito.

"Alam ko, pinapaalala ko lang. . ." saglit pa na tumitig sa akin si Tita. Mukhang hindi na siya nakatiis kaya lumapit na para tuluyan ako'ng yakapin. Kaagad naman ako'ng gumanti dahil sigurado ako na matagal din kaming hindi magkikita. "Mag-iingat ka ha," bulong ulit nito.

"Opo naman," sinubukan ko'ng huwag maging emosyonal sa pag-alis nila. Dinaan ko na lang sa pagtawa ang mga paulit-ulit na paalala ni Tita. Aaminin ko sa sarili ko na kampante ako'ng aalis na sila dahil wala na ako'ng dapat abalahin kundi ang sarili ko.

Nang humiwalay sa yakap si Tita ay kay Benj naman siya lumapit, hinila pa niya ito sa medyo malayo kaya natawa ako. Gusto ko sana silang sundan pero lumapit naman sa akin si Mark.

"Mag-iingat ka dito ha, ayaw mo kasing sumama sa amin,e ," yumakap din siya sa akin. Tinawanan ko lang ang sinabi niya, pagkatapos ay yumakap rin sa kaniya pabalik. Hindi man kami palaging nag-uusap ng pinsan ko pero parang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa.

Naalala ko noon na kahit sobrang pabigat ko na sa kanilang dalawa ni Tita at halos ako na lang palagi ang inaasikaso ng Mama niya ay wala ako'ng narinig kahit isang reklamo mula sa kaniya.

"Alagaan mo si Tita ha?"

"Syempre naman! Andon naman si Papa e, sigurado ako'ng kay Papa palang alagang-alaga na si Mama."

Saglit pa kaming nagbiruan tungkol sa mga pagkabata namin, natigil lang ng lumapit na sa amin si Tita at Benj. Seryoso si Benj habang si Tita naman ay nakangiting lumapit na kay Mark. Sakto rin naman na tinawag na ang flight nila, naiiyak na ako pero pinigilan ko lang. Sigurado kasing maiiyak din si Tita hanggang sa makasakay na sila ng eroplano, ayoko naman na namamaga ang mata niya kapag nakita na siya ni Tito.

"Ingat po," si Benj.

"Mag-iingat din kayo sa pag-uwe," si Tita.

Kumaway ako sa kanila ng magsimula na silang maglakad palayo. Nanatili naman si Benj sa tabi ko, umakbay pa ang isa niyang kamay sa balikat ko hanggang sa pareho na naming hindi matanaw sina Tita. Ilang saglit pa ako'ng nanatiling nakatingin sa dinaanan nila, naiisip ko kung maganda bang sumama na lang ako sa kanila?

Sumulyap ako kay Benj na nanatiling nakatanaw parin sa dinaanan nina Tita, kahit na ilang minuto na namang hindi sila nakikita. Ano kayang pinag-usapan nila ni Tita? Tungkol ba sa akin?

"Let's go?" nakatingin na rin pala siya sa akin. Napakurap pa ako para matauhan, tumawa naman siya kaya tumango na lang ako.

"Let's go. . ."

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon