Read at Your Own Risk
"Chase"
. . .
Wala sa sariling naibagsak ko ang hawak na pintura dahilan para tumalsik ang ilan no'n sa aking kamay at pantalon. Pamamanhid at panginginig kaagad ng mga daliri ang aking naramdaman habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil titig na titig siya sa akin.
Bakit mapaglaro ang tadhana?
Nagtaka ako. Dahil imbis na galit ang makita ay lungkot at gulat ang nasa kaniyang mga mata. Nakakaiyak na nakakatakot. Wala ang saya at kaba dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman katulad ng nasa mga panaginip ko. . . bakit halos takot lang ang natira?
"Ineng? Bakit mo naman binitawan itong pintura?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Manang. Hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat unang gagawin. Tatakbo? O magtatago?
Nawala ang pakialam ko kung nasayang at naibubo ko lang ba ang pinturang gagamitin sana sa pag-pipinta. Siguro kahit ikaltas nila sa sweldo ko ay okay lang sa akin. Ang mahalaga ay makaalis lang kaagad ako dito.
Tila pareho kaming hindi makapaniwala na magkikita pang muli. Kung sabagay, matagal na akong pinatay. Mas lalo tuloy lumalala ang reaksyon ng katawan ko ng makita ko ang pagdaan ng mga mata niya sa kabuuan ko. Ramdam kong kasabay ng panginginig ay sumisikip na rin ang paghinga ko.
Bakit nandito siya? Kukuhain ba niya ako? Sasaktan?
Ayoko. . .
Lumayo na ako diba? Bakit nandito siya? Hindi. . . ayoko na! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ang muling makuha niya. Gusto kong pigilan ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano pero siguro dahil sa presensya niya ay hindi ko 'iyon mapigilan.
"Ineng? Okay ka lang ba?" saglit akong lumingon kay Manang. Mukhang napansin niya na hindi ako okay. . . natatakot ako.
"Mayzee. . ." naglakad palapit sa akin ang lalaki kaya kaagad namang umatras ang katawan ko dahil sa takot. Napatigil siya at nagtatakang tumitig sa akin.
Mayzee?
"Aba eh' kakilala mo ba siya?" tanong ni Manang sa lalaki.
Pareho kaming hindi sumagot, mukhang nagtaka naman si Manang ng makitang malalim ang paghinga ko. . .Hindi na ako makahinga! Pilit kong pinapakalma ang sarili pero pilit bumabalik ang mga ala-alang kinakatakutan ko.
Ang mga nakakatakot na panaginip na ayaw magpatulog sa akin tuwing gabi.
"Ay Ineng okay ka lang ba?" Lumapit sa akin si Manang kaya kaagad kong iwinaksi ang kamay ko. Mas lalo akong nanginig. . .
Huwag kayong lumapit! Ayokong may lumapit sa akin. Gusto kong sumigaw pero hindi ko naman magawa.
"Ineng ako to', inaatake ka na naman ba?" hindi na nagtangka pang lumapit sa akin si Manang.
Sanay na siya sa kondisyon ko kaya alam kong alam na niya na hindi ako okay ngayon. Sa ilang taon ba naman na pananatili ko dito ay siya ang tumitingin sa akin.
"O-Okay lang po," sagot ko bago nagbaba ng tingin sa pinturang naibagsak ko.
Kulay pula iyo'n. . . nagkalat sa sahig na sobrang puti at parang dugo. . .Mariin akong pumikit bago bumuntong hininga.
"Babalik nalang po ako bukas!" paalam ko bago nagmamadaling umalis sa lugar na iyo'n.
"Ineng!" narinig ko pa ang tarantang sigaw ni Manang pero mabilis na akong tumakbo palayo.
BINABASA MO ANG
No One Know (No One Series #III)
RomanceWARNING! The following content may contain depressing thoughts, suicides or self-harm, traumatic flashback, anxiety attack, and any other negative thoughts that can trigger you. READ AT YOUR OWN RISK... No One Series 101 Again... it's Mayzee. At fir...