Chapter 14

49 1 0
                                    

"Boys"

. . .

[Kamusta ka na?] kaagad ko'ng isinend ang message na para kay Benj.

Ilang araw na siya sa Manila pero ito ang unang beses na nag-text ako sa kaniya. Hindi rin kasi niya nagawang tumawag nitong mga nagdaang araw. Medyo nag-aalala na ako at kung hindi ko lang nakita na may naka-tag na picture sa kaniya kahapon ay tatawagan ko na sana siya kagabi. Mukhang nasa meeting sila sa unang picture sa pangalawa naman ay nasa party na at kasama niya ulit iyong' Samantha.

Uminom ako sa milkshake habang kumakagat sa paubos ng japanese cake habang naghihintay sa reply ni Benj. Tamad ako'ng nag-scroll sa facebook at nag-like ng mga pictures ng ibang kakilala.

Wala pa rin siyang reply.

"Pwedeng maki-upo?" nag-angat ako ng tingin sa dalawang babae na kaklase ko ata.

Andito ako ngayon sa loob ng cafeteria, mukhang sa loob ng dalawang taon ay nag-improve ng sobra ang mga canteen dito sa loob ng University, mas lumawak kasi at dumami ang itinitinda.

Saglit ko silang pinasadahan ng tingin. Patapos na naman ako'ng kumain kaya tumango na lang ako sa kanilang dalawa.

"Mayzee diba?" kaagad na pangungulit ng isa, hindi ko matandaan kung ano ba ang kanilang pangalan basta nakikita ko sila sa loob ng classroom.

"Bakit ang tahimik mo?" pagtatanong din ng isa.

Naki-upo ba sila dito para mang-interview?

Naubos na ang pagkain ko kaya kaagad din ako'ng tumayo para iwan sila. Ayoko'ng makipag-usap sa kanila dahil halata naman na gusto nilang makipag-close. Ang kaso ay wala naman ako'ng gana. . . nawalan na ata ako ng ganang makipag-kaibigan.

"Ang sungit. . ."

"Totoo nga sabi nila ang arte. . ." narinig ko'ng bulong nila pero hindi ko na lang pinansin. Nakumpirma ko rin na kaklase ko nga silang dalawa dahil sa kanilang mga reaksyon.

Tahimik ako'ng naglakad sa hallway para pumunta sa next subject namin. Mukhang maaga pa naman ako dahil wala pang masiyadong tao ng dumating ako halos puro lalaki lang. Mukhang abala silang lahat sa pag-lalaro ng cellphone pero ng dumating ako ay mabilis silang tumahimik.

Parang mga gago!

Kaagad ko'ng pinaypayan ang sarili ng maka-upo na sa pwesto ko. Pasimple pa ako'ng sumilip sa cellphone, napanguso ng makitang wala paring reply galing kay Benj.

Masiyado ba siyang busy?

Halos labing limang minuto rin kaming nakatulala sa loob ng classroom, unti-unting dumadating ang iba naming kaklase hanggang sa pumasok na rin ang prof. nagdiscuss lang ng kaunti pagkatapos ay nagpagawa na ng activity.

"Baka may kakilala ka sa mga graduating? Balita ko ay ka-batch mo dapat ang mga 'yon diba?"

Kaagad ako'ng napaiwas dahil sa tanong ni Luis, ka-grupo ko siya sa isang activity namin. First week palang ng pasukan pero nakaka-stress na kaagad. Ang daming pinagagawa ng mga prof. Nahihirapan ako'ng mag-adjust. Naka-ilang quiz na kaagad kami pero mababa lahat ng score na nakukuha ko.

"Hindi ko naman sila ka-close," sabi ko na lang habang patuloy ang pagbabasa sa aking notes.

"Sabagay masama kasi ugali mo. . ." narinig ko'ng bulong nito.

Hindi ko na siya pinansin dahil abala ako sa pagbabasa. May quiz kasi kami sa isang major at kasunod na yon' nitong subject na 'to. Nakapag-review na naman ako pero mukhang hindi pa rin sapat.

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon