Chapter 9

37 1 0
                                    

"Drunk"

. . .

"Hoy ang daya n'yo!" sigaw ni Kimmy sabay tawa. Mukhang lasing na ang gaga kahit na ala-syete pa lang naman.

Madilim na ang langit medyo malamig na rin ang hangin mabuti at maganda naman ang panahon. Wala pa namang bubong itong garden ni Lena, siguradong basa kaming lahat kapag bumuhos ang ulan.

"Nahihilo na ako," reklamo ni Jhoe sabay sandal sa balikat ni Ella.

Natatawang nagtinginan kami ni Lena bago sabay na ininom ang laman ng baso namin. Mukhang kanina niya pa gustong pumunta sa ibang table, ang kaso ay pareho naman naming hindi maiwan itong lima.

"Ang aga pa! Lasing na agad," si Marel.

"Mahina pala 'yan e!" pang-aasar ni Valerie, kahit na pati naman siya ay halatang may tama na rin ng alak.

"Kapag lasing na silang lima, punta tayo sa ibang table," natatawang bulong ni Lena sa akin.

"Sige," sang-ayon ko naman.

Sigurado kasi ako'ng sa dami ng alak na nasa ibabaw ng mesa namin ay paniguradong maya-maya lang ay tumba na itong mga 'to. Alam na alam na naming dalawa ni Lena kung gaano kadaming alak ang kaya ng mga kaibigan namin. Paminsan-minsan ay may pumupunta sa table namin para mag-abot ng tagay, pero dahil medyo lasing na ang lima ay kaming dalawa na lang ni Lena ang tumatanggap.

Halos kaming dalawa lang din ni Lena ang nag-kwekwentuhan dahil mukhang may problema si Valerie kaya dinadaan na lang sa pag-inom ng alak. Yung apat naman mukhang patulog na kahit nasa lamesa pa kami.

Maliban sa tungkol sa school ay hindi mawawalan ng tungkol sa lalaki ang mga kwento ni Lena. Natatawa tuloy ako dahil pinipilit niyang may boyfriend daw siyang nasa Maynila. Hindi pa daw sila nagkikita sa personal pero pinapadalhan naman daw siya ng pera.

"Ano? Sugar daddy mo?" natatawang sabi ko dahil parang gano'n kasi yung dating, ang kaibahan lang wala sa ibang bansa yung sugar daddy niya.

"Hindi naman, mabait at mayaman lang 'yon kaya pinadadalhan ako ng pera, monthly!" nakanguso pa siya ng sabihin 'yon. Hindi ko tuloy maiwasang humagalpak ng tawa dahil ayaw niyang tanggapin na sugar daddy nga niya 'yung sinasabi niyang boyfriend niya.

At talagang buwan-buwan kung padalhan siya ng pera ha?

"Ewan ko sa'yo!" natahimik kami pero pagkatapos ng pagtawa. Nakatitig kami pareho sa limang kasama namin na nakasubsob na ang mga mukha sa lamesa. Hindi namin alam kung kailan pa sila tulog sa lamesa.

"Ihahatid na natin sa kwarto 'yan?" pagtatanong ni Lena sabay tungga sa kaniyang baso.

"Maya-maya naman, hayaan muna natin," natawa ulit ako ng muntikang mahulog ang mukha ni Marel sa lamesa, mukhang naalimpungatan naman ito kaya hindi tuluyang nahulog sa lamesa. Bumalik pa 'to sa pagkakasubsob at muling natulog.

"Wasted ang mga gaga," umiling-iling pa si Lena. Natahimik ulit kaming pareho.

"Kumusta kayo ng parents mo?" sabay lingon ko sa kaniya, mukha naman siyang nagulat pero kalaunan ay bumuntong hininga rin. Uminom ulit siya sa kaniyang baso kaya uminom rin ako.

"Ganun pa rin. . ." panimula niya.

"Paano'ng gano'n pa rin?"

"Hindi na sila ang nag-papaaral sa akin," kahit na nabigla dahil sa sinabi niya ay hindi ako nag-salita. Ilang segundo siyang natahimik mukhang pinag-iisipang mabuti ang dapat na sabihin bago muling magsalita. "Lumayas na ako sa amin, syempre nabili ko na tong' bahay na to' sa kanila," tumawa pa siya. "Ako na lang mag-isa ang bumubuhay sa sarili ko, okay lang naman ako." Tumungga ulit siya ng alak. "Malapit na ako'ng matapos at kapag nakapag-tapos ako ng pag-aaral patutunayan ko na kaya ko kahit wala sila. Mabibili ko ang mga luho ko kahit na wala silang kahit na Ano'ng ibinibigay sa akin."

No One Know (No One Series #III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon