Knowing

180 4 0
                                    

Hi Ate Hopya. Kailangan ko ng tulong mo. 4 years na kami ng boyfriend ko at pakiramdam ko na nawawala na ang pagmamahal nya sakin. Dahil ba yun sa palagi nalang kaming nagkikita or nagsasawa na sya sakin? Hindi ko talaga alam ate kung ano ang dahilan. Madalas nanlalamig na sya sakin. Iba na yung mga galaw nya kapag kasama ako. Marami na ulit syang katext na babae. Isang beses nga nakita na may katext syang babae tapos sinabihan sya ng I love you tapos nag i love you too sya sa babae. Sinita ko sya pero sya pa ang nagalit sakin. Sabi nya ano daw ang masama dun, hindi lang daw naman ako ang dapat sinasabihan ng I love you. Masyado daw akong selosa. Putapeteng ineng naman yun! Sino ba naman ang hindi magseselos kapag merong ibang babae na ina-i love you-han yung boyfriend mo diba? -Elliane

Hi rin Elliane

Alam naman natin na hindi biro ang 4 years hindi ba? Marami na kayong pinagdaanan na sa sobrang dami eh feeling nyo na halos lahat napagdaanan nyo na. Believe it or not, makakabuti rin sa isang relasyon ang hindi nagkikita paminsan-minsan. Yung kailangan nagpapamiss din kayo sa isat-isa. Yung tungkol sa text? Yan ang problema sa mga text na yan eh. Kahit ako magseselos sa ganun lalo na kapag ganun ang sinagot nya sakin? Na kung ako lang ba ang babae na dapat sinasabihan ng I love you? Teh, bad news, gising na ha? Kung ganyan kang pagsalitaan ng boyfriend mo eh sana makaramdam ka na merong mali sa relasyon nyo. Kung sa tingin nya eh hindi lang sa isang babae nag-a-i love you edi sana nagshota pa sya ng isa pa para hindi lang ikaw ang sinasabihan nya ng i love you. Mali yun eh. Kausapin mo sya, tanungin mo sya kung anong nangyayari sa inyo. Alam mo nasasasayo rin yan eh. Mahal mo sya pero dapat alam mo rin kung kailan kailangan huminto. Wag mong iisipin na hindi mo kayang mawala sya sayo, mas masakit ang maloko kesa maiwan. Tandaan mo yan. Stay strong. Always ask for God's guidance. Hindi ka nya iiwan.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon