Love has no distance.

199 4 0
                                    

Hi Hopya,

Diba sabi nila action speaks louder than words? Eh bakit minsan po ang action ay hindi napapansin, minsan kailangan pang sabihin. In short, bakit po maraming manhid? Yung girlfriend ko kasi eh, mahal ko naman sya, ginawa ko ang lahat pero bakit iiwan niya pa rin ako? Bakit hindi niya kayang manatili sa piling ko? Hindi naman ako masamang tao, lahat naman ng ways para lang maiparamdam ko sa kanya na mahal ko sya ay ginawa ko pero iiwan niya pa rin ako. :(((( Ang sakit lang kasi eh. Ginugol ko ang oras ko, pera ko at buhay ko para lang mapasaya siya. Pero iiwan niya pa rin ako. Bakit ba kasi ganun? Sabi niya kasi sa ibang bansa na daw sya mag-aaral kasi kinukuha na sya ng parents niya. Hindi niya ba pwedeng tanggihan yun para sa pagmamahalan namin? Ang sakit kasi eh! Sa lahat ng bagay sya ang inuna ko pero bakit pagdating sa kanya merong ibang nangunguna? Parang hindi kasi fair eh. Ano ba ang dapat kung gawin Hopya? 

Jharred.

--------------x------x

Hi Jharred.

It depends upon how you deliver your actions. Eh baka naman bulag kaya hindi ka makita. Jokes lang :) Minsan kasi may mga bagay na mas mainam pinag-uusapan kesa pinapakita through actions. Baka nagbabad sa refrigerator kaya namanhid buong katawan pati feelings nadamay. Joke lungs ulit. Ok super gets ko na mahal na mahal mo ang girlfriend mo, pero you have to admit na mas maganda ang magiging buhay niya sa ibang bansa. I mean mas maraming opportunities sa kanya doon. Sana lang wag mong ipagkait yun sa kanya. I'm sure mahal na mahal ka rin niya at hindi dahil lang sa mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa ay hindi ka na niya mahal. Hindi doon nababase yun kuya. Sa huli naman kasi, para sa inyo rin naman yun hindi ba? Sa tingin mo masaya sya na malalayo sya sayo? Syempre kailangan niyo rin bigyan ng chance ang isat-isa na maabot ang mga sarili niyong pangarap lalo na at mga bata pa kayo. Kung kayo talaga ang para sa isat-isa, kahit sa ibang planeta pa sya pumuntan ay kayo at kayo pa rin ang magsasama sa huli.

Wala naman kasing relationship na walang pinagdadaanan. Promise! Tandaan mo yan. Ang challenges sa relationship ay nandyan para sukatin kung gaano katatag ang pagmamahalan niyo. Hindi naman sa lahat ng bagay kailangan puro ikaw nalang ang inuuna niya hindi ba? Minsan may mga bagay na kailangan nating i-put forward para rin sa ating ikakabuti. Hindi lang para sa sarili niyo kundi para rin sa relasyon niyo. Always stay strong for her kasi leaving will never be easy for her. Alam ko yan kasi dumaan na rin ako dyan. Suportahan mo nalang sya at iparamdam mo sa kanya constantly na nandyan ka lang palagi sa tabi niya. 

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon