Boys Will Be Boys

269 10 0
                                    

chicka

Hopya ang sakit pala masaktan ano? Yung pinakang-una sa listahan ko na alam kong hindi ako sasaktan ay sya pa ang dumurog ng puso ko. Bakit ganon Hopya? Binigay ko naman ang lahat ng meron ako pati katawan ko pero bakit iniwan niya pa rin ako? Kaka-seven months palang namin pero sabi niya paulit-ulit nalang daw ang mga bagay na ginagawa namin at nakakasawa na daw. Bakit ganon hopya?!! Hindi naman ako panget at minahal ko sya ng sobra pero iniwan niya pa rin ako. Bakit ganon ang mga lalaki? Pare-parehas lang sila eh!

---------------------------x-------------x

Hopya

Hi Chicka, first of all I love your name :) Kahit saang anggulo mo tingnan masakit ang maiwan ng taong pinahalagahan natin ng tunay pero tapos na yun at mas mabuti na tanggapin mo nalang na tapos na. Ang IBA sa mga lalaki ay minsan naghahanap pa ng mas hihigit sa mga bagay na meron na sila at kahit tayo rin namang mga babae, hindi naman kaya na masyadong maaga mong ibinigay ang LAHAT? Ang relasyon kasi kung gusto mo talagang pagyamanin, iingatan mo ito at hindi mamadaliin. Meron kasing mga bagay na hindi binibigay ng agaran. Hindi naman lahat ng mga lalake ay pare-pareho. Kahit kailan hindi naging totoo ang fact na yan. Communication is the key. Hindi dapat lahat physical.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon