Arrrgh! Hindi ko na talaga alam kung kanino ako magkukwento sa mga ganitong panahon. Wala na kasing kwenta kausap mga tao sa paligid ko. Kundi madaldal, kung saan saan naman pinopost. Leche kapag ganito ang mga tao sa paligid. Wlang makausap ng matino. Mapa-kaibigan, kapamilya hindi na mapagkatiwalaan. Puneyeta lang talga ang buhay.
Sorry teh, kailangan ko lang talagang ilabas yun. Naiinis kasi ako sa kaibigan ko. Ganto kasi yun teh. May grupo kami, di ko na papangalanan kung ano yung grupo namin, lagi kaming sumasali sa mga pacontest dito sa amin. Usually kami nananalo pero since last yr. nagkaroon ng boy group. Aamin ko magaling sila, pero alam ko naman sa sarili ko at tiwala ako sa grupo ko na kaya namin silang matalo. Pero kasi yung friend ko, she hates loosing kaya kung ano-ano ang pumasok sa kokote nya. Nakipag-sex kasi sya sa organizer nung dance contest. Nagulat lang talaga ako kasi napakamahin-hin nyang babae tapos ganun? A week bago magsimula ang competition, inannounce kung sino yung mga judges. 7 judges yun tapos 4 dun po ay lalake. Di ko na rin akalain na pinatos ng kaibigan ko yung apat na judges na yun para lang manalo kami. Nanalo nga kami pero alam ng madla kung sino talaga ang winner at hindi kami yun. Nalaman ko nalang to ng magpainom yung kaibigan namin. Sympre may pera kami kasi panalo kami, buti at ako nalang ang nandun nung nagsalita na mag-isa ang kaibigan ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nitong mga nakaraang araw suka pa ng suka yung kaibigan ko at halatang takot na takot na rin sya. Malay ba nya kung sino ang ama nung pinagdadala nya eh sa limang lalake ba naman ang pinatos nya eh. Teh anong advice ang maibibigay ko sa kanya. Since experieced ka sa department na pag-advice. Alam ko na sooner or later sa akin din lalapit yun pero anong sasabihin ko sa kanya? Paano ako makakapagbigay ng advice yung advice na mapaparamdam ko sa kanya na kino-comfort ko sya. Hindi yung pinapagalitan kumbaga.
--------------x----------x
While I was reading the whole thing, unti-unting nadudurog ang puso ko :| Ang sakit pala makabasa ng mga ganitong issue kahit hindi ako related sa mga nasasangkot. All this time, tinatanong ko yung sarili ko, WHY?! Was that even necessary? I mean, kung talo, talo talaga. Ang mahalaga you did your best naman hindi ba? Pero syempre, hindi lahat ng tao pare-parehas ng perspective when it comes to winning or loosing.
Mahirap magtiwala friend, tandaan mo yan. Isa pa, hindi dapat basta-basta binibigay ang tiwala. Well, para sakin hindi ganun kadali magtiwala. Sa tuwing unti-unting nabubuo ang tiwala ko sa isang tao, laging may isang dahilan o pangyayari para hindi ko na sila dapat pagkatiwalaan pa. But there's always someone you can trust with all your life, Papa God. He will not tell your secrets to nobody, he will not disappoint you, he will always be there to listen to your rants, problems etc.
Meron din naman kaming dance group, malalapit kaming magkakaibigan. Lagi kaming sumasali sa mga dance contest sa school namin, palagi yun. Kahit hindi kami manalo, ang mahalaga dun, masaya kami. Masaya kami na we actually got in there and did the best we could. Haaay. Ewan ko ba. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan yun ng kaibigan mo. Siguro gusto nya lang imaintain ang title nyo or something.
I understand na you want to comfort her and at the same time pagsabihan din sya. Mas kilala mo sya more than I do kaya I'm sure mas alam mo kung paano mo ipapaliwanag sa kanya ang concern mo. Pero what I could advice you is that at the beginning, take it easy on her. Alam naman natin parehas na may pinagdadaanan syang malaking problema at sigurado akong hindi nya kailangan ng isang taong pagagalitan lang sya at ipapamukha sa kanya ang katangahan nya. Ask her how she's holding up, kung ano ba ang nararamdaman nya, kung may maitutulong ka ba. You want to be the friend she can lean on to and I know that at this point, hindi madali yun. Ngayon palang, sinasabi ko na sayo, you have to be strong for her as well. Kahit sa ngayon hindi mo pa masyadong nararamdaman, dahil sa ikaw lang ang malalapitan nya at exclusive lang ang issue na yan sa inyo, you will be lifting half of the weight she's currently lifting. Tanungin mo sya kung ano ang gusto nyang mangyari ngayon. Kapag sinabi nyang hindi nya pa alam, let it be muna. As much as possible, sabihin mo rin sa kanya yung opinyon mo, pero hindi in a harsh way ha? Kapag mas komportable na kayong pag-usapan yung issue, let her know kung saan sya nagkamali, kasi at the end of the day, she needs to know where she went wrong. And this part of my advice is the most vital advice I could ever give you. Never ever leave her side. No matter what happens, come what may, never leave her alone.
She's very lucky to have a friend like you. If things gets worse, luhod sabay pray. Sya nga pala, remember na hindi lahat ng bagay kaya nating sulusyunan. Parang pagsasayaw lang yan eh. Kung talo, talo talaga. Ang mahalaga, humataw ka, ginawa mo yung best mo at masasabi mo sa sarili mo na, I Did My Best. God bless your beautiful and kind heart. I hope this helped you.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Non-FictionA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...