Contentment is the key to Happiness.

212 4 0
                                    

Ghema,

Hi ate Hopya. Bakit po ganun ako? Hindi ako makuntento sa kung ano ang meron ako? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na ma-inlove sa iba kahit na meron akong boyfriend. Alam ko 17 palang ako at charot ako pero hindi ko lang talaga mapigilan. Ang hilig kong pumasok sa isang sitwasyon na nagiging two timer ako. Hindi ko sinasadya eh. Paano mo ba ginagawa ang mag-mahal lang ng isa ate? Na si Jayson lang palagi? Na wala ng iba? Kahit malayo kayo bakit hindi mo sya kayang ipag-palit. Alam ko namang hindi lang naman ako ang may ganitong problema hindi ba? Pero ang tanong ko lang is paano mo nagagawa yun? Ano ba ang mai-aadvice mo sakin para hindi na ulit ako mapasok sa isang relasyon at magiging two timer lang ako. Ang hirap kasi kontrolin ng feelings ko weh. Lahat kasi ng mga nanliligaw sakin eh sinasagot ko kasi ayaw kong makasakit ng damdamin ng tao eh.

------------------x-------x

Hopya,

Alam mo ba ang sabi ng mama ko sakin? Hindi ako magiging masaya kung hindi ako makukuntento sa kung ano ang meron na ako. The key to happiness is contentment. Alam mo hindi ko masasagot yung tanong mo kung bakit naiinlove ka pa rin sa iba kahit taken ka na, alam ko na alam mo na ikaw lang ang makakasagot niyan. Hindi kaya dahil hindi ka lang masaya sa mga nagiging boyfriend mo? Kung hindi ka kontento, hindi ka masaya. Paano ko nagagawang mahalin si Jayson ng sobra? Simple lang. Kasi kontento ako sa piling niya. Kontento ako sa pagmamahal na binibigay nya, sobra-sobrang pagmamahal ang natatanggap ko mula sa kanya at higit sa lahat, MASAYA ako sa piling niya. Ang distance ay distance lamang. Hindi magbabago yun, panahon nalang ang makakapaglapit saming muli.

Ang mai-aadvice ko lang sayo is wag mo nalang sagutin yung mga lalake na alam mong hindi ka magiging masaya sa feeling nila. Hindi dahil sa nireject mo sila ay magmumukha ka ng masama. Hindi ganun yun. Maiintindihan yun ng mga lalake. Wag mo nalang sagutin kung itu-two time mo lang rin sila. Mas masakit pa nga yun kesa sa nireject. Dun ka magmumukhang masama. Sa pagiging two timer mo. Kaibiganin mo nalang sila. Hindi naman purkit hindi mo sila sinagot doesn't mean na magiging kaaway mo na sila, nandyan pa rin naman yung option na FRIENDSHIP hindi ba? 

Explore your choices.You have plenty of them. Kailangan mo lang talagang pag-isipan ang mga next moves mo.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon