Ligaw ba o Libre?

600 15 0
                                    

From Jezrel,

Hopya penge naman advice jan oh. Paano kasi may nililigawan ako eh, ilang taon ko na syang nililigawan. As in super inlove ako sa kanya. Wagas ang pagmamahal ko sa kanya pero parang marami syang bagay na hinihingi eh. Yung mga bagay na wala ako, hindi ako at hindi ko afford. Lalo na yung request niya na iPhone. Should I continue pa rin ba sa panliligaw ko sa kanya?

--------------x-------x

From Hopya,

Mukhang mayaman si girl ah, kung pagbibigyan mo yan siguradong mamahalin ka  niyan, pero syempre Joke lang yun. Jezrel, matanong lang kita ha? Ano ba talaga? Nagpapaligaw sya sayo o nagpapalibre? Aba naman Jezrel gising! Ang tunay na pagmamahal walang hinihinging kapalit yan. Ano yun barter? Bibigyan mo sya ng mga bagay na hiniling niya kapalit ng pagmamahal niya sayo? At iPhone pa talaga ang nirequest.

Tanungin mo nga sya, kung nagpapaligaw ba sya o magpapalibre ng bongga. Kung masaktan man sya sa sinabi mo edi affected siya. Kahit pa sabihin mong matagal mo na syang nililigawan eh hindi mo dapat baguhin ang sarili mo para sa kanya. Maghintay ka ng babaeng mamahalin ka kung sino ka. Sa ngayon hindi mo pa sya makikita kasi ang atensyon mo nanjan pa sa babaeng nililigawan mo. Ikalat mo ang mata mo Jezrel (not literally) maraming babae jan na mas deserve ka. Yung mga babae na hindi ka hihingan ng iPhone. Jokes!

Huwag kang mastock sa isang tao kasi hindi purkit feeling mo sya na eh sya na talaga, hindi pa nga kayo together diba tapos may hinihingi na sayo? Ang sakin lang pagisipan mong mabuti. Intindihin mo yung mga sinabi ko sayo. Ok? Tandaan mo, kung gusto ka ng isang tao hindi ka nya hahanapan ng kahit anong bagay o katangian na wala sa iyo.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon