Future Perfect

110 5 3
                                    

From Jasper,

Hello ho atey. Lahat naman siguro tayong naging estudyante at alam naman natin po lahat diba ang feeling na mapressure sa expectations ng magulang natin? Di ko maipagkakailan na maybe utak nga ako at alam yun ng magulang ko. Kasi mula pagkabata lagi akong first honor at validictorian at kapag bumababa ang grades ko ganon nalang magalit ang magulang ko. Minsan, iniisip ko na sana nagpakabobo nalang ako nung bata pa ako, kasi naman iba yung pagtrato nila sakin nung bata pa ako. Kapag nagffirst honor ako lagi nila akong nilalabas, tapos laging iniencourage at laging napupuri. Bilang bata, masaya para sakin yun kasi laging nasakin ang atensyon ng magulang at tuwang tuwa sila sakin. Pero nung tumanda na ako, yung encouragement nagiging paalala nalang. Paalala na wag babagsak at mag-aral ng mabuti kasi sayang ang scholarship. Na wag magpapabaya sa pag-aaral para maimaintain ang pagiging first honor. Lahat na nag bagay naging seryoso. Teenager rin naman ako at nagkakaroon din ng crush. 

So naging malapit ako sa second honor student namin na si Kirby. Oo matagal na kaming magkakilala at matagal na rin kaming magkakompitensya pero never pa naman nya akong natalo. Sabi ni Kirby matagal na daw syang may gusto sakin, grade 6 palang daw kami. Mahigit 1 year and a half na kaming magkarelasyon ni Kirby. Nagsimula yung pagiging magclose namin nung 2nd year kami. Hindi alam ng parents ko na may boyfriend na ako and let alone na si Kirby pa ito. Pero alam ng pamilya ni Kirby. Mabait nga yung pamilya ni Kirby kasi hindi nila kami pinersonal pagdating sa ranking namin hindi lang sa klase kundi sa buong batch. Simula nung naging kami ni Kirby, lagi naming pinaguusapan ang college at syempre, katulad ng ibang mga batang magkakarelasyon, napag-usapan rin namin ang gusto namin maging sa hinaharap. Parehas namin gusto maging lawyer. Hindi ko alam kung paano nagsimula yun pero nung first anniversary namin, nagswear kami na papasok kami sa iisang college lamang para hindi kami mahirapan at para matulungan rin namin ang isat-isa makalampas ng college tulad ng gingawa namin for the past a year and a half. 

It was all fun and games, ang saya saya magplano. Hanggang sa kausapin ako ng magulang ko tungkol sa college ko. Naaalala ko pa nga noon na sinasabi sakin nila mommy at daddy na ako daw bahala kung ano ang gusto kong maging. Kung saan daw ako magiging masaya. Pero last week lang, kinausap nila ako at dahil alam daw nila ang capabilities ko, siguro daw ay dapat maging Doctor nalang daw ako. Bukod sa malaki ang sahod ay makakapagserbisyo pa daw ako sa mamamayan. Very typical para kay papa dahil isa syang dentist at si mama naman ay isang business woman. Namention ko rin sa kanila na maybe hindi yun ang gusto kong maging. Na gusto kong maging isang matapang at kilalang lawyer sa bansa. Ang masakit pa dun, tinawanan lang ako ng magulang ko at sinabing kakaiba daw talaga akong magpatawa. Nasaktan ako ng sobra pero I went with the flow and made it seem like I was just kidding like they thought. 

My relationship with Kirby is falling apart because of this. Kanina ko lang nasabi sa kanya and I can tell naman na nasaktan sya at nagulat rin. Ganun rin naman ako, nasaktan rin naman ako pero paano ka lalaban kung magulang mo ang kakalabanin mo miss Hopya? Lahat tayo alam natin na lahat ng meron tayo at kung ano man tayo ay dahil yun sa kanila, sa mga paghihirap nila. Kaya minsan ang nararapat lang na gawin is ang pagbigyan sila. Pero paano yung pangarap ko? Yung pangarap namin  ni Kirby? Siguro kahit magkaiba naman kami ng course ni Kirby ay pwede pa rin naman kaming pumasok sa iisang college pero it comes down to 'i don't want to become a doctor'. Surely hindi lang ako ang may ganitong problema pero paano ko lalabanan ang magulang ko sa notion na ito? Ayoko silang saktan let alone idisappoint. Please, miss Hopya. I need your opinion and thoughts about this matter. Thank you kindly.

----------------x-----------x

Hi miss Jasper,

Not a long time ago, I was talking to someone very dear to me about this. I, myself went through what you're going through. I have quite of an idea of how difficult it is to be stuck in this situation. Nakakastress na sobra. Bago ako magsimula, I want you to remember something and always remember na this is about you. Buhay mo ito and as much as possible, take control. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo na mahirap mag-aral ng hindi mo gusto ang ginagawa mo. Dahil alam mo, ang pag-aaral, hindi lang utak yan, ginagamitan din ng puso yan. Kung isinasapuso mo ang mga inaaral mo, napakasarap aralin diba? Kasi feel na feel mo yung inaaral mo at intact ka talaga. 

Kung ano man ang matapos mo sa college, it'll be what you'll be doing for the rest of your life. Siguro pwede kang lumihis ng landas sa natapos mo pero lets be honest, hindi ganun kadali yun kasi parang itinapon mo narin ang pag-aaral mo. Especially sa transition ng Medicine to Law. I know na importante rin sayo si Kirby at mahal mo sya for sure pero sa ngayon, ikaw muna at ang parents mo ang isipin natin. You don't have to go against them. Bakit pa? Hindi mo naman sila susuwayin. But you have to talk to them. You have to make them realize na you have your own dreams. Syempre alam natin na maraming pangarap ang magulang natin para satin pero minsan, they have to know kung ano ang gusto rin nating mangyari sa sarili nating buhay.

Fight for your dreams and your dreams will fight for you.

Ang pagkamit sa pangarap ay hindi ganun kadili. We all know that. Maraming pag-subok ang pagdadaanan at sa huli, if you succeed, you'll feel very well tested. And that is the cherry on top. Na alam mong pinaghirapan mong makamit ang pangarap mo and finally natupad mo na rin ito. Make your parents realize na ito ka, na ito ang gusto mo. Oo siguro mataas talaga ang expectation nila since you're an outstanding student pero just because hindi ka naging doctor it doesn't mean na you failed them. Hindi ganun. Lets say sinunod mo ang parents mo and you became a doctor, do you think you'd be happy as a doctor? Sabi nila if you love what you're doing, you'll never have to work a day in your life. Remember, you could be doing this for the rest of your life. This is about you Jasper. It is important that you have a talk with your parents about this. Ang parents kasi surely they think na alam nila kung ano ang tama at mali kasi you've been their daughter since pagkapanganak mo and they think they know everything there is to know about you. But no. We change and sometimes they're not aware of it. Give thema good sense of who your really are and what you really want to be and surely they'll see it as something beautiful. If not, come back to me. Ok? 

We all know na College life is very stressful at surely, hindi mo magugustuhang mastress, malungkot at magsisi all at once. So think about how you will tell your parents. Wag mo silang biglain of course. Kasi I was told to take law by my father and I have no intention of becoming a lawyer, ever! I ended up taking law kasi tulad ng sabi mo, I feel like ito lang ang payback para sa mga nagawa nila para satin. And I did regret it. Nahirapan ako. At sa tuwing papasok ako sa law lectures ko, halos walang pumapasok sa utak ko. Pero kapag nasa Marketing lecture ako, halos kahit maliliit na detail na sinasabi ng lecturer ko alam ko. It makes a huge difference talaga between sa mga bagay na gustong gusto mo at sa mga bagay na labag sa loob mo.  Nahirapan din akong magsabi sa kanila na ayoko na ng law. Pero nilapitan ko si tatay ko (Tatay ni Jayson(partner ko)). Advice nya sakin is idaan ko daw sa biruan. Para sakin nagwork eh. Surely kilala mo naman enough ang parents mo para malaman kung saan nila best na makukuha ang punto mo diba?

Wag kang matakot kausapin ang magulang mo. They've been listening to you all this time and surely, makikinig rin sila ulit. Magpakatatag ka. Pangarap mo na ang nakataya eh. Give it all you got. Don't hold back. Masarap makamit ang pangarap. Its the best feeling there ever is. God bless and I hope kahit medyo magulo ako nakatulong pa rin ako sayo. You can always talk to me as you go through this ok? I can be a friend :) I promise. God bless. All the best Miss Jasper.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon