Isa pang LDR

186 4 0
                                    

From Shey

Ate! As what I've read nasa Long Distance Relationship ka diba? Ako rin kasi. Pero kasi first time ko palang ito at hindi ako masyado magaling maghandle ng ganito. Ang hirap nya kasing pagkatiwalaan. Madalas late ang reply nya at minsan wala syang masyadong time para sa akin. Paano kung makahanap sya dun ng iba sa maynila? Kasi lumuwas sya para mag-aral ng college at naiwan ako dito sa probinsya kasi fourth year palang ako. Mahal ko sya, mahal na mahal at hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko kapag nawala pa sya sa akin. 3 months palang kaming long distance pero ang hina-hina na ng fighting spirit ko. Kayo ba ate hopya ilang months na? Pahingi naman ako ng kungting tips dyan oh.

------------------------x-------x

Hi Shey,

Yes po nasa long distance relationship din po ako. Well, halatang bago ka pa nga lang sa tipo ng relationship na ito. First tip ko sayo is Don't panic. Wag kang magpapanic kapag hindi agad sya nakakapagtxt, magpanic ka kapag hindi sya nakapagtxt ng matagal at wala syang magandang dahilan. Alam kong mahirap ang ganitong relationship pero dapat handa ka na pahabain ang pasensya mo at tatagan ang tiwala mo. Alam kong mahirap pero kung puro negative ang iisipin mo eh puro away lang ang kahahantungan nyo. Second tip ko sayo is Don't away-away him. BIG NO NO! Ok? Malayo na nga kayo tapos magkakaroon pa kayo ng samaan ng loob, ok lang sana kung magkalapit lang kayo na kapag hindi nakatagal ang isa ay nandyan lang sa tabi para suyuin ka, hindi ganyan ang LDR. Mahirap mag-ayos ng away through text and I'm sure naranasan mo na yan. 10 months na kami sa 19 and we're still going strong. Alam kung mahal mo sya, gagawa at gagawa ka ng paraan para lang mapa-ige ang relasyon nyo, pero syempre hindi lang naman talaga dapat ikaw ang nag-eeffort sa relationship nyo. And last tip ko sayo is Stay Positive. Wag mong iisipin na iiwanan ka nya, kung iwanan ka man nya, well loko sya kasi pinakawalan nya ang isang taong kasididong mahalin sya gaano man kalayo ang distansya nyo. You got nothing to lose, stay positive and never loose hope. Yun lang.

Hopya's Book of AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon