Gabby
Hanggang ngayon hindi ko po matanggap na ginawa sakin ito ng mga magulang ko Hopya. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas nung malaman kong ampon ako. Oo Hopya, ampon ako! Pero kahit papaano kamag-anak ko pa rin naman pala ang tinuring kong mama ko. Unwanted child pala kasi ako nung tinuturing kong tita. Isang buwan na rin akong hindi umuuwi samin. Ayoko ko na, puro kasinungalingan nalang kasi ang mga lumalabas sa mga bibig nila. Kung hindi pa ako nagkasakit ng dengue hindi ko pa malalaman. Yung tinuturing ko na tita who turned out to be na nanay ko pala ang tanging nag-match na kadugo ko. Hanggang sa nagkaaminan na sila. Palibhasa anak ako ng tita (who turned out to be my real mother) ko sa ibang lalaki. Ang gulo ng buhay ko….!!!! Super gulo!!!!!!
---------------x--------------x
Hopya
Dear Gabby,
Alam ko mahirap, pero maige na ang alam mo na ang katotohanan diba? At least alam mo na ang lahat. Siguro ngayong alam mo na ang mga bagay na yun, ayaw mo bang mas matuto pa tungkol sa tunay mong pagkatao? Ayaw mo bang mas malinawan? Hindi naman sa pinapangunahan kita, opinyon ko lang ito katulad ng mga ibinibigay ko sa iba. Nasayo pa rin naman yun eh. Alam ko nasaktan ka and you’re still hurting but sometime soon, kailangan mong harapin ang problema mo. Hindi yung tatakbuhan mo. Ayun lang naman Gabby. I hope nakatulong ako. Stay strong.
BINABASA MO ANG
Hopya's Book of Advice
Документальная прозаA series of advice I've given from some of my followers from Tumblr. This could be very beneficial to others, hopefully. And! I am very approachable and you guys can have a piece of advice as well. I'm just one message away and I will always be rep...